Chapter 5 - Nice to meet you......again

285 15 0
                                    

Third Person Pov

She woke up as the sunlight hits her face.

"Ah...i'm alive." She said as she stretch her arms.

Bumangon na siya at pumunta ng sa kusina para maghanda ng almusal.

Instant noodles.

Lage naman eh.

Paulit-ulit lang naman palagi.

Babangon siya.
Kakain.... ng instant noodles.
Haharap sa salamin at titignan ang kung kilala pa niya ang sarili niya.
Tapos matutulog.

Pagkatapos niya ligpitin ang pinagkainan ay humarap sa siya salamin.

Napakunot siya ng noo.

May nag iba.

Lumapit siya para tignan ang mga yellow notes na nakadikit sa salamin niya.

Yong tatlo dun ay instruction papunta sa Amusement Park.

Yong isa naman dun ay may kasamang picture.

Lalo siyang nagtaka.

Dalawang babae ang nasa litrato.

Siya.
At isa pang babaeng hindi niya kilala.

Hindi niya kilala pero gustong-gusto niya titigan.

Binasa niya ang note na nandun.

October 07, 2019

'First time kong makapunta sa amusement park. Ay mali. First time kong makalabas ng bahay simula ng makuha ko tong sakit nato. Dahil ito kay Lisa Manoban.'

Ako ba yong nagsulat nito? Yong Lisa ba yong kasama ko dito?

Pinikit niya ang kanyang mga mata. She tried to remember what happend yeaterday since according to the date written on the note, it all happend yesterday.

But she failed.
She can't beat her sickness after all.

She just ignored those notes and went to her bed to sleep.

But Lisa was still on her mind.

------
6:00pm

"Hapunan na" tumayo na si Jennie para maghanda ulit ng kakainin.

Syempre instant noodles.

Busy sa pag aayos si Jennie ng pagkain kaya hindi niya namalayan na may nakapasok na pala sa bahay niya.

Nagulat nalang siya ng may makita siyang babae na nakaupo sa upuan niya.

"S-sino ka?"

Imbis na sumagot ang babae, ngumiti lang ito sa kanya.

Teka.... parang pamilyar siya...

Biglang nagflash sa isip niya yong picture kanina sa may salamin.

"L-Lisa.... Man.."

"Lili" Biglang putol sa kanya ng babae.

She gave Lili a puzzled look.

The girl in front of her sighed and look away. You can see sadness on her eyes. Loneliness.
It was very weird. But Jennie can't help her feelings. She was hurt seeing pain in those eyes.

'But why?'

Nanatili lang silang ganun hanggang sa basahin ni Lisa ang katahimikan.

"Jennie unnie, gusto mo bang pumunta sa mall?"

------
Jennie Pov

"Jennie bilis! Isukat mo." Inabot sa akin ni lili yung kinuha niyang tshirt.

'Bakit nga ba ako napunta dito?'

Hindi ko rin alam. Sa totoo lang di ko namalayan na napa-'oo' pala ako sa lili na yun. Bumalik lang ako sa realidad nung hinila niya ako palabas ng bahay. Na-gayuma ata ako.

Hindi ko alam kong saan ako magbibihis dito kaya nagtanong-tanong ako. Nakarating naman ako ng maayos sa dressing room at nagbihis na.
Tingnan ko yong sarili ko sa salamin.

Bagay naman sa akin. Magaling din pumili ang isang yun.

"Aish bahala na. Pwede na siguro to." Kinuha ko yong damit na suot ko kanina at lumabas na suot-suot yong ang damit na binigay ni Lis-lili.

"Woah bagay sayo Jennie! Pero mas mabuti siguro kong hubarin mo muna yan tapos isuot mo yong luma mong damit. Bibili pa tayo ng iba." Sabi niya sa akin pagbalik ko.

Huhubarin ko na sana yong damit na pinasuot niya sakin kaso biglang pinigilan niya ako.

"T-teka unnie! A-ano bang ginagawa mo? Namumula ba siya?

"Sabi mo hubarin ko muna tong damit ko."

"Aish oo nga pero dun ka sa dressing room wag dito."

Tinulak niya ako loob at sinara ang pinto.

"Diyan ka magbihis."

Ano pa bang magagawa ko kundi ang sundin siya.

~~~~~~~~~

YELLOW NOTES | Complete | Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon