Chapter Sixty (Epilogue)

80.3K 1.8K 472
                                    

The Boss and his Twins

"Lintik na mga employer 'yan!" napasigaw si Lyan habang pagewang-gewang ito na naglalakad. Mukhang nadamihan niya ang pag-inom ng beer. Hindi pa naman siya sanay sa inuman. But that was her only way to ease her frustrations. Hindi na niya mabilang kung naka-ilang reject na siya sa mga trabahong inaapplyan niya.

"Puro experience hanap! Kaya nga magtratrabaho para magka-experience!" Tuloy-tuloy naman siyang napababa dahil pababa na pala ang lupa na naapakan niya. Napansin niya na may mga tao na nakatambay dito at para bang may inaabangan sila.

"Kukuha ng valid i.d. Tapos kailangan mo rin ng valid i.d! Mga bulbul kayo! Kaya nga kukuha ng valid i.d kase walang i.d!" Napalakas pa ang sigaw nito. Mabuti na lamang ay hind gaano karami ang tao rito at mas abala sila sa kani-kanilang sarili o kasama.

Napaupo na lang si Lyan at huminga ng malalim. Medyo napagod na rin siya sa kakasigaw.

"At isa pa, kailan ba ako magkakaroon ng jowa? Bakit hanggang ngayon wala pa?" Napaiyak na parang bata si Lyan habang napatingin sa langit. Hindi naman niya inaasahan na may makikita siyang meteor shower.

Kaya naman pala may mga taong nakaabang dito dahil mayroon pa lang meteor shower.

**

"Amoy araw na kayo!" nagulat si Jin at Jana nang biglang may bumuhat sa kanilang dalawa at inikot-ikot sila na parang helicopter.

"Ayaw paawat, Sir. " napahalakhak naman si Sally habang nakamasid sa kanilang tatlo.

"Ang bigat na rin nila. Hinihingal na ako" Naghabol naman ng hininga si Chase nang maibaba niya ang humahagikhik na kambal.

"Mamaya niyo na kalaro sila marky at gelo." Turo naman ni Chase sa dalawang aso na kanina pa nila kinakalaro.

Childcare777: Having pets is really a good example of bringing value to your children. Maganda na sa murang edad pa lamang ang marealize nila ang halaga ng mga animals sa mundo. But this should be taken with proper precautions in case mayroong allergies ang mga kids.

"Papaliguan muna ni Ate Sally sila Marky at Gelo okay?" ang sabi naman ni Aling Teressa sa kanila.

"Sige Sir! Magpapameryenda na po kami ng mga trabahador. " pagpapaalam naman ni Aling Teressa sa kaniya.

"Sige po. Kumain din po kayo"

"Daddy we will go to RosaKing today right?" Napayuko naman si Chase nang magsalita si Jin.

"Oo. Bibili tayo ng mga gamit ninyo diba? You want to spend your savings" Ngumiti naman si Chase.

Gaya ng ibang magulang tuwing lalabas sila kasama ang mga anak ay inuuna muna nilang bihisan ang mga bata.

But luckily, marami nang alam gawin ang mga anak ni Chase kahit sa murang edad pa lamang. Sinuklay ni Chase ang buhok ni Jin at hinati ito sa gilid. Naglagay lamang siya ng kaunting gel upang umayos ang hati ng buhok nito. Syempre hindi niya makakalimutan ang buhok ni Jana.

Tinirintas ni Chase ang buhok ni Jana kagaya ng buhok ni 'Elsa' sa 'Frozen' . Na-addict din talaga si Jana rito.

"Wow. Ang ganda naman ng prinsesa ko" Napatingin si Chase sa salamin nang mailagay niya ang mini crown sa tuktok ng buhok ni Jana.

"Talaga Daddy!" excited na tumayo si Jana at umikot pa ito sa harapan ni Chase. Nakasuot naman ng sky blue na dress si Jana.

"Oo naman." Hindi naman mapigilan ni Chase ang matuwa habang pinagmamasdan niya si Jana.

"Thank you Daddy!" ani naman ni Jana at yumakap siya kay Chase. Dahil nainggit naman si Jin ay yumakap din siya sa kanya.

"Daddy, iba na amoy mo. Maligo ka na" Natatawang saad naman ni Jin nang kumalas sila sa pagkakayakap sa kanya.

The Boss and his TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon