Chapter Fifty-Nine

50.2K 1.3K 247
                                    

Until the end

3 years later....

"Jin-Jan! Baba na ma-lalate na kayo" Napatingin si Chase sa kanyang orasan nang mailapag niya ang ulam at fried rice na niluto niya. Nakita naman niya mula sa hagdanan na pababa na.

Pinagmasdan naman ni Chase ang dalawa habang paupo sila sa kanilang upuan. Umupo naman si Chase sa gitna upang saluhan sila sa pag-kain.

ChildCare011: If you have time, you should join your kids when eating. Mahalaga para sa isang magulang na samahan ang mag anak na kumain.

"I prepared your lunch here. Pinagluto ko kayo ng Chicken Adobo, you told me you want it" Nakangiti si Chase na sinabi ito sa dalawa.

"Namimiss ko lang po 'yong Adobo mo Daddy. Favorite ko 'yon eh!" ang sabi naman ni Jana. Na ngayon ay number one fan girl ni Chase.

Dahil nauna si Chase na natapos kumain ay sinamantala niya iyon upang ayusin at tirintasin ang buhok ni Jana habang kumakain. Mahaba na kase ang buhok ni Jana at parang ayaw niyag magpagupit. Kaya naman naisipan ni Chase nap ag-aralan noon ang pagtirintas sa buhok upang maayos niya ang buhok ni Jana. He is an expert at this now.

Nang matirintas ni Chase ang buhok ni Jana hanggang sa kanyang baywang ay nilagyan niya ng sunflower mini clips ang magkabilang parte ng buhok ni Jana malapit sa tenga. Nasa gitna rin kase ang hati ng buhok nito.

"Daddy we have meeting today.." Napatingin naman si Chase sa kalendaryo nang marinig niya ang sinabi ni Jin.

"Daddy will come. Kukuhanin ko ang mga cards ninyo then we will have dinner. Gusto niyo ba 'yon?" He kissed Jana's hair and and Jin's hair too.

"Yehey!" galak naman ang mga bata sa sinabi ni Chase.

"Sige na. Nandiyan na si Kuya Othan ninyo. Let's Go" Nagmadali naman silang tatlo nang marinig nila ang busina ng sasakyan ni Othan.

Buhat ng dalawa ang kanilang bag at sinunod ni Chase ang kanilang Lunch Pack. Hindi ito pwedeng mawala.

"Daddy maligo ka na ha! Para handsome ka mamaya!" bilin pa sa kanya ni Jana bago ito pumasok sa sasakyan.

"Ay! Nose to nose pa pala!" Napasigaw si Jin nang bigla niya itong maalala. Natawa naman si Chase dahil kahit late na sila ay hindi pa rin nila ito mapapalagpas.

"Nose to nose kay" ani naman ni Chase at pinagdikit ang kanyang ilong sa ilong ni Jana. At ganon din kay Jin "Nose to nose kay Jin. "

"Sige na. Late na kayo. Hintayin niyo si Daddy mamaya!" kumaway naman si Chase habang papasok na ang kambal sa sasakyan.

Napatingin naman si Chase sa kanyang suot dahil hindi pa nga ito nakakaligo. "Ang baho ko na." Napatawa ito ng mahina.

Nang makapasok siya sa loob ay nilakasan niya ang volume ng malaking flat screen na TV sa sala na naka-mute kanina. Ngayon ay nagsasalita si Kim sa balita sa umaga tungkol sa bagong proyekto ng RosaKing.

"Sabi ko na huwag kang gagamit ng lip balm" Chase smirked upon seeing Kim on the screen.

Si Kim ang CEO ng RosaKing sa loob ng tatlong taon, Chase gained the Director's position and he chose to focus on his twins. For the past years naging panatag siay sa pamamalakad ni Kim at kahit nga CEO si Kim ay pakiramdam niya ay walang nagbago sa pakikitungo ni Kim sa kanya. Kim still acts like his secretary until now.

Aside from that, everything is still the same. Nandito pa rin sila Aling Sally, Aling Teressa. Nguni tang pag-aalaga sa mga bata ay naiwan kay Chase. Ito rin ang kagustohan niya. Gusto niyang tutukan ang kambal habang lumalaki sila.

The Boss and his TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon