Two kids plus one kidNagising si Jin at Jana sa tugtog na narinig nilang dalawa. Napabalikwas ng bangon si Jin nang marinig niya ang Opening song ng Pororo. Napatingin si Jana sa speakers, Nakita niya si Lyan na binubuksan ang kurtina.
"Gising na ang dalawang amo namin!." Tuwang tuwang saad ni Lyan nang makita niya ang dalawang batang kinukusot kusot ang mata nila.
"It's Pororo song" Kahit napipikit pa ang mga mata ni Jin at tumayo siya at lumapit sa speaker.
"You like it?" Lyan asked. Napatango tango ang dalawang bata at parang gustong umindak sa tugtogin.
"But Dad hates music. He might hear us." Biglang napawi ang ngiti ni Jana at nag-angat ng titig sa kay Lyan.
Bago pa man nakasagot si Lyan ay may kumatok na sa kanyang pntoan. It was Kim.
"Ms. Lyan, naririnig po ni Sir Chase ang music. Pwede bang pakipatay daw po"
Nagtinginan naman silang tatlo.
"Brush your teeth muna ha, I'll talk to Kim" Ngumiti parin si Lyan sa mga bata.
"Kontrabida talaga Tatay niyo" bulong naman ni Lyan sa sarili niya habang pinagmamasdan ang dalawa na patungo sa CR.
"Bakit ayaw daw niya ng music? Maganda kaya kapag lumalaki ang mga bata na nakikinig sa Nursery Rhymes." Nakapamaywang na saad ni Lyan kay Kim nang niluwangan niya ang pagkakabukas ng pintoan.
"Paano niyo naman nasabi?"
"Maganda kapag ang mga bata naeganyong kumanta ng mga kantang makakatulong sa paghasa din ng karunongan nila. Gaya ng mga nursery rhymes, hindi lang karunongan makukuha mo 'don, may makukuha ka ding magandang asal. Kaya nakabusangot lagi 'yang amo niyo kase ayaw making sa music" Patuloy paring reklamo ni Lyan kay Kim.
Child Care 872: Ang mga batang nakikinig sa mga lively songs like nursery rhymes or songs suitable for kid ay nagkakaroon ng malaking tyansang maging masigla at masiyahin sila. Studies proves that kids who love to sing along and dance along can easily overcome disappointments or sadness in the near future, It is also proven that music tend to be one of the most effective therapy in coping up stress. It is highly recommended to make your kids listen to nursery rhymes when they are still baby and as they grow up. This really helps a lot...
"Then I suggest you should get a bigger speaker than that" Mistulang napako si Kim at si Lyan sa kinatatayuan nila nang marinig nila ang boses na iyon.
That voice maybe is scarier than any horror story they might hear as of this moment.
Dahan dahan na lumingon si Kim sa kanyag likod. He saw Chase who was fixing his tie.
"S-Sir. Ano po ang ginagawa niyo diyan, hindi ba't ako dapat ang nag-aayos ng necktie niyo?" Parang nag-aalanganing magsalita si Kim.
"Kailan pa po kayo nandyan...?" Nauutal na tanong naman ni Lyan.
"Mula sa 'Kontrabida talaga ang tatay niyo'" Nanlaki ang mga mata ni Lyan sa sinabi ni Chase.
Mukhang Warning Number 1 na ito sa kanya! Baka mabigyan na siya ng Red Card!
"Binulong ko lang naman iyon... hehe" Napakamot pa ito sa ulo.
"Your music is too loud. Kaya akala mo ay bulong lang" ang sabi naman ni Chase bago ito naglakad palayo. Nang makaalis siya ay nagtinginan si Kim at Lyan.
"Pakihinaan nalang, Ms. Lyan, Para mag-tagal tayong dalawa sa serbisyo" Nakangiting saad naman ni Kim bago niya isinarado ang pintoan.
"Tomato!" sinabayan naman ni Jana ang musikang pambata na kasalukuyan nilang pinapakinggan. Tuwang tuwa naman si Lyan habang inaayos niya ang tirintas o braid ni Jana.
BINABASA MO ANG
The Boss and his Twins
Romance"You can stop me but you can't stop my heart." *** The struggle of being a parent is real for Chase Buenaventura who only devoted his life to his career as businessman. He couldn't handle both parenting and work so his resolve is to find a nanny. B...