A weekend together...
Kanina pa nakatitig sila Othan, Sally at Aling Theresa habang nagluluto si Lyan sa Kusina.
Walang pasok ang mga bata ngayon kaya naisipa ni Lyan na ipaghanda sila ng umagahan.
"Nako, Sana huwag itapon ng mga bata ito." nag aalalang lumapit si Aling Theresa kay Lyan.
"Sana nga po. " Napangiti lamang si Lyan.
Nang makita nila Othan ang dalawang pares ng pinggan, Kutsara, tinidor at baso na inihanda ni Lyan ay nagulat sila.
"Bakit iba ang mga plato nila?" Tanong naman ni Othan.
"Ahh. Nakita ko ito sa Grocery kahapon, Nacutan ako kaya binili ko" natutuwang saad naman ni Lyan.
Kulay asul at Kulay pink ang platong binili ni Lyan. May limang silid ang hugis parihaba na nabili niyang plato para sa mga bata. Ang baso, kutsara at tinidor naman ay kulay pink at asul din.
"Napansin ko kaseng babasagin ang ginagamit nila Jin. Nong bata ako tuwang tuwa ako sa ganitong plato. feeling ko ang daming ulam at pagkain. Kahit kanin at isang klaseng ulam lang ang kakainin ko" kwento naman ni Lyan habang nakangiting naka titig sa dalawang platong kinakargahan niya ng pagkain.
"Goodmorning Jin-Jan!" Sinalubong ni Lyan ang dalawang batang patungo sa kusina habang nasa likod nila si Kim. Mukhang ito na nga ang gumising sa dalawa.
"I'll have chocolate bar-- Huh? What's this?" Napatigil si Jana nang makaupo siya ay makita niya ang malaking platong inilapag ni Lyan sa harapan nila
"This is your Breakfast"
Ang linalaman lang naman ng plato nila ay may rice sa pinakamalaking silid. Sa katabi nitong silid ay may ham, may roon ding sliced boiled egg
ang dalawang silid ng plato ay nakalaan para sa kanilang dessert. Ang isang silid ay para sa yogurt at may nakahandang tiny slices ng banana, strawberry, apple at grapes si Lyan."How do you eat ham? I have no knife" ang sabi naman ni Jin habang hawak hawak ang hugis kuwadradong ham.
"You eat it like this oh," umupo si Lyan sa tapat ng mga bata at nagdala ito ng kanyang plato na may kanin at isang pirasong ham
"You tear the ham and then you put it to the rice like this and grab it like this"
Nakita naman niyang ginaya siya ng kambal.
"It's juicy and delicious" napatango tango naman si Jin.
Kumindat si Lyan kay Sally nang magsimula silang kumain. Sila Kim, Othan at Aling Teressa naman ay gulat na gulat habang pinapanood ang dalawa.
"Lyan what are these? How do I eat this?" Napalingon naman si Lyan kay Jana "You can dip the fruits there. It's very delicious"
Childcare 187: Kids most likely have no appetite during breakfast. But it is the most important meal they should have.One way to boost their appetite during this meal is to serve some sweets/milky things that is already familliar with their taste. A cereal or a simple flakes with milk would do.
One more appetite boosting is the plating. We should not underestimate the kids' taste to the food appearances. Kapag ang bata ay maaliw sa pagkakaayos ng pagkain ay mas gaganahan silang subukan ito.
"The banana is good" ani pa ni Jin. Halos naubos na nito ang kanin niya.
"Hala, Anong klaseng tao ka?" Bulong ni Aling Teressa kay Lyan
"Hindi sila kumakain ng ganyan dito. Lalo na sa fruits" dagdag pa ni Othan.
"Eh ano 'yan ngayon?" Naghalukipkip naman si Sally habang pinagmamasdan parin ang dalawa.
BINABASA MO ANG
The Boss and his Twins
Romance"You can stop me but you can't stop my heart." *** The struggle of being a parent is real for Chase Buenaventura who only devoted his life to his career as businessman. He couldn't handle both parenting and work so his resolve is to find a nanny. B...