Chapter 11 - Answer

251 14 1
                                    

Jennie Pov

"Remember this cafe Jennie?" Umiling ako kay tita.

Siya yung babaeng nakita ko sa Park. Sabi niya tita nalang ang itawag ko sa kanya.

She let out a heavy sigh before she spoke. " It's so sad to think that you forgot about her. Lisa.... Lisa and you used to come here often." She said.

Lisa?

Ako?

"Grabe nakalimutan mo ba talaga lahat? Alam mo bang nagwawala ka sa Hospital dahil hinahanap mo sa amin si Lisa?" Agad akong napalingon kay Chaeyoung dahil sa sinabi niya. Mas naguguluhan ako.

Mataggal ko na bang kilala si Lisa?

"Jennie." This time si tita naman ang nagsalita.

"You and Lisa were about to go somewhere.... Lisa didn't tell me where. Then the two of you had a car accident. As a result you.... seems like you had an amnesia, and our dear Lisa....."

"Ano pong nangyari kay Lisa?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito pero hindi ko alam kung bakit.

"Lisa is in comatose... for 2years already." Parang tumigil ang oras ko sa mga sandaling narinig ko ang sinabi ni tita. Hindi ko alam pero parang tinalikuran ako ng mundo.

"Jennie we need you." Hinawakan ni tita ang kamay ko na ngayon ay nanlalamig. "Kanina bago tayo nagkita nabanggit namin ang pangalan mo kay Lisa at she lifted her fingers.  I know hindi pa yun sapat pero para sa amin sobra-sobra na yun. For 2 years hindi siya gumalaw. Sinabihan na kami ng doctor na mababa na ang chance namin na mabubuhay pa siya pero hindi kami sumuko. Lalo na ngayon. Jennie maybe you can help our daughter. Maybe you can help Lisa wake up. Please... please Jennie... help us. I don't want to give up our daughter.... please..." Nagsimula ng humagulgul si tita sa harap namin.

Nagkatinginan kaming tatlo nila Chaeyoung. Pare-pareho ang nasa mata namin.

Awa.

Naawa kami kay tita dahil 2 taon na niyang hinintay si Lisa. Pero bilib din ako sa kanya dahil 2 taon din siyang hindi sumuko.

Eh ako? Ano bang nangyari sa buhay ko simula ng magkaganito ako?

Wala.

Wala akong matandaan.

"Pwede ko po bang makita si Lisa?"

---

Isang babaeng may bangs, maputi at matangos ang ilong pero cu-- aish! Nakahiga sa hospital bed. Ito si Lisa.

Kung titignan para lang siyang tulog.

Pero 2 taon na siyang tulog.

"Ganun parin pala ang kondisyon niya. Walang pinagbago." Lumapit si Chaeyoung para mas makita niya ng malapitan si Lisa. Ganun din ang ginawa ni Jisoo. Si tita naman andun sa labas kausap ata ang doctor.

Ako nandito. Nasa may tapat parin ng pinto. Hindi ko magawang humakbang papalapit kay Lisa.

'Hindi ko kaya.'

"Kayo anong koneksyon niyo sa amin ni Lisa?" Tanong ko sa dalawa.

"Grabe naman to, strangers kong strangers ah. Ouch!" Umaktong nabaril sa puso si Jisoo.

Pero hindi ko yun pinansin at inulit ko ang tanong sa kanila.

Nagbuntong hininga muna si Chaeyoung bago nagsalita.

"We were friends, Jennie. Ikaw,ako si Jisoo at Lisa. Pero mas close kayo ni Lisa dahil una kayong nagkakilala."

Si Jisoo naman ang nagsalita.
"Tapos dumating ang araw kung saan pareho kayong dalawa ang nawala sa amin. Yung araw na yun birthday ni Lisa. Hindi ko alam ang buong detalye basta nabalitaan nalang namin na nagkaroon ng naaksidente at nalaman namin sa balita na kasama kayo sa mga biktima. Pagdating namin ni Chaeyoung dito una ka namin pinuntahan dahil nasa ER na si Lisa. Pagkapasok namin wala ka pang malay pero maya-maya bigla kang nagwala, hinahanap mo si Lisa sa amin. Tinanggal mo pa mga yong dextrose mo at lumabas ng kwarto para hanapin si Lisa kaso nahimatay ka. Pagkatapos nun 1 buwan kang naconfine dito. Hindi mo na siguro maalala pero dinadalaw-dalaw ka namin kapag may oras kami. Pero lage ka lang tulala at hindi maka usap. Tapos nung nalaman namin na nadischarge kana pala wala na kaming balita sayo. Hindi naman namin alam kung saan ka pupuntahan dahil sa aming tatlo si Lisa lang ang may alam ng bahay mo. Yong cellphone mo nawala na din dahil sa aksidente."

Sa haba-haba ng explanation nila tanging "ah..." ang nasagot ko. Ayaw magsink sa utak ko ang lahat ng sinabi nila.

Magkakilala kami ni Lisa. Close kami.

Pero kong 2 taon ng comatose si Lisa bakit yong date nakasulat sa yellow note sa may cabinet ko ay nong nakaraang araw lang?

Bakit ako lang mag isa ang nasa litrato kahit na ang nakalagay doon ay 'Magkasama kami ni Lisa.'

Tiningnan ko si Lisa na wala paring malay hanggang ngayon. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya.

Gusto ko siyang maalala.

Gusto kong maalala si Lisa.

'Pero paano ko magagawa yun?'

Kung bukas hindi ko naman siya kilala.

Si Chaeyoung.

Si Jisoo.

Si Tita.

Ni isa sa kanila wala akong matandaan.

Tumingin ako sa orasan.

10:15 pm

'Wala ba talaga ako pwedeng matandaan?'

Maya-maya pumasok na si tita. "Gabi na. Mas okay sigurong umuwi muna kayo. Salamat sa pagbisita niyo sa anak ko. Lalo na sayo Jennie. Salamat. Ah.. kung pwede... bumalik ka ulit dito bukas Jennie. Para kay Lisa." Kita sa mata ni tita ang pagmamakaawa.

'Kahit gustohin ko man pumunta ulit baka hindi ko na alam kong paano.'

"H-hindi ko po alam...."

"Ano ka ba naman Jennie ikaw nalang ang pag asa ni Lisa." Napatingin ako kay Chaeyoung. Tumango naman si Jisoo bilang pagsang ayon sa kanya.

Napayuko nalang ako. Hindi sila kayang tingnan. Gulong-gulo na ako. Pero bukas wala naman akong matandaan sa gulong to. Nagpaalam na ako sa kanila bago umalis.

Habang naglalakad ako sa Hospital may narealize ako.

Hindi ko alam kong paano bumalik galing dito.

Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko. Hindi ko alam kong saan nanggaling to basta nakita ko to sa may tabi ng kama ko tapos may nakalagay na note.

"Use it. Read the manual inside the box :))"

Pumunta ako sa may gallery. Pinicturan ko kasi yong instruction sa may yellow note kanina. Ang nandito lang ay pauwi galing sa park. Wala sa Hospital.

Paano ako uuwi neto?

May napindot ako sa screen kaya nag-iba yong picture.

Naging picture ko..... at ni Lisa?

"Psst" may biglang humawak sa balikat ko. Dahan dahan akong lumingon para makita kong sino yun. Nanlaki ang mga  ko sa nakita ko.

"Lisa?" O___O

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bakit nakikita ni Jennie si Lisa kong si Lisa ay nacomatose pala? Leave a comment guise :)

YELLOW NOTES | Complete | Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon