Chapter Thirty-Six

49.8K 1.5K 365
                                    

The Better One

Ikinagulat ni Lyan ang biglaang pagdating ni Hana sa School ng mga bata. It was supposed to be their Lunch Break dahil mid-session ang klase ng mga bata. Nakaupo lamang sila Lyan sa VIP Room na nakasareserba sa mga bata habang pinagmamasdan si Hana kausap ang isang babaeng may hawak na camera. Mayroon din siyang kasamang stylist na kasalukuyang inaayosan siya ngayon.

"Just sit back and relax. I'll eat with them" bigla namang nagsalita si Hana, ang sinabi naman niyang ito ay walang iba kung hindi para kay Lyan.

"It has been so long since I updated on my page. People keep asking me to update them of my life after ko maipasa ang title sa iba. I'm still a public figure so I must do this" pagpapaliwanag naman nito.

"And since everyone should know that I am Chase's soon-to-be wife, Nararapat lamang na magkaroon ako ng bonding kasama nag mga magiging anak ko ko hindi ba?" Tumayo naman si Hana at lumapit sa kinaroroonan ng mga bata. Nakita ni Lyan ang PA ni Hana na naglalapag ng ibang pagkain sa mesa.

"May Lunch Pack ang mga bata-" Naudlot ang sasabihin sana ni Lyan nang walang pasabing itinapon ni Hana ang Lunch pack ng mga bata na inihanda ni Lyan.

"That's mine!" Napatayo naman si Jin at nagalit sa ginawa ni Hana. Ngunit sapilitan namang pinaupo ito ni Hana.

"Huwag mong sasaktan ang mga bata. Mapipilitan akong mag-sumbong kay Sir." Hindi naman nagustohan ni Lyan ang inasta ni Hana at maging siya ay nagalit.

"Tingin mo maniniwala si Chase sa'yo? You should learn from these kids. Hindi na sila nagsusumbong dahil hindi naniniwala si Chase. " Pinagtaasan lang naman ni Hana ng kilay si Lyan.

"Napakasama talaga ng ugali mo!" Napakuyom naman ang palad ni Lyan.

"Doon ka nga muna. Panira ka ng view. Magshoshooting na kami. Bawal ang maduming pulubi dito" Napaatras naman si Lyan nang bigla siyang itinulak ni Hana at siya ang umupo sa kinauupuan niya kanina.

"We'll start"

Pakunwari namang si Hana ang nag-bukas ng mga baonan na dala niya. Inilahad niya sa dalawang bata ang mga pakain na dala niya ngunit bakas sa mukha ng mga bata na ayaw nila itong galawin.

"So hi guys! I'm here as a Parent today. It has been my dream, eating lunch with my kids, Say Hi!" Ginulo gulo pa niya ang buhok ni Jana at Jin ngunit wala namang response ang mga bata.

"Let's eat na. Go on, eat everything okay?"

Nang magsimulang kumain si Hana ay napansin niyang nakabusangot pa rin ang mga mukha ng mga bata at hindi sila kumakain.

"Can you stop the video muna please. " Bigla namang naging masungit ang boses ulit ni Hana.

"Ayaw niyong kumain?" Bigla namang sumigaw si Hana kaya napalapit si Lyan sa mga bata.

"Kumain kayo! That's my order!"

"Hana naman-"

Nagulat na lamang si Lyan sa ginawa ni Hana. Hinawakan pa nito ang batok ni Jin at sapilitang pinayuko sa pagkain mismo "If you don't eat then I'll make you eat like a pig"

"Tama na!" Buong lakas na hinawakan ni Lyan at inalis ang kamay ni Hana kay Jin. Agad na tumakbo si Jin sa likod ni Lyan.

"Napaka bastos ng ugali mo. Gagawin mo talaga sa bata 'yan!" Hindi napigilan ni Lyan na sigawan si Hana. Jana also made her way to Lyan.

ChildCare 352: Do not force your kids to do something they don't want. Give them space even just a little and then talk to them in a nice way. Discuss to them properly what is the reason of such routine or activity that they should do. Don't shout. Keep your voice calm. Don't scare them like what people usually do. (Sige! Ibibigay kita sa pulis ka! Mag-ingay ka pa! Kukuhanin ka niyan!) Always tell them in a nicer way.

The Boss and his TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon