Chapter 6 - Who are you?

271 15 0
                                    

Lisa Pov

"Damit...shoes...hmm..ah! Bilis unnie! Mag-gogrocery tayo!" Hinila ko si Jennie unnie papunta sa supermarket.

Kawawa naman si mylabs-- este si unnie puro nalang instant noodles lang kinakain. Sana ako nalang para mas yummy.

Dejoke lang hehehe... hindi na pwede eh.

"Teka lang unnie tulungan mo ko, andami ko ng bitbit oh!" Sabi ko pero di niya ako pinansin.

"Kaya mo na yan, malakas ka naman eh." Nakangiti niyang sabi.

'Aish ano ba to si unnie!'

Pagdating namin sa supermarket iniwan na muna namin ang mga pinamili namin sa baggage counter dahil mabigat.

"Unnie kuha ka ng cart dun." Sabi ko sa kanya sabay turo sa mga cart.

Since wala namang alam si unnie ng ibang pagkain kundi instant noodles lang. siya na yung pinagtulak ko ng cart at ako na ang kumukuhanng pagkain.

Maya maya pagkauwi namin tururuan ko si unnie magluto para naman maiba yong pagkain niya.

Ayiiiee ang sweet naman namin tignan ngayon. Para kaming mag asawa na nag-gogrocery para sa mga anak namin. Tapos mamaya magluluto kaming dalawa hihihihi. Keneleg eke.

'Kaso hanggang kilig nalang ako'

'Hanggang isip nalang ako'

Teka anong oras na ba?
'8:00pm na pala'

May oras pa ako. Minadali ko na yung pag-gogrocery kahit kinikilig pa ako. Limitado lang kasi ang oras ko.

Buti nakuha ko yong credit card ni mama at papa kanina kundi baka nganga kami ni unnie dito hehehe.

Pagkatapos non umuwi na kami.

----
Jennie Pov

"Unnie hiwain mo to ng maliit." Sabi sa akin ni Lisa sabay abot ng carrots sa akin.

Ginawa ko yong sinabi niya. Buong araw wala akong iba ginawa kundi sundin yung sinasabi niya. Sa totoo lang hindi ko rin alam kong bakit.

'Bakit ko ba sinusunod ang babae nato?'

'Bakit ba ako pumayag na sumama sa kanya?'

'Bakit ba ang komportable ko kapag kasama ko siya?'

'Bakit ba siya nandito?'

'Sino ba si Lisa Manoban?'

"Lis-i mean.... lili"

"Hmm?" Hindi niya ko tinignan. Masyado siyang nakafocus sa paghihiwa ng isda.

"Wag kang magagalit sa tanong ko ah."

"Ano ba yang tanong mo unnie?" Hindi parin siya tumitingin sa akin. Okay na rin yun dahil naiilang kasi ako kapag titingin siya. Ang ewan pakinggan but i don't even know bakit ako nagkakaganito.

"Sino ka ba?"

Tumigil siya sa ginagawa niya pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Hindi rin siya sumagot sa tanong ko.

Ilang minuto ang lumipas at ganito parin kami.

Siya nakatingin sa isdang hinihiwa niya kanina. At ako naman nakatingin sa kanya.

"Ah kung ayaw mong sagutin okay lang naman. Hehehe" masyadong hard ata yong pagtatanong ko. Ako na nga itong tinutulungan niya ako pa tong chismosa.
Nilibre na nga ako ng damit, shoes at pagkain.

Pero diba kung ikaw ang nasa pwesto ko makucurios ka din?
Ikaw ba naman may bigla nalang papasok sa bahay mo tapos bigla kang hihigitin sa mall. Hindi ka ba naman magtataka.

Tumingin sa akin si Lisa. Nakangiti siya pero alam kong peke lang ito.

Binitawan niya ang hawak niyang kutsilyo at nagsalita.

"Sino ba ako para sayo Jennie Kim?"

Sino nga ba siya?

"Hindi ko.... alam." Tumingin ako kay Lisa. Nakatingin siya sa akin. She's still wearing that fake smile of her. " Hindi ko alam kong sino ka..." pagpatuloy ko, " Pero pakiramdam ko matagal na kitang kilala. Hindi ko alam pero komportable ako sayo. I don't know we look perfect together in that picture i saw in the morning. I don't know who you are but I'm sure i don't want to forget you." Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

'Teka bakit ko siya iniiyakan?'

Tuwing iniisip ko si Lisa puro tanong ang pumapasok sa isip ko.
Pero sigurado ako sa sinabi ko, ayoko siyang makalimutan.

Pero may mga bagay na gustong-gusto natin pero hindi pwede.

Kahit gusto kong maalala si Lisa bukas, imposible mangyari.

It's already impossible for me to create a new memories.

Then all of a sudden i felt her warm arms around me. She was hugging me.

'And it felt so right.'

"Then i'll remind you of me everyday." She said.

~~~~~~~~~~~~~~

YELLOW NOTES | Complete | Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon