Chapter 10 - Puzzled

240 10 0
                                    

Jennie Pov

"Ano bang ginagawa ko dito?" Hindi ko alam bakit ako nakapila ngayon sa Horror House sa Amusement Park.

Nagsimula ang kaweirduhan kong ito paggising ko kaninang umaga.

Una.

May nakita akong cooking book at mapa papuntang grocery sa may tabi ng kama ko na may nakalagay na note.

"If ever you're hungry just follow the recipes here 🙂 eat well Nini! Kapag ubos na ang pagkain mo sa ref sundin mo lang yung mapa para makabili ka 🙂"

Hindi ko alam pero sinunod ko nga yun at nakagawa ako ng Kimchi Fried Rice kanina, medyo malaat nga lang.

Tapos nun pumunta ako sa may salamin at may nakita na naman akong note dun.

"You are Jennie Kim. 21 years old. Your birthday is on January 16. You have an anterograde amnesia so you tend forget things a lot. But don't worry i'll be here to remind you always :)) And lastly, you are perfect Jennie

-Lili"

Sa tabi ng note na yun ay may ibang pang yellow notes at may kasama pang picture ito. Pero iba ang handwriting ng mga yellow notes na ito.

Pero ang mas weird dito, ang nakasulat sa yellow notes ( na mukhang ako ang nagsulat) ay kasama ko daw si Lisa pero ako lang naman mag isa ang nasa picture.

Sinubukan ko nalang itulog ang lahat ng yun pero parang may alarm clock sa katawan ko at nagising ako ng eksaktong 6:00 ng gabi.

Tsaka ko napagdesisyunan pumunta dito.

"Aish nasisiraan ka na ng uli Jennie. Umuwi ka na nga." Pinunit ko yong entrance ticket para sa Horror House at nagsimula ng maglakad paalis ng may tumawag sa akin.

"JENNIEEEEE!"

Sino naman yun?

Teka.... hindi kaya..?

'Yun si Lisa?'

Ang nakalagay sa isang note dun ay kasama ko daw si Lisa dito. Sa tabi ng note nayun ay ang direction papunta dito. Base sa sulat kamay, hindi ako yun. Baka yung Lisa ang nagsulat.

At baka rin Si Lisa tong tumawag sa akin.

Baka tambayan nong Lisa ang Amusement Park?

Lumingon ako para tingnan kong sino ang tumawag sa akin.

Isang matangkad na babae na mukhang chipmunks dahil sa pisnge nito. Sa tabi niya may isang mas maliit na babae, mukhang suplada.

"Sino ka?" Tanong ko sa babaeng mukhang chipmunks

Sino ba sa kanila si Lisa?

"Jennie ang tagal na natin hindi nagkita ah." Niyakap ako ng babaeng chipmunks at tinignan lang kami nong isang kasama niya.

Tinulak ko siya papalayo sa akin at tinanong ulit. "Sino ka ba?"

"Hahahaha!! Ikaw talaga Jennie ang hilig mo talagang magbiro Hahahaha." Tinawanan lang ako ng babaeng chipmunk nato. Bastos. Nagtatanong ng maayos yong tao tapos ganito? Tsk.

"Chaeng mukhang hindi nga niya tayo matandaan." Napatigil siya sa pagtawa ng magsalita yong kasama niya.

"Unnie bakit mo naman nasabi yan?"

"Remember the car accident?"

'Car accident?'

Sinabi ba ng babaeng mukhang suplada nato na naaccidente ako dati?

"Teka ano bang pinagsasabi niyo?"

"Ah....Jennie... kase.."

"Chaeyoung? Jisoo?" Sabay-sabay naman kami napalingon sa babae na tumawag sa kanila.

Maganda yung babae.
Maganda tapos matangos ang ilong pero halatang may edad na. Nasa late 30's na siguro.

Sino naman to?

"J-jennie?"

Pati ako kilala niya?

Sino ba ang babaeng to?

Lahat sila kilala ako pero hindi ko sila kilala.

'Kilala kaya nila si Lisa?'

"T-teka po bakit po kilala niyo akong lahat?"

"Jennie Kim sumama ka samin. Kaylangan natin mag usap. Chaeyoung, Jisoo i'm sorry if i have to disturb your date but i think mas okay kong sasama kayo sa amin ni Jennie."

Nagkatinginan mo na si Chaeyoung at Jisoo bago tumungo. Pero si Chaeyoung parang.... namumula? "S-sige po p-pero hindi po kami nagdedate ah!" Biglang sigaw ni Chaeyoung. Tinawanan naman siya ng babae at si Jisoo ay napangiti.

Problema ng mga to?

"Teka nga, bakit naman ako sasama sa inyo? Sino ba kayo?" Sabi ko

"Lisa."

Napatingin ako kay Jisoo ng banggitin niya ang pangalanan na yun.

Lisa.

May koneksyon ba sila kay Lisa?

Ano bang koneksyon ko kay Lisa?

"K-kilala niyo si Lisa?" Tanong ko sa kanilang tatlo.

"Oo kilala namin siya. Kahit ikaw kilala mo siya Pero mukhang kinalimutan mo siya." Si Jisoo ang sumagot.

Kinalimutan?

"Alam niyo sumama muna tayo kay tita para makapag usap tayo." Bigla naman sumersoyo ang tono ni Chaeyoung.

Mukhang wala na nga akong magagawa kundi sumama sa kanila para malaman ang sagot sa mga tanong ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

YELLOW NOTES | Complete | Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon