-_
Tirik na tirik ang araw habang nilalakad ko ang walang katao-taong subdivision na may mga magagandang bahay. Napapa-wow ako sa isip ko habang naglalakad dahil ang gaganda talaga ng mga bahay dito.
Tumingin ako sa papel na kanina ko pa hawak at halos lukot-lukot na. Mukhang nandito na nga ako. Nasa harap na ako ngayon ng malaking bahay na may dalawang koste na naka-park sa labas.
Nag-doorbell ako at sinipat-sipat ang loob ng bahay kung may lalabas ba, maya-maya pa may nakita akong matandang babae na lumabas.
"Nako, Zane! Kanina ka pa namin inaantay dito!" Sabi nito sa akin, ngumiti naman ako. Nakakapagod kayang maglakad!
"Ang layo pala nito, Ate Jovie!" Sabi ko at napakamot. "Nandiyan po ba si Doktora?" Bulong ko sa kanya.
"Oo, kanina ka pa nga inaantay eh." Sabi nito sa akin. "Halika ka na, pumasok ka na." Sabi niya at pinagbuksan ako ng gate.
Sa loob ng bahay, kitang-kita mo ang karangyaan ng nakatira dito. Simula sa mga chandelier na nakasabit sa ceiling hanggang sa mga naka-display na mga mamahaling vase, naaninag ko rin 'yung grand piano na malapit sa napaka-sosyal na staircase.
"Nakakalula naman pala dito, Ate!" Ignorante kong sabi.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan, balang araw kami naman bibisita sa ganitong bahay mo." Natawa ako at kinilig na rin at the same time dahil sa sinabing iyon ni Ate Jovie.
Iniwan niya ako sandali para tawagin si Doktora, ang doktor na nagpapaaral sa akin ng Med ngayon. Nakilala ko si Dr. Vivien Elizalde na isang Gynecologist sa isang medical convention namin sa school, sa kasamaang palad nakita niya kung paano ako ipahiya ng isang professor dahil nalaman niyang hindi pa ako bayad sa tuition fee.
In order to join the medical convention, kailangan ko munang magbayad ng tuition fee na sa kasamaang palad uli, hindi ko magawa-gawa dahil nasagad kami ni Tetet sa budget.
Nilapitan niya ako noon at kinausap ang prof na iyon at sinabi na ang convention na iyon ay libre at huwag raw kaming perahan na mga estudyante. Napahiya niya noon si Dr. Paez dahil sa sinabi niyang iyon, sa sobrang alala niya pa noon sa akin ay tinanong niya ang dahilan kung bakit hindi ako nakapag-bayad ng tuition.
Nasabi kong kinailangan namin ng pera para sa dalawa ko pang kapatid, hanggang sa napa-kwento na ako tungkol sa buhay namin ng Tita Tetet ko at ng dalawang kapatid kong sina Ziane at Zoe. Nagulat na lang ako noon ng bigla niya akong bigyan ng offer na pag-aralin basta raw lilipat ako sa ibang university, syempre hindi naman ako shonga para tumanggi sa oportunidad na 'yon kaya ginrab ko agad.
Sa totoo lang, sobra-sobra ang naitutulong ni Doktora sa amin nila Tetet at ng mga kapatid ko. Binigyan niya pa kasi ako ng matitirahan na malapit sa school namin para hindi ko na kailanganing bumyahe mula Bulacan hanggang Maynila, kaya ako nandito ngayon sa kanila para kunin ang electric fan na ibinibigay niya sa akin.
Sa mahaba at napaka-gandang hagdan nakita ko siya ng nakangiti at pababa.
"Kanina ka pa namin inaantay, Zane!" Masayang sabi niya at niyakap ako ng makalapit sa akin.
"Salamat po talaga, Doktora." Sabi ko ng halos maiyak-iyak.
Sobrang swerte ko dahil sa offer na ito sa akin, sobrang laking swerte ni Doktora sa amin nina Tetet. Wala na akong pwedeng mahiling pa.
"Ayan ka nanaman eh, pasalamat ka ng pasalamat. Sinabi ko naman sayong, basta pagbutihin mo 'yung pagaaral, okay na ako 'dun." Sabi niya.
Iniabot ko sa kanya ang sobre na mula sa bag ko na kanina pa ako kating-kati ipakita sa kanya. Inabot niya iyon sa akin na parang bang kinakabahan.

BINABASA MO ANG
One Shots
Teen FictionKoleksyon ng mga maiikling kwento na gawa-gawa ng imahinasyon ng author. One Shots Written by DJuanaBe