Lisa Pov
"Lisa" tawag sa akin ni Jennie.
'She used to call me Lili'
When she call me that again?
I guess never."Ano?" Sagot ko.
"Saan yong stall?" Ayh oo nga pala hehehehe. Pati pala yun hindi alam ni Jennie."Nakikita mo ba yong lalaking naka red-shirt dun? Yung tinatayuan niya. Don ang stall." Tumango lang siya at nagsimula ng maglakad.
Andaming nawala kay Jennie simula ng Aksidenteng yon.
At gagawin ko ang lahat para unti unting maibalik ang nawala na yun.
---
Jennie Pov
Sinunod ko yong instruction ni Lisa at nakabili naman ako ng maayos. Inabot ko na sa kanya yong Hotdog at Sandwitch niya. Nagsimula na siyang kumain at ako heto nakatingin lang sa pagkain sa harap ko. Eto na siguro yong huling pagkakataon na makakain ako neto.
"Ang Pagkain kinakain hindi tinititigan." Nabalik ako sa realidad ng biglang magsalita si Lisa.
"Nalulungkot lang ako. Baka kasi lahat ng naranasan ko ngayon... hanggang ngayon na lang. Hindi na mauulit." Malungkot na sabi ko.
Pupunta kaya si Lisa bukas para ilabas ulit ako? Gusto ko siyang tanungin. Gusto ko siyang sabihan na ' Uy puntahan mo ulit ako bukas. Maglaro ulit tayo.' Kaso sino ba ako para humiling sa kanya?
Sino nga ba si Lisa?
"Sino naman ang nagsabi sayo niyan?" Pagsabi niya non ay bigla siyang naglabas ng ballpen at yellow post-it note mula sa bag niya. Inabot niya sa akin yun.
"Gusto mo maalala lahat ang nangyare ngayon diba? Isulat mo lahat diyan. Para bukas paggising mo hindi mo man maalala ng buo pero habang binabasa mo yan mararamdaman mo ulit yong naramdaman mo ngayon."
"Seryoso ka?"
"Oo...at ako naman"
kumuha siya ng ilang piraso ng Yellow post-it note at naglabas pa siya ng isa pang ballpen.
"Isusulat ko lahat ng kaylangan mong tandaan. Para makapunta ka dito para naman kahit wala ako at nalulungkot ka sa bahay mo pwede kang pumunta kahit kaylan mo gusto. Basta basahin mo lang tong guide na isusulat ko." Tapos non nagsimula na siyang magsulat. Seryoso nga siya.
Una, dinala niya ako dito sa Amusement park.
Pangalawa, tinulungan niya akong alisin ang takot ko.
Tapos ngayon ito naman, ano ka ba talaga Lisa Manoban?
"Ano ba ako sayo Lisa?" Tumigil siya sa pagsulat at tumingin sa akin.
Shit napalakas ata ang pagkasabi ko nun.
Ngumiti lang siya sa akin at nagpatuloy na siya sa pagsulat at nagsulat nalang din ako.
October 07, 2019
First time kong pumunta sa Amusement Park. Ay mali. First time kong lumabas ng bahay simula nong makuha ko 'tong sakit na to. Dahil ito kay Lisa Manoban.
Tumingin ako kay Lisa para malaman kong nakatingin din siya sa akin. Ayoko kasing makita niya yong sunod kong isusulat.
Nagsusulat pa rin siya.
Binaliktad ko yong papel at nagsulat ulit.
'Sa lahat ng nangyari ngayon Si Lisa Manoban ay ang ayaw kong kalimutan.'
"Tapos ka na ba Jennie?"
Nabigla ako nong biglang lumapit sa akin si Lisa kaya nalukot ko tuloy yong papel. Buti hindi naman napunit hehehe.
"Ah... oo. Saan na ba tayo susunod na pupunta?"
"Malapit na magsara 'tong amusement park, umuwi na tayo." Binitbit na niya ang mga gamit niya at magsimula ng maglakad paalis.
Uuwi na kami?
Tapos na?
Ang bilis ng oras. Parang kanina lang kakarating lang namin dito at panay pa yong hila niya sa akin.
Hindi ko na ba siya makikita ulit bukas?
'Is this the last time I'll see and remember Lisa?'
'That idea makes my heart break into thousand of pieces'
'But why?'
"Yah Jennie! Hindi ka na ba aalis jan?" Tawag niya sa akin.
"Lisa... I won't be able.. to see you.. again tomorrow right? I... won't remember you.... not at all." Hindi ko alam kung bakit pumasok yun sa isip ko. Hindi ko alam kong bakit ganito ang nararamdaman ko.
She just smiled and walked towards me. When we just inches close she patted my head and looked into my eyes.
She gave me stare that felt her eyes are going to devour me.
"Let's go home Jennie-yah."
She saying my name that like perfect melody to my ears.
-----
Nong makarating na kami sa bahay ko, dinikit na namin ang yellow post-it note sa salamin ko. Tapos nun bigla niya akong dinikit at biglang may nagflash sa mukha ko na liwanag.
"Ah! Ano ba yon? Ang sakit sa mata." Sabi ko sabay kusot sa mata.
"Picture" tapos nun may inabot siyang puting bagay sakin. Nung binaliktad ko yun nakita ko ang mukha namin dalawa.
"Para bukas di ka na medyo magulat sa akin." Sabi pa niya.
Teka bukas?
"Lisa-"
"See you tomorrow Jennie unnie!"
~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
YELLOW NOTES | Complete | Short Story
Historia CortaBLACKPINK JENNIE X LISA FANFICTION. Enjoy Reading!