Chapter 1

857 21 0
                                    

Third Person pov

She woke up as the sunlight hit her face.

"Ah... I'm alive" she said as she stretch her arms.

Bumangon na siya at pumunta sa kusina para maghanda ng almusal.

Instant Noodles.

Lagi ito ang almusal niya kasi may instruction ito. Hindi siya pwede maghanda ng ibang pagkain kasi hindi naman niya alam kong saan bibili. Ang alam lang niya may convinient store na katabi ng apartment na tinirhan niya at doon pwede bumili ng Instant Noodles.

Hindi niya matandaan kong saan bibili ng matinong pagkain at hinding hindi niya ito matatandaan dahil may anterograde amnesia siya.

Pagkatapos kumain hinugasan na niya ang pinagkain niya.

Nang matapos na siya, pumasok siya sa kwarto niya at tumingin sa salamin.

"Name is Jennie Kim. 21yrs old. Gender female. Okay atleast still remember the basic. Good." She said to herself.

Ganito lang palagi ang buhay niya araw-araw, nakakulong lang siya sa bahay niya. Dahil sa sakit niya hindi siya pwede lumabas kasi baka maligaw siya.

Ganito ang buhay ni Jennie Kim.

Laging mag isa at nakakulong sa pagkabata niya.

Kahit gustuhin niya hindi na siya makakausad sa nakaraan.

Dahil bukas kahit ayaw niya ay walang siyang maalala sa nangyayari at mangyayari ngayon.

Buhay siya oo, pero wala rin siyang pinagkaiba sa patay.

----

6:00pm

"Hapunan na" tumayo siya at naghanda ulit ng kakainin niya.

Syempre instant noodles.

Busy sa pagkain si Jennie, hindi niya namalayan na may nakapasok na sa bahay niya.

Nagulat nalang siya at may biglang lumitaw na Yellow post-it note sa salamin sa kwarto niya.

"Hi! I'm Lisa Manoban 🙂 meet me at the park, i'll be waiting."

Yun ang nakasulat sa yellow post-it note.

'Lisa? Sinong lisa? At bakit naman ako pakikipagkita sa kanya sa park eh hindi ko naman siya kilala.'

Binalewala ni Jennie ang sulat at tinapon ito sa may trash bin malapit sa kama niya.

"Jennie kim, bakit hindi ka nalang mamatay?" Bulong niya sa sarili at natulog na.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Don't forget Vote and Comment :)

YELLOW NOTES | Complete | Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon