Chapter Thirty-Eight

51K 1.6K 491
                                    

Take me, I'll Follow

There is no time to rest. Ang mga limitadong panahon na nandito sila sa Ilocos ay nararapat lamang na igugol nila ito sa pag-lilibot buong province. The team went to visit the famous Sunflower field in Piddig Ilocos Norte. Patok ito sa mga bata dahil sa napakatingkad na kulay ng naglalakihang sunflower. Naging tourist destination din ito kamaikailan at nagtrending sa mga netizens ang iba't ibang photography na kanilang pinopost sa pagbisita nila dito. It's very wide and the place is almost covered by the beautiful sunflower.

Walang tigil ang pag-kuha ni Lyan ng mga litrato ng mga bata. Game na game naman ang mga ito na mag-pose. Hinanda din niya ang outfit ng mga bata. Both of them are wearing floral clothes. Paghahanda na din ito para sa party ni Hana.

"Hey." Napalingon naman si Lyan sa kanyang likoran nang makita niya si Chase na lumapit sa kanya.

"Day off mo pala sana ngayon." Untag naman nito sa kanya.

"Okay lang po, Sir. Exemption na lang po ngayon" Nakangiting saad naman ni Lyan.

"I can take care of the kids for today. You can just stroll around if you want."

Para namang napa-isip si Lyan at saglit na napatingin sa mga batang abala sa pagtitig sa mga sunflower.

"Ako na muna ang mag-aalaga sa kanila ngayon araw. Mag-libot libot na lang po muna kayo" Para namang nagaanan ang loob ni Lyan nang makita niya si Kim na lumapit sa mga bata. Other than her, Chase could only entrust his kids to Kim. Maski naman siya, batid ni Lyan na sanay na si Kim sa pag-aalaga ng bata. Maybe he is even better than Chase.

"Then I guess we can look around" Bigla namang nag-taka si Lyan nang inilahad ni Chase ang kanyang kamay. He is smiling today, compared last night he was full of rage. Pero hindi na ininda ni Lyan iyon dahil epekto lamang siguro ito ng kanyang pag-inom.

Seeing those hands makes her heart flutter. She was about to take that hand but a voice called out for her.

"She is coming with me" Napalingon silang dalawa kay Ian.

"Hindi ka naman kasama sa Travel namin. In fact you came here as a solo traveler. She doesn't need to go with you" Napailing-iling naman agad si Chase.

"If she's coming with you then sino kasama ng jowa mo?" Nag-taas naman ng kilay si Ian kay Chase. Kung kanina ay naging palaban si Chase kay Ian ngayon naman ay hindi na ito nakaimik. Because Ian was absolutely right.

"Gusto mo bang sumama sa kanya?" Instead, Chase just asked Lyan. Hindi rin nakasagot si Lyan kaagad. Matagal lamang itong nakayuko kay Chase. Napaangat naman siya ng tingin nang humakbang sa kanya palapit ito.

"If you don't want to go with him then just tell me. Sabihin mo dahil hindi kita papasamahin sa kanya" Hindi maintindihan kung ano ba ang meron sa mahinang boses ni Chase. Para ba niyang hinihila itong sumama sa kanya. But that isn't just right.

"Sasama na lamang po ako kay Ian. Dahil day off ko naman." Nag-lakas loob naman si Lyan na sumagot kay Chase. She didn't even think twice and she immediately walked away with Ian.

For a few moments she was drowned with the good feeling of being by his side. But that was wrong after all. Bakit ang mali ay hindi natin kaagad nararamdaman? Somethings that are always wrong felt so right at first.

Mabuti na lamang at parang Knight in shining armor si Ian dahil lagi siyang nandiyan tuwing kailangan niya ng tatakbuhan. After what Ian said yesterday she could perceive somehow that he is interested with her. Maganda ang tingin ni Lyan kay Ian. He is a good person and she could be any other girls ideal type. Wala namang hindi kagusto-gusto kay Ian. Siya ang tipo ng lalakeng maaring kang masuyo ng dahan-dahan.

The Boss and his TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon