*
HUMINGA ako ng malalim bago ko pinasok ang gate ng school namin. Panibagong araw nanaman, panibagong pakikisamahang tao nanaman.
Di ko alam kung bakit kinakabahan padin ako, hindi naman ito yung unang araw kong papasok bilang freshmen tourism student dito sa school.
Ay! Oo nga pala! sabi ko sa isip ko.
3rd semester na namin, nalipat ako sa ibang block section dahil late enrolee ako. Balita-balita na sa section na 'to kasama yung sikat na basketball player dito sa school namin na si Kali Clemente.
Bukod sa wala akong kilala sa block na 'to, natatakot din ako na mag-krus ang landas namin ng lalaki na yon. May nagawa kasi akong kabaliwan at kahihiyan sa kanya.
Unti-unti ko ng inaapak ang mga paa ko sa gate ng school. Binati ako ni Kuya Gary, na school guard namin dito.
"Aba Cae, wala ata yung dalawa mong boypren ngayon araw?" sabi niya at tinitignan kung kasama ko nga ba yung dalawa sa likuran ko.
"Nako, wala sila kuya. Maging masaya ka dahil bawas kunsumisyon." masayang sabi ko.
"Sigurado ka ba talaga hindi mo sila boypren?" takang tanong niya.
"Promise kuya, hindi talaga. Kaibigan ko si Joven at Joberey, ayun lang po yun." paliwanag ko.
Tumawa lang siya at sinabing nagbibiro lang tsaka niya chineck ang bag ko at pinapasok na ng gate. Ito na naman yung kaba sa dibdib ko. Akala ko mawawala nung nakipag-usap sandali sakin si Kuya Gary, pero di rin pala.
Ng marating ko yung classroom ko, umupo ako sa pinaka-dulong. Lahat sila magkaka-kilala na, lahat sila close na at may sari-sariling group of friends.
Ganito pala yung pakiramdam ng walang ka-close. Sa block ko kasi, ako ang pinaka-pabida at pinaka-maingay. Pero dito, mukhang magiging isa ako sa mga taga-tawa lang.
Ilang araw na kong binubwiset ng Kali Clemente na yon dahil nga daw sa ginawa ko sa kanyang pangti-trip. Di daw yon maganda at nakakasira daw ako ng buhay niya.
Alam ko naman na nakaka-sira yon ng buhay niya at sa buhay ko din, pero ang sarap kaya mang-trip! Must try HAHAHAHAHA.
Inilabas ko na lang yung phone ko at naglaro muna dun saglit habang wala pa yung prof namin. Ihahanda ko na lang yung sarili ko sa pag-dating nung Kali na 'yon, dahil malamang di nun papalagpasin 'tong isang araw na 'to ng hindi niya ko binubwiset.
"Hi! Bago ka dito?" napa-angat ako ng ulo ng may nagsalita sa harap ko na babae.
"Uhhhh.. o-oo eh." alaganing sagot ko.
"Ah, Aila nga pala. Welcome sa section namin!" sabi niya at nakipag-kamay sakin.
"Caelum," inabot ko ang kamay ko sa kanya. "Nice to meet you, Ai--" naputol ako sa sasabihin ko ng may nagsalita sa likod ni Aila.
"Wow! Nice to see you here, Babe." nanlaki yung mata ko sa nakita ko.
"Oh Kali, buti naman ang aga mo!" sabi ni Aila sa kanya, pero ako ito nakikipag-tagis titigan sa lalaking 'to.
"Ah, oo naman. My Babe is here kasi eh. Right Caelum?" napa-'ow' na lang si Aila sa sinabi ng Kali Clemente na 'to.
"Sige iwan ko muna kayo, mukhang may paguusapan kayo." sabi ni Aila pero hinila ko ang kamay niya para magpaliwanag.
"Nako Aila, mali ang iniisip mo!" mabilis kong sabi.
"Ha?" takang tanong niya.
"No Aila, leave and I'll talk to my girlfriend." sabi niya kay Aila at tuluyan ng naka-alis sa harap namin.
BINABASA MO ANG
One Shots
Teen FictionKoleksyon ng mga maiikling kwento na gawa-gawa ng imahinasyon ng author. One Shots Written by DJuanaBe