Grabe

26 0 0
                                    


This short story is a bit jejemon HAHAHAHAAHAHH ni-retrived ko lang 'to from an old separated book and naisip ko na ilagay na lang rin siya dito since part 'to ng jejemon days ko. 2016 ko ata sinulat ko and ieedit ko siya pag may malupit akong time para iwas cringe HAAHAHAHAH yun lang ~




***

"Hayy~ ang handsome nya talaga..." Pagpapantasya ko kay crush habang naka-pangalumbaba pang nakatitig sa kanya na may pa-twinkle-twinkle pa ng mata. Ang haba ng description noh?

Anyway, kasalukuyan kong pinaka-titigan si Crush nang humarang sa maganda kong view ang echusera kong Bestfriend na si Raechel, Rae for short.

"Ayan ka nanaman sa kakatitig mo--" hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya at tinabig ko ang nakaharang nyang pagmumuka.

"Shut up, dude. Tabe!" Sabi ko.

"Alam mo, mukha ka kang shonga, araw-araw ka na lang ganyan, kung nasaan si Clive, nandun ka din. Etong bag mo! Ang bigat-bigat! Eh pano naman kasi, lahat ng pang-diguis mo nasa loob nyan! Para san yang mga yan ulit? Sabi mo para hindi ka mahalata, eh halata ka naman na!---" and blah, blah, blah..

Hinayaan ko lang syang magsalita.

"Alam mo na nga lahat tungkol sa kanya eh!" Sabi pa nya.

Jusko! Sino ba naman hindi magkakagusto kay Clive Villaflor, eh he almost got what every girls want! Matangkad, sakto lang yung tangos ng ilong, moreno, at higit sa lahat Papable!! Ang ganda pa ng mga mata nya, itim na itim tapos nakakatunaw pag tumingin sya sayo.

Kasalukuyan kong sya ginagahasa-- i mean pinapanstsya ng makita kong kinuha na nya yung bag nya kasama ang mga barkada nya na nagsialisan na.

"Uhmm, i have to go na Rae. Yung lectures ah? Hiramin ko na lang lahat. Para narin kokopayahin ko. Sige na gogora na ako at hahabulin ko pa si Clive my loves!! Ciao~" sabi ko at kumaripas ng takbo palabas ng canteen.

Kinuha ko ang maliit kong notebook na tinawag kong 'Clivey' para malaman kung saan ang next destination ko. Oo meron talaga akong ganto, para naman masundan ko sya kung saan sya pupunta. Scheduled 'to.

And, aha!

Next Destination: Audio Room

Sinuot ko na yung costume ko na parehong-pareho ng design ng kurtina sa audio room, ayos noh? Hindi ako mahuhuli dito, nauuna kasi akong pumunta dito, sila kasi dumadaan pa ng locker area para kunin yung mga gamit nila. Hahaha yes!

Anyway, crush ko na sya since first year! Na-lab at pers syt ako sa kagawapuhan angkin nya. Pogi kasi! Justice please?

Maya-maya pa narinig ko ng bumukas ang pinto ng audio room. Ahmm.. Kaya pala sila nandito kasi banda sila ng school namin.ganon..

Grabe ang gwapo nya talaga! Maya-maya pa ay kinuha ni Leo, yung guitarist ng banda nila, yung drumstick ni Clive at tumakbo, nagpapahabol. Mung-aning.

"Hoy, Loko ka talagang Leon ka! Akin na yan!" Sigaw ni Clive kay Leo habang nahahabulan.

"Oh, catch!" Sabi ni Leo.

At anak ni Godzilla, duling ata yung Leo na yun.

"Arayy!" Aray ko, sakin kasi tumama yung hinagis nya. Narinig ko may sumipol.

"Haay salamat! Gumalaw na din yung kurtina!" Narinig kong sabi ni Leo.

"Kurtina nga ba?" Tanong naman ni Patrick.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon