ABCD

71 2 1
                                    

ABCD yung title kasi wala akong maisip na title lol!

^^^^^

Sabi nila, kapag in love ang isang tao, nakakagawa daw ito ng mga bagay na hindi niya inaasahang gawin. Kahit gaano pa iyan ka-baliw, nagagawa mo dahil nagma-mahal ka.

Before my Yaya Thelma died, sinabi niya ang pag-ibig daw ay di lang basta binabase sa salitang "Mahal Kita", nakikita din daw ang pag-ibig, sa mga ginagawa mo para sa kanya.

Tama nga naman siya, nasa action naman talaga ng isang tao nakikita kung gaano mo siya ka-gusto. Nasa effort, minsan kasi hindi sapat ang salita para mapatunayan mong nag-mamahal ka. Kailangan mo din na ipakita.

So that, this stupid idea came up.

NAG-LALAKAD ako sa malawak na pasilyo ng arena ngayon, hawak ang isang duffle bag, mga puting tuwalya at isang water jug, habang sinusundan ang isang lalaki na kanina pa naka-kunot ang noo.

Kanina ko padin siya naririnig na mahinang nag-mumura dahil sa nangyari kanina bago kami maka-rating dito.

Nagising na lang kasi siyang meron na siyang katulong na makakasama sa lahat ng laro niya. At ako iyon. Inatasan ako ng Kuya Briton niya na maging Personal Assistant, kaya inis na inis siya dahil hindi naman daw niya kailangan ng katulad ko.

"Sir Paolo, saan ko po ilalagay 'tong mga gamit niyo?" Tanong ko ng maka-rating na kami sa dug out nila. 

"Diyan na lang." Sabi niya at prenteng umupo sa isang monoblock chair.

Tinignan ko lang siya habang ginagamit niya ang cellphone niya, napaka-swerte ko dahil ako ang naging Personal Assistant niya. Dreams do come true talaga!

Isang ngiti niya lang, sobrang nanlalambot na ako. Kahit ngayon na naka-simangot siya, para na akong nasa langit.

My parents died when I was 9 years old, so I grew up with my Yaya Thelma, but eventually, she died when I was 18 years old. At ngayon, kung saan-saan na lang ako nagpupunta, kung ano ang ma-tripan kong gawin,  gagawin ko. Katulad nito, nag-apply akong katulong nitong crush ko.

Sikat na basketball player itong si Paolo, galing siya sa isang kilalang unibersidad sa Maynila. At ngayon nag-lalaro siya sa isang sponsored basketball league.

Kanina lang ako na-tanggap bilang katulong niya. Sa totoo lang, labag sa kalooban niyang mag-karoon ng katulong pero dahil na din sa pinilit ko ang Kuya niyang i-hire ako ng hindi niya alam, eh wala na siyang nagawa kung hindi tanggapin na makakasama niya ako sa tuwing may laro siya.

Matagal ko ng kilala si Paolo, 15 years old palang ako, nagfa-fangirl na ako sa kanya. Hanggang sa naging stalker, kinilala ko ang bawat miyembro ng Pamilya niya sa pamamagitan ng pangs-stalk sa kanya sa Instagram. Nag-aral din ako sa University na pinapasukan niya noon, para makikita ko siya.

Super Crush, ganyan ko i-define ang nararamdaman ko para sa kanya. Maaring ngayon niya lang ako nakilala, pero ang mahalaga, ang matinding pag-hanga ko sa kanya na umabot pa sa puntong kailangan kong gawin itong kalokohan na ito.

"Rei, nasaan yung white socks ko?" Napa-tigil ako sa pagmo-monologue ng bigla na lang niya akong tinanong.

"Ah-ah, n-nasa bag mo ata, Sir." Sabi ko. Ah shit, bakit ba ako nauutal?

"Quit calling me Sir, okay? Just Paolo." Sabi niya tapos pumunta na sa bag niya at hinanap yung white socks niya.

Tumango na lamang ako kahit hindi niya na ito nakita, sa pag-kakakilala ko kay Paolo, mabait siya. Pero bakit ngayon nag-iba ang ihip ng hangin? O baka naman talagang masungit siya matagal na?

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon