ang crush kong hindi ko crush

32 2 0
                                        

xiv. ang crush kong hindi ko crush
date written: march 1, 2023

~•~

Naiinis si Dianne sa tuwing kinakantyawan siya ng mga kaibigan niya sa kaklaseng si Louis. Nguinit sa kabilang banda, siya ay may pag-hanga sa lalaki kahit na ito ay masungit at laging naka-simangot.

Wala kasi itong ginawa kundi ang sungitan at titigan ng masama si Dianne kahit wala naman itong masamang ginagawa sa lalaki. Tanging si Dianne lang ang may alam na siya ay magusto kay Louis, hangga't maari iniiwasan ni Dianne na banggitin sa mga kaibigan niya ang lihim na ito dahil ayaw niyang ma-kantyawan ng mga ito, ngunit kahit anong gawin niyang paliwanag at pagkukunwaring hindi niya ito gusto, pilit pa rin siyang iniinis at niloloko ng mga kaibigan.

"Nandiyan na si Louis, Dianne." Ani ng kaibigang si Kikay, rumolyo ang mata ni Dianne sa kaibigan dahil nagsisimula nanaman siyang mainis dito.

"Tigilan mo nga ako, Kikay! Hindi ko siya crush!" Inis itong lumakad paalis sa harap ni Kikay ngunit bigla nitong nabangga ang masungit na si Louis. "Pasensya na." Na-utal niyang sabi at nagmadaling tumakbo paalis sa harap ni Louis, narinig niya pa ang tawa ng mga kaibigang si Anne at Kikay.

Kinabukasan, pumasok sa eskwela si Dianne ng mag-isa. Nakikinig siya ng music mula sa kanyang cellphone, naglalakad siya at walang paki sa kanyang paligid, ganito siya palagi kapag mag-isang pumapasok.

Sa sobrang okupado ng musika ang kanyang isip, hindi niya namamalayan na siya ay nasa tapat na ng kanilang eskwelahan at nasa harap ng gate nito ang kanyang mga kaibigang may malalawak na ngiti. Kumunot ang kanyang noo dahil sa ngiti ng mga kaibigan, tila kinikilig ang mga ito sa isang bagay at parang hindi maihi.

Doon na niya inalis ang pares ng earphones mula sa kanyang tenga at tinanong ang mga kaibigan.

"Anong nangyayari sa inyo? Bakit para kayong naipit diyan?" Tanong nito na may halong pag-tataka. Hindi sumagot ang mga kaibigan niya at may tinuro lamang mula sa kanyang likuran.

Lumingon si Dianne at nakitang nasa likuran niya si Louis, naka-tayo rin ito sa likod niya at parang inaantay na siya ay pumasok ng kanilang eskwelahan. Kinabahan siya dahil doon kaya umakto na lang siya na parang walang nakita at hinarap ang mga kaibigang naghahahigik-hikan.

"Uy, sabay si Louis at Dianne na pumasok." Pang-iinis na sabi ni Anne kay Dianne, hindi na lang pinansin ni Dianna ang sinabi ng kaibigan at nauna ng pumasok ng ekwelahan.

Palihim na napangiti si Dianne dahil sa kilig.

Dumating ang tanghalian, sama-sama na pumunta si Anne, Kikay at Dianne sa canteen para kumain. Hindi gaanong madami ang estudyante sa paligid, nagtataka sila kung bakit kaunti lamang ang mga tao dito at parang hindi tanghalian.

Nakita nila sa isang sulok na mag-isa si Louis na kumakain, at dahil malakas mang-asar ang mga kaibigan ni Dianne, muli nanaman siyang kinantyawan ng mga barkada.

"Dianne, mag-isang kumakain si Louis oh!" Tinuro pa ni Anne si Louis mula sa malayo.

"Samahan mo, baka nalulungkot." Natatawang sabi ni Kikay.

"Alam niyo, tigilan niyo ako sa pang-iinis dahil hindi ako natutuwa." Pero sa loob-loob niya ay kinikilig talaga siya.

"Bakit ba hindi mo siya crush?" Nagtatakang tanong ni Kikay.

'Kung alam niyo lang!' Sabi ni Dianne sa kanyang isip. 'Halos sakupin na ng pagkatao ni Louis ang isip ko.' Dagdag pa nito sa kanyang isipan.

"Gwapo naman si Louis," Sabat ni Anne. "Masungit nga lang." Dagdag nito.

"Matalino naman si Louis." Sabi naman ni Kikay. "Masungit nga lang." Natatawang dagdag rin niya.

Nilingon ni Dianne ang nag-iisang si Louis mula sa pwesto nito sa dulong parte ng canteen. Para itong bida sa telenovela na nasisinagan ng araw na nag-mumula sa malalaking bintana ng canteen, humahangin rin ang buhok niya na akala mo ay modelo sa isang komersyal ng shampoo.

Tumibok ng mabilis ang puso na akala mo ay may tumatakbong mga kabayo sa loob nito. Parang nagutom rin siya kahit na kumakain naman siya dahil may kung anong lumipad mula sa kanyang tiyan.

"Basta lang hindi ko siya crush." Nauutal niyang sabi ng hindi inaalis ang mga tingin kau Louis.

"Eh bakit nga hindi?" Sabay na sabi ng dalawa niyang kaibigan na atat marinig ang kanyang sagot.

"Kasi, masungit siya." Sagot niya. "Kasi palagi siyang naka-simangot, ni hindi ko pa nakikita na ngumiti 'yan." Sabi pa niya.

"Parang palaging galit sa mundo, puro libro at mga homeworks ang kaharap niya. Pakiramdam ko ay hindi siya masayang kasama dahil baka mabaliwa ka kapag kasama siya." Dagdag niya.

"Hindi ko siya crush." Nakatitig na sabi nito sa lalaki, napangiti siya at hinarap ang mga kaibigan. "Hindi ko na siya crush."

"Kasi hindi na lang 'to simpleng pag-hanga."


fin. 2023



note: 1st third person pov ko HAHAHAHA. Actually, project 'to ng pinsan ko sa Literature subject niya eh since ako naman 'yung gumawa at sumulat (sinend ko lang sa kanya) post ko na rin here hehehe. bye~

One ShotsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon