Sulat

44 1 1
                                    

LOL! Habang nagseself study ako sa World Geo ko (yiw TM student here!), biglang may pumasok sa isip ko na plot, kaya ito hahhahahaha. Sobrang mesmerized kasi talaga ako sa Hawaii at sobrang gusto ko siyang puntahan since favorite season ko ay Summer hehehe.

You may encounter typographical errors upon reading this story so please bare with me, I'll edit this if meron man. And please correct me if some of the informations below are wrong, I just based it from what I have learnt from my World Geo class. I hope you enjoy, fellahs! Me ke Aloha! (All the love.)




*

Maaga palang nag-aayos na ako para pumasok sa school. Ilang araw na lang at Summer vacation na, next year college na. Nakakalungkot isipin na iiwan ko na ang school na sa halos kalahati ng pagka-bata ko ay pinapasukan ko.

Tinignan ko muna kung may nakalimutan ba akong mga gamit, inayos ko ang mga paper bags sa paglalagyan ko ng mga gamit ko mula locker ko. At hindi mawawala ang letter na sinulat ko para kay Everett, Eve for short.

Ang long time crush ko simula pa noong kinder ako hanggang ngayong last year ko na sa Senior High School. Meron siyang kulot at makapal na buhok, bilugang mga mata, matangos na ilong at reddish na labi. Halos lahat ata ng part ng katawan niya ay perfect, maliban nga lang sa pagiging masungit niya. Hindi 'yun marunong ngumiti, laging naka-simangot at walang pakielam sa tao sa paligid niya.

Pero kahit na ganon siya? Siya talaga ang ultimate crush ko. At katulad ng mga kwento ng iba, hindi rin niya alam na nag-eexist ako sa mundo. Although, alam niya na ako si Ravi na naging seatmate niya noong Grade 1, hindi naman niya alam na ako si Ravi na gustong-gusto siya.

"Ravi, nandiyan na si Julie." Tawag sa akin ni Kuya Raven na nasa harap ng pintuan ng kwarto ko.

"Oks, sunod ako." Sabi ko, umalis naman na siya at saka ko inilagay ng maayos sa bag ko ang kulay blue na sobre na may lamang sulat para kay Eve.

Matagal kong pinag-isipan kung gagawa ba ako ng sulat para sa kanya o hindi. Marami kasing what if's ang pumapasok sa isip ko. Pero what's the point of hiding it? Nauubusan na ako ng oras, baka ito na ang huling beses naming magkikita.

Sa kasamaang palad kasi, pupunta na si Kuya Raven sa Hawaii kasama ang mga Grandparents namin. Since, kami na lang dalawa ni Kuya ang naiwan rito sa Pinas, gusto na rin nila akong idamay sa pag-alis at doon na magpatuloy ng pag-aaral.

Kaya hindi ko sigurado kung magkikita pa ba kami ni Eve o hindi. Hindi ako sigurado dahil hindi parin naman sigurado ang pag-alis namin ni Kuya, marami pa kasing inaasikasong mga bagay-bagay bago kami maka-alis.

Bumababa na ako at naabutan ko si Julie na kilig na kilig habang sinisilip ang Kuya ko na nasa kitchen at nagluluto ng agahan namin. Lumapit ako sa kanya saka siya tinulak dahil malamang pumunta nanaman ito dito sa bahay namin para maki-kain at titigan ang Kuya ko.

"Aray ko, Ravi!" Mahinang sabi niya. "Dahan-dahan naman, mahuhuli ako ng Kuya mo eh!" Dugtong pa niya. Umiling na lang ako dahil ayan nanaman siya sa kabaliwan niya.

"Wag ka ng bumulong, Julie. Kanina pa kita nahuli." Naka-talikod na sabi ni Kuya Raven, napa-kamot naman sa ulo si Julie.

"Huli ka, pero di ka kulong." Pang-aasar ko sa kanya saka naupo sa Dining Area.

Nag-lagay na ng pagkain si Kuya Raven sa lamesa, nag-timpla pa siya ng coffee para sa kanya at chocolate drink naman para sa amin ni Julie na patay-gutom.

"Julie sa susunod mag-dala ka ng mga gamit mo dito ah?" Sabi ni Kuya ng umupo siya sa harap namin.

Nag-shine naman ang mga mata ni Julie at napakapit sa akin. "Bakit Kuya Raven? Tanggap mo na ba na tayo ang meant for each other?" Tanong niya.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon