Chapter 8- Hole in her Heart

254 14 0
                                    

2yrs ago....

"Lisa~ Lisayaaah~" Hinahanap ng nakakatanda ang pinakamamahal niyang dongsaeng

"Aish! Saan na naman kaya nagsusuot yun?" Halos malibot na niya ang buong school pero hindi parin niya mahanap ang hinahanap niya.

Maya maya nakadinig siya na kumakanta, Pamilyar yun.
"Lili!" Nagmamadali niyang sinundan kong nasaan nanggagaling ang tinig.

Hindi siya maaaring magkamali. Si Lili niya ang may-ari ng napakagandang boses na yun. Para kay Jennie Kim wala ng mas maganda pa sa pagkanta ng nakababata.

'She was her treasure'

"Lili! Nakita din kita ahihihihi." Agad niya itong niyakap ng napakahigpit.

"Sus para namang hindi mo alam. Alam mo naman ma nandito lang ako palagi sa music room tumatambay." Sabi ng babae,"tsaka tumigil ka nga sa kakayakap sa akin Jennie! Hindi na ako makahinga!" Angal niya.

"Hoy anong 'Jennie' ah? Sinabi ko na sayo na tawagin mo akong unnie eh! Aisssh!" Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa kanyang dongsaeng na ngayon ay sumisigaw na.

Pagkatapos ng ilang minuto bumitaw na si Jennie kay Lisa at hinarap ito ng maayos. Kaya niya ito hinahanap eh kasi natatae na siya at kailangan niya ng mag-aabot ng tabo sa kanya.

Dejoke lang hahaha.

Pero totoong natatae na si Jennie.
Natatae sa kaba. Hindi niya alam kung kaya niya bang sabihin ang gusto niyang sabihin pero hindi niya dapat ipahalata na kinakabahan siya.

"Ahm....Lili."

"Bakit Nini?"

"Lili kasi... ano..."

"Ano nga kasi?"

"Suot ko Panty mo ahihihihihi."

"UNNIE!" Namula ang dalaga dahil sa sinabi ni Jennie. "UMAKYAT KA NA NAMAN BA SA BAKURAN NAMIN PARA MAGNAKAW NG MGA PANTY KO?!!"

Pinaghahagis ni Lili ang unnie niya ng mga gamit siya sa bag. Hiyang hiya ang dalaga dahil sa pinaggagawa ng unnie niya.

"OY TAMA NA LILI NAGJOJOKE LANG NAMAN AKO OY- ARAY MASAKIT! JOKE LANG HINDI NAMAN AKO KUMUHA NG PANTY MO MAY STOCK PA NAMAN AKO NEXT MONTH ULIT HEHE."

Imbis na tumigil eh yong mismong bag na ni Lisa ang binato niya sa unnie niya. Kunwari pa siya eh kinilig din naman siya.

"Pakyu unnie sagad!" Syempre dapat magpabebe siya. Akmang aalis na si Lisa ng music room ng pigilan siya ni Jennie.

Tiningnan siya ni Lisa. Biglang sumeryoso ang mukha neto. Ramdam din ni Lisa ang pamamawis ng kamay neto.

'Ano bang iniisip ni unnie?' Tanong niya sa sarili.

"Lili."

Biglang nag iba ang paligid. Nabalot ito ng kadiliman. Si Lisa naman na hawak-hawak ni Jennie ay biglang nawala.

"L-lili?" Biglang rumehistro ang takot at kaba sa mukha ni Jennie.

"Lisa!? Nasaan ka Lisa?!" Takbo lang siya ng takbo ngunit pare-pareho lang ang nakikita niya.

Dilim.

"Lisayaaah?!! Nandiyan ka ba Lisa?"

"U-unnie...Jennie... unnie..."

Agad niyang pinuntahan ang pinanggagalingan ng boses na yun.
Sigurado siyang ang pinakamamahal niyang Lili yun.

Nagmamadali siya dahil halata sa boses nito ang paghihirap.

Ano bang nangyayari?

"Lisa nandito na-" nabigla ang dalaga sa nakita.

Isang duguan na Lisa ang bumugad sa kanya. Sa di kalayuan ay nakita niya ang sariling duguan din. Pilit nitong inaabot ang kamay ni Lisa.

Hindi makagalaw si Jennie sa nakikita niya ngayon.

Ano ba talaga ang nangyayari?

"Nini ahfkfkl." Hindi na narinig ni Jennie ang huling salita ni Lisa. Pakiramdam niya ay binagsakan siya ng langit at lupa nang pumikit ang nakakabata at di na dumilat pa.

Lumingon sya sa sarili niya na humahagulgul pa dahil sa sinapit ni Lisa. Kahit siya mismo na nonood ay hindi napigilan ang pagbagsak ng kanyang luha.

Maya-maya ay nagsalita ang Jennie Kim na duguan.

"Lili....Sorry."

Pagkatapos nun ay tuluyan ng nawalan ng malay ang duguan na Jennie Kim.

Ang Jennie na nanonood ay nilamon na din ng Dilim.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

So far how's the story guise? Please let me know your comment 🙏🏻

YELLOW NOTES | Complete | Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon