Chapter 3 - Fears Pt. 2

359 15 0
                                    

Jennie Pov

At hinila na naman po ako ng babaeng maganda na to...oppss ano ba tong pinagsasabi ko.

"H-hoy Lisa saan mo na naman ako balak dalhin ngayon?" Tanong ko sa kanya kasi nakakainis na.

Tumigil kami sa Horror house.

Pakiramdam ko ayaw ko dito, bakit ba lahat ng ayaw ko lage ang pinupuntahan ni Lisa? Galit ba to sa akin?

"L-lisa-"

"Hep hep alam kong ayaw mo dito, tandaan mo ang sinabi ko sayo kanina na hindi lahat ng kinatakutan mo ay pwede mong takbuhan."

Wala na akong magawa at pumunta nalang. Ano bang magagawa ko, baka kapag tumakas pa ako ulit eh baka yakapin na naman ako neto.

Ayoko na baka tuluyan na akong mahulog sa kanya.

------
"AAAAAHHHHHHH!!!!!"

"HAHAHAHAHA"

"WALANGYA KA LISAAAA WAG MO AKONG TAWANAN TANGGALIN MO TONG PUTOL NA NA KAMAY SA PAA KO BILISAN MO." Andito na kami sa loob ng Horror House. Sabi na eh Ayoko ditoo. Huhuhu taena mo Lisa.

Sino ba kasi ang siraulong nagembinto nitong horror house nato? Bakit gusto niya manakot ng iba, bakit hindi niya nalang niya takutin sarili niya total siya naman may gusto eh.

"LISAYAAAAAAAAH!!!!" Sinigawan ko ulit siya kasi hanggang ngayon ayaw parin niya akong tulungan dito. Nakakainis na!

"HAHAHAHA KONG NAKIKITA MO RIN ANG MUKHA MO NGAYON JENNIE SIGURADONG MATATAWA KA RIN." Tawa niyang sabi.

Aba aba naman nagawa pa kong insultuhin.

"HOY LISA HINDI KITA KILALA KAYA KAPAG NAMATAY AKO DITO DAHIL SA PUSO MUMULTOHIN KITAAA!" Pinikit ko nalang yong mata ko para hindi ko makita yong nakakadiring kamay sa paa ko atsaka tinanggal. Putang ina kapag hinintay ko pa si Lisa tumigil sa kakatawa baka hindi na ako makalabas dito.

"Paano mo naman ako mumultuhin eh baka nga di mo na ako makilala." Sabi niya. Bakas sa boses niya ang lungkot, kahit ako din nalungkot ng marealize ko yun.

Tama nga siya.

Wala nga akong matatandaan kahit isa sa mga nangyayari ngayon.

Dahil sa sakit ko.

Hindi ko maalala na may Lisa Manoban ang pumasok sa bahay ko at ipinaramdam kong gaano kasaya lumabas.

Kahit nagkanda suka ako at hindi na makahinga sa kakasigaw sa horror house na to hindi ko maitatanggi na naging masaya ako.

Ayoko.

Ayokong kalimutan to.

Ayokong kalimutan si Lisa Manoban.

Pero paano niya nalaman ang tungkol sa sakit ko? 😳😳😳

"AAAAAAAHHHH!!!" Napatigil ako sa pagsesenti kasi may biglang lumitaw na babae na mahaba ang buhok at nakaputi sa harapan ko.

"Hahahahaha ang duwag mo talaga sa multo paano nalang ko ajfjdkwl." Hindi ko na maintindihan ang sunod na sinabi ni Lisa dahil ang tanging naririnig ko nalang ay ang sarili kong sigaw dahil sa nakakatakot na sounds effect.

"Jennie."

"A-ano?"

"Too tight"

"Ha?"

Napatigil nalang ako ng marealize ko ang posisyon namin. Nakayakap pala ako sa kanya. Shit! Nakakahiya bumitaw agad ako. Wala naman uong babaeng multo buti nalang.

"S-sorry. Tara na nga!B-bilisan nalang natin para makalabas agad tayo." Pansin kong malungkot ang mukha ni Lisa pero agad naman itong napangiti.

Ngiti na alam kong pilit.

"Sige na nga, naawa na ako sayo ang putla-putla mo na." Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming lumabas ng Horror House.

/dug dug/

Ayan na naman siya. Yong puso ko ba talaga yon?

-----

Andito muna kami ngayon sa kainan sa loob ng Amusement park. Hindi ko alam kong ano ang kukunin ko dahil hindi ko naman alam kong anong klaseng pagkain yong andito. Siguro dati alam ko to pero ngayon bago ito sa paningin ko.

"Jennie anong gusto mong kainin?" Tanong sa akin ni Lisa.

"Ano bang meron dito? Kasi alam mo wala akong alam dito. Ikaw nalang pumili para sa akin." Sabi ko.

"Sige ito pera, sabihin mo don sa taong nagbabantay don sa stall na dalawang hotdog at sandwitch." Inabot niya sa akin yong papel na kulat violet ay may mukha ng lalaki tsaka umupo sa isang table dun.

"Bakit ako? Eh ikaw nalang kaya baka may mangyari pang masama sa akin. Alam mo-"

"Hindi pwedeng ganyan ka nalang palagi. Subukan mo nalang, ako na magbabantay ng table natin bilisan mo na."

Useless talagang makipag away kay Lisa.
Teka....."Lisa"

"Ano?"

"Saan ba yong stall?"

YELLOW NOTES | Complete | Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon