Melting me gently
May dalang basket at payong si Lyan na sumunod sa Ilog nang marinig niya mula sa kanyang mga kapatid na pupunta sila ngayon doon kasama ni Chase. Ito ay pakana ni Aries dahil ito ang mahilig magpunta sa ilog. Sampung minuto lang naman ang itatagal kung lalakarin ito mula sa kanilang bahay. Hindi niya rin naman mapigilang hindi mag-alala dahil parang batang nakawala sa hawla si Chase. Labas ng labas at kung saan saan nagpupunta kung may nag-aaya sa kanya. Pero dahil babalik na ulit sila sa Gilberts bukas, pinabayaan na lamang ni Lyan si Chase sa kanyang gusto.
"Ay Kabayo-" Napasigaw naman agad si Fara nang matunton siya ni Lyan at biglang hinablot sa kanya ang cellphone nito. Kasalukuyan kase nitong kinukuhanan ng larawan si Chase na naka topless
"Aba Manyak ka ah!"
"Luh, si Ate. Pa-inosente. Mas Malala ka kaya" Nakasimangot naman ito at saka inagaw ulit kay Lyan ang kanyang cellphone.
"Saang banda ako Malala?" nakaigiting pangang saad naman ni Lyan.
"Kagabi nga no'ng natutulog ka, nananaginip ka sabi mo pa, Sir Chase, huwag po.. Sir Chase" agad na tinakpan naman ni Lyan ang bibig ni Fara nang makita niyang umahon si Chase sa ilog at palapit na sa kanila
"You're here.." abot tengang ngiti naman ang ibinungad ni Chase kay Lyan nang makalapit ito sa dalaga.
"and you're choking her" turo naman ni Chase kay Fara na nagpupumiglas sa kanya. Agad namang nilubayan ni Lyan ang kanyang kapatid at inayos ang kanyang sarili nang humarap ito kay Chase.
"Sir, nag-dala po ako ng extrang damit at towel. Kaya maligo lang po kayo hanggang sa gusto ninyo. "
"Nag-dala ka rin sana para sa'yo." Sinilip naman nito ang basket na hawak ni Lyan.
"Hindi na po. Dito lang po ako, bantay niyo" Nagulat naman si Lyan nang biglang sumimangot si Chase na parang bata.
'Hala, ang cute'
"Nakakaguilty tuloy. I told you you should take a brief break pero napansin ko nitong mga araw na panay sunod ka na lamang sa akin. " he shook his head.
"Ah hindi po, Sir. Mahalaga ay nakauwi po ako. Enjoyin niyo po ang San Silvestre hanggat may oras" sinubukan naman ni Lyan na buhayin ang mood ni Chase naparang biglang nawalan ng gana.
"Sige. Baka kase makagat ako ng Tilapia kapag wala ka doon. Sige ako na lang mag-isang lalangoy sa ilog."
Napaawang naman ang bibig ni Lyan nang tumalikod ito na bagsak ang mga balikat at nag-lakad ng mabagal pabalik sa Ilog.
"Hindi naman yata nangangagat ang Tilapia eh?" bulong naman ni Lyan. "Sama na po ako Sir!" ibinaba naman ni Lyan ang kanyang Payong at ang hawak niyang basket at tumakbo para habulin si Chase.
Ang Ilog sa San Silvestre ay isa sa mga lugar kung saan nagpapalipas ng oras ang mga tao dito. Bukod sa ito ay open for the public at libre, Maganda rin ang tanawing nakapalibot dito. Mahangin at malawak. You will get to see the mountains surrounding San Slvestre. It's a hidden and under rated paradise.
"Ate paramihan tayo ng Shells na makukuha!" Narinig naman ni Lyan na sigaw ni Aries na nakalayo na.
"Hoy huwag kang lumayo may Sirena diyan!" sigaw naman ni Lyan sa kapatid niya.
"Ahh!" Napasigaw naman siya nang biglang may tumulak sa kanya papunta sa Ilog. She ended up wetting all of her body. Nang umahon siya at napunasan ang kanyang mukha ay nakita ni si Chase na tumatawa. It was him who pushed her.
"Wow, Sir ah. Wagas kung makatulak"
"Don't worry, I'll dive in with you" Masyado namang napaatras si Lyan nang biglang lumusong sa Ilog si Chase na sanhi ng kamuntikan na niyang pagkatumba. But Chase is like a Boy Scout. He was always ready to catch her. Napakapit naman si Lyan sa kanyang matitipunong braso at napaangat ang kanyang titig kay Chase na ngayon ay nakatiitg rin sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Boss and his Twins
Romance"You can stop me but you can't stop my heart." *** The struggle of being a parent is real for Chase Buenaventura who only devoted his life to his career as businessman. He couldn't handle both parenting and work so his resolve is to find a nanny. B...
