A Sunset Confession
"So we must part ways in here" Inagaw naman ni Chase ang bag na hawak hawak ni Ian na pagmamay-ari ni Lyan.
Isang oras din ang inabot nila bago sila makarating dito sa Airport ng Gabu sa Ilocos Norte. The style of the airport is much more different from the airport they departed. Hindi mo masyadong pag-iisipang airport ang isang 'to dahil ang mga pader at ibang buildings ay gawa pa rin sa Brick na mukhang disensyo pa noong panahon ng mga espanyol. But it's still refreshing to look at it, it is an ancient beauty.
"Saan ba kayo naka check-in?" Napatanong naman si Ian.
"Sa Currimao yata iyon?" Bago pa man mapigilan ni Chase si Lyan ay nakasagot na ito kaagad sa kanya.
"Saan ba doon? Doon din kase ako." Lumawak naman ang ngiti ni Ian.
"Sa Kadillian ba 'yon Sir?" Napakamot na lamang sa kanyang ulo si Chase dahil wala nang preno ang pag-sasalita ni Lyan.
"Really? Doon din ako. Tignan mo nga naman ang KAPALARAN" Napatingin naman si Ian kay Chase at napangisi.
It wasn't Kapalaran at all though. Habang nasa site si Kim at si Chase ay pinag-usapan nila ang tungkol sa travel nila sa Ilocos. Dahil mausisa si Ian, nakinig siya sa buong detalye ng byahe nilang ito. And he is smart because he was able to set up this travel of his own na makakasama pa rin niya si Lyan.
"Sir, nandiyan na po ang sasakyan" Napangiti naman ng malawak si Lyan nang makita niya si Kim na lumapit kay Chase. Nakasuot lamang ito ng shorts na itim at Hawaiian pa na polo.
"Kuya Kim! Ibang aura mo ngayon ah!" Hindi naman napigilan ni Lyan na purihin ito. Napatigil ang tingin ni Kim kay Ian nang makita niya ito. Nagtinginan naman saglit si Chase at Kim.
"Nauna ka pala dito ha!" Nanlaki naman ang mata ni Kim nang bigla siyang pinalo ni Ian sa kanyang pwet. But Kim remained calm as if it was nothing.
"Tara na. Let's go Jin-Jan. hold your hands together" Hinawakan naman ni Ian ang kamay ni Jin at si Jana naman ay nakahawak kay Jana. Nagulat na lamang si Lyan nang hinigit siya ni Ian at napatiuna sa paglalakad.
"Bakit parang ako pa ang naging Yaya?" Napatingin si Chase sa kanyang mga bagahe na hawak.
"Those were my kids.. That is my Nanny.." Nakurap naman ito habang nagiisip. Nagulat naman si Kim nang bigla niyang binitawan ang mga hawak niyang bagahe.
"Ikaw na mag-buhat. Napipikon na ako" Nakapamulsang saad naman ni Chase at nagsimulang mag-lakad. Naalarma naman si Kim kaya agad niyang dinampot ang mga bagahe at nagmadaling sumunod kay Chase.
Naabotan naman ni Chase si Lyan at Ian na papasok na sana sa loob ng Van ngunit bigla namang hinatak ni Chase si Lyan.
"Dito ka sa harap." Binuksan naman ni Chase ang pintoan para sa tabi ng Driver's seat.
"Paano po ang mga bata?" tanong naman ni Lyan na hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin sa pag-hatak sa kanya ni Chase.
"Gusto ko matulog. " tipid na sagot lang naman ni Chase at sapilitang pinapasok si Lyan sa loob. Napaawang lang naman ang bibig ni Ian sa ginawa ni Chase. Pinagtaasan lang naman ni Chase si Ian ng kilay at napatiuna sa pag-pasok sa loob.
"Ate Lyan! I see a fire truck, is there a fire?" Tanong naman ni Jin habang nasa byahe sila. Pumagitna ang kambal sa pagitan nila Ian at Chase. Pareho naman silang nakatingin sa ibang direksyon.
"Maybe. What does the fire truck do again?"
"It kills the fire!" Tinaas pa ni Jana ang kanyang kamay upang mauna siyang sumagot.
BINABASA MO ANG
The Boss and his Twins
Romance"You can stop me but you can't stop my heart." *** The struggle of being a parent is real for Chase Buenaventura who only devoted his life to his career as businessman. He couldn't handle both parenting and work so his resolve is to find a nanny. B...