Jennie Pov
Tapos na kami magluto.
Tungkol dun sa nangyari kanina wag kayong mag expect ng masyado. Dahil pagkatapos niya akong yakapin.....
She just patted my head and smiled warmly at me. That time alam kong totoo na yun. Tapos nagpatuloy na siya pagluluto and ngayon nandito na kami sa dinning table para magkainan ay este kumain.
Kinuha ko yong bowl niya at nilagyan yun ng kanin at ulam.
Teka......
BAKIT KO SIYA PINAGLAGYAN NG PAGKAIN?
"Ah....Sorry. Kusang gumalaw yung kamay ko. Sorry kung pinakealaman kita." Sabi ko sabay balik sa kanya ng bowl niya.
Naparami ba ang yung kuha ko ng kanin?
Bakit ko ba kasi ginawa yun? Aish! Pabo Jennie!Pansin kong napangiti siya at bumulong. Hindi ko naman naintindihan kung ano sinasabi niya kasi masyadong mahina yung boses niya.
"Lagyan mo na ng kanin yang bowl mo. Kain na tayo." Sabi niya.
------
"Unnie unnie!" Tawag niya sakin.
Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinagkainan namin nung marinig ko ang tawag ni Lisa.
Bakit kaya?"Ano yun Lili?" Bakit ba kasi Lili yung gusto niyang itawag sa kanya? Pero infairness bagay sa kanya ang cute nga eh. Oppss!
Tanga Jennie nagiging Bi kana.
"Basta! Halika dito!" Tinapos ko na ang huling plato atsaka pumasok sa kwarto kung saan si Lisa.
May inabot sya sa akin na puting box.
"Ano to?"
"Uso buksan"
Napabunting hininga nalang ako tsaka umupo sa kama ko.
Sumunod sa akin si Lisa at umupo sa may tabi ko. Dahan dahan kong binuksan ang box."Ano to?" Isang rectangle na blue yong nakita ko sa loob. Parang.....
"Cellphone yan unnie." Kinuha niya yung 'Cellphone' sa loob ng box.
"LISA MANOBAN ALAM MO BA GAANO KAMAHAL ANG CELLPHONE?!"
Pinagtawanan lang ako ng bata nato.
Bastos -____-"HOY LISA WAG MO AKONG TAWANAN GAGO SUMAGOT KA!"
Eh di ako na mukhang tanga dito.
Nagsasalita mag-isa tapos tatawanan. Tsk"Unnie regalo ko yan sayo kaya no choice ka kundi tanggapin yan." Sabi niya na parang binigyan niya lang ako ng candy.
Gaano ba kayaman ang batang to? Tang ina ako nga namumulubi na dito at pinagkasya nalang yung natitira kong pera dahil naubos sa hospital. Wala naman akong kamag-anak na malalapitan.
'Ang mga magulang ko, hindi ko matandaan.'
"Unnie picture tayo pang-wallpaper mo."
"Ayoko."
"Hindi mo ba alam na madami ang gusto magpapicture sa akin at tinatanggihan mo lang ako?"
"Sino-Letche oo na sige na."
Sinunod ko yong sinabi sa akin ni Lili. Mamaya kasi magbubunganga naman to eh. Sinigurado kong kita kaming dalawa don sa may Cellphone.
*click*
"Unnie patingin." Inagaw niya agad sa akin ang cellphone.
"Waaahh~~ ang cute natin dito, tignan mo unnie." Tinapat niya naman sa akin ang cellphone.
Bagay na bagay kami. Pwede ba makahingi ng 100copies neto? Haha dijoke lang.
"Ah shit!"
Tinititigan ko pa yong mga picture namin nang maramdaman kong tumayo siya at nagmamadaling umalis.
"Lili san ka ba pupunta?"
"Ah unnie gabi na kaylangan ko ng umalis. Ay oo nga pala." Lumapit siya sa akin at inabot ang yellow note at ballpen.
"Isulat mo jan unnie lahat ng memorable experience mo ngayong araw." Ngumiti siya sa akin at tuluyan ng umalis.
Tumingin ako sa orasan.
11:11pm na pala.Tama lang na umalis na si Lisa. Baka hinahanap na siya ng magulang niya.
Pero sa pagsara ng pinto, feeling ko pinagsarhan narin ako ng boung mundo. Pakiramdam ko mag isa nalang ulit ako. Napatingin ako sa yellow note at ballpen na binigay sa akin ni Lisa.
Tama.
Maaring hindi ko maalala pero pwede ako gumawa ng pruyeba na nangyari ang lahat ng to para makatulong sa akin na makaalala
October 08, 2019
'Ngayong araw na to madami kaming ginawa ni Lisa. Pumunta kami sa mall, binilhan niya ako ng kung ako dun. Tapos nagGrocery kami para maiba naman yong kakainin ko. Ang sarap pala magluto ni Lisa ng Bulbogi no? Tsaka ng fish fillet tsaka ng sopas. Eto na kaya yong araw na huli akong makakain ako ng ganito?'
Tapos sa likod ng yellow note may sinulat din ako.
'Eto na ba yong huling araw na pupunta si Lili dito? Sana... hindi... Ayoko. Kahit na wala na yung mga pagkain na yun. Basta andito si Lili.'
Nakaramdam ako ng antok. Dinikit ko yung yellow note malapit sa isang yellow note na nakita ko kaninang umaga kasama nung picture namin. Oo nga no, sabi dito pumunta kami ng Amusement Park ni Lisa kahapon.
Makakapunta pa kaya kami ulit dun?
Humiga na ako sa kama ko at pumikit.
Sa pagtulog kong yun bigla nagflashback sa isip ko ang ilan sa mga ala-alang kahit kailan ay hindi ko na matatandaan.
"Lili..... Sorry."
~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
YELLOW NOTES | Complete | Short Story
Short StoryBLACKPINK JENNIE X LISA FANFICTION. Enjoy Reading!