^^^^^
Simula noong 1st year ko sa college, may isang tao na ako na ayaw sa University na pinapasukan ko. Typical naman ang mainis at mayabangan sa mga varsity player pero iba ang hangin na dinudulot ng taong ito sa akin.
Pangarap ko talaga ang maka-pasok dito sa school na ito, dugo at pawis ang nilaan ko para sa pag-hahanda ko sa entrance exam dito pero hindi ko naman alam na ganito ang aabutin ko dito.
Na ng dahil lang sa isang mahangin na Varsity Player lang ang magiging dahilan kung bakit mas gusto ko na lang na lumipat ng school.
"Dei, ano na? Foundation Week ngayon aral ka padin ng aral?" Tawag sakin ni Kazy na kanina pa yaya ng yaya sa akin na pumunta ng gym para manood ng tune-up game ng Men's Basketball Team ng school namin.
"Yaan mo na yan diyan, Kazy. Ayaw niya lang naman makita si Karl na naglalaro dahil malamang, may baon nanaman iyon na pangbu-bwisit." Sabi ni Kath.
Nasa Cafeteria kami ngayon, masarap kasi mag-basa dito kesa sa school garden na napapaligiran ng mga estudyanteng nag-lalandian.
"Alam niyo ba kung ginawa ng Ninja Turtle na iyon sa bag ko?" Binababa ko yung librong hawak ko at nagsimulang mamula sa sobrang inis. "Nilagyan niya ng bato na galing sa garden yung bag ko, kaya nagtataka ako kung bakit biglang bumigat yunt bag ko." Sabi ko habang nilulukot ang kapirasong papel.
"Ang lakas talaga ng tama ng isang iyon, noh?" Inis na sabi ni Kath.
"Mali ka girl! ANG LAKAS NG TAMA NIYA KAY DEI!" Napa-tingin si Kath kay Kazy ng sabihin niya iyon. "Tapusin mo yung kwento, Dei. Anong ginawa niya sayo after mong malaman na may bato sa bag mo?" Sabi ni Kazy na parang excited.
"Uhhh..." Nag-aalangan akong sabihin pero, bahala na. "Tinulungan niya kong alisin, tapos sabi niya.. "Grabe yung nag-lagay ng bato sa bag mo, ang lakas ng trip.." tapos nalaman ko na siya din pala yung nag-lagay noon dun sa bag ko." Kwento ko kay Kath.
"Oh see? May mabuting puso padin naman si Karl kahit papaano.." Depensa ni Kazy.
"Mabuting puso ba iyon? Eh parang nang-aasar nga lalo eh! Humanda talaga sa akin yung taong iyon pag nakita ko siya." Galit na si Kath at umalis na.
Hindi ko alam, kung sa paanong paraan ko nakilala si Karl. Nagulat na lang ako na isang araw, kinakausap niya ko at binubwisit palagi. Kilalang basketball player ang Ninja Turtle na iyon, madami ang nagkaka-gusto sa kayabangang taglay niya.
Kaklase ko siya sa tatlong subject, irregular student kasi ang lahat ng varsity player dito sa school namin dahil itinutugma ang schedule nila sa oras ng training nila.
Lagi niyang kinukwento sa akin yung babaeng nag-iiyakan daw para lang maka-lapit sa kanya. Lagi niyang pinagmamalaki na dahil daw sa kanya kaya nanalo ang team namin sa isang sikat na Basketball League.
Hindi ko alam kung mahangin lang talaga siya or what pero sobrang naiinis ako sa existence niya. Lagi akong napapa-hamak sa lahat ng ginagawa niya, at kahit anong gawin kong layo sa kanya, lagi siyang nandiyan. Nagpalit ng semester pero kaklase ko padin siya, kaya isa na lang ang gusto kong gawin ngayon, ang lumipat ng school at iwan ang pangarap ko dito.
Isa lang ang naging magandang naidulot sa akin ng Karl na iyon, yun ay ang makalapit sa crush kong si Vinn. First year, palang siya na ang gusto ko, napaka-bait kasing tao non. Naalala ko pa nung isang beses na pinagtripan ako ni Karl at tinago ang bag ko. Si Vinn ang kasama kong umiikot-ikot sa campus para maghanap.
Sa tuwing nandiyan ang pahamak na Karl na iyon, si Vinn ang laging nandiyan para tulungan ako. Kaya hindi na rin ako mag-tataka kung magiging crush ko siya dahil kitang-kita naman na mabait na tao siya, at plus na lang yung pagiging gwapo niya.
BINABASA MO ANG
One Shots
Teen FictionKoleksyon ng mga maiikling kwento na gawa-gawa ng imahinasyon ng author. One Shots Written by DJuanaBe