Balibag

24 1 0
                                    

WALA AKONG MAISIP NA TITLE, aangal kayo o ibabalibag ko kayo? joke hahahaha



*~

Limang oras na akong naka-upo dito sa harap ng 7/11, paulit-ulit akong nag-ccheck ng phone ko kung may message na ba 'yung Kumag pero hanggang ngayon wala pa rin.

"Nak ng! Sabi alas-onse nandito na, pucha mag-aalas-dose na wala pa rin si Tanga." Bulong ko sa sarili ko.

Kung wala sigurong upuan dito sa harap ng convenience store baka lalo ko ng sinumpa 'tong inaantay ko. Daig pa 'yung babae kung kumilos eh! NAPAKA-TAGAL!

"Blue!" Lumingon ako ng may tumawag sa pangalan ko, nandiyan na siya. "Tara na, late na tayo!" Pagmamadali niya.

"Wow naman! Ikaw na nga 'tong late ikaw pa 'tong nangangarag!" Sabi ko at lumapit na sa kanya. "Wag na tayong pumasok, anong oras na!" Sabi ko sa kanya, pinatong naman niya yung kamay niya sa balikat ko tsaka kami sabay na naglakad.

"Oh eh paano? Sa Cafeteria nanaman tayo tatambay? Baka makita tayo ni Prof. Lopez." Binatukan ko siya.

"Gamit-gamitin mo nga 'yang utak mo minsan, Kap!" Kumamot siya sa ulo. "Text mo si Avee, baka pwedeng tayo muna tumao sa dorm niya habang nasa klase siya." Suggest ko.

"Parang gago naman 'to, alam mo namang naka-away ko kahapon si Avee dahil sa lecheng debate na 'yan sa STS. Kay Kevin na lang, itanong mo baka pwedeng sa dorm na lang niya." Umakbay na siya ng tuluyan sa akin.

Napalingon ako sa kanya tsaka napatingin rin sa tinititigan niya. Si Kevin 'yon.

Kumabog ng mabilis ang dibdib ko, napatingin ako kay Cal na nakatingin pa rin kay Kevin at parang balak na rin ata niyang tawagin.

"H-hindi na," Hinigit ko siya sa uniform niya. "Sa Mcdo na lang tayo tumambay." Sabi ko at hinila na siya papunta sa Mcdo sa kabilang kanto ng campus namin.

Pagka-upo namin sa favorite spot namin, nakita kong masama ang tingin niya sa akin na para bang may hindi ako sinasabi sa kanya.

"Kap, umamin ka nga sa akin.." Panimula niya, tatayo na sana ako para umorder at para makaiwas na rin sa pwede niyang itanong ng hawakan niya ako sa wrist at pinabalik sa pagkakaupo.

"Bakit parang takot na takot ka nung nakita natin si Kevin kanina? Nag-away kayo?" Kinabahan ako ng marinig nanaman ang pangalan ni Kevin, hindi ko ba alam! "Nag-away kayo 'no? Blue naman! Palagi na lang ganyan! Dadami 'yang kaaway mo, ako nagsasabi sayo! Bawasan mo 'yang pagiging mainitin mo ng ulo ha!" Parang tatay niyang sabi sa akin.

Naka-tingin lang ako sa kanya, iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya yung dahilan bakit ayaw kong makita si Kevin, natatakot lang naman ako eh. Lalo na pag nalaman nitong si Cal, mainitin ang ulo ng abnong 'to, baka kung ano pa ang magawa niya kay Kevin.

"Ano?" Tanong niya ng hindi ako sumasagot sa kanya. "Papairalin mo ba 'yang Pride mo?" Umiling ako.

"Hindi Cal, hindi." Sabi ko habang umiiling. "Mali ka, hindi kamin nag-away,"

"Eh ano lang?" Tanong niya, naka-taas pa ang kilay niyang sabi.

"Ano kasi.." Sumama ang tingin niya dahil binibitin ko 'yung sasabihin ko sa kanya. "Kasi Cal ano eh.." Wala kong balak aminin sa kanya na hinalikan ako ni Kevin last week noong nasa birthday kami ni Jay na isa rin sa mga ka-close naming blockmate, magagalit siya.

It's not that he likes me, kilala ko yan si Cal. Malabo pa sa malabo na magka-gusto 'yan sa akin, magagalit siya dahil isang beses na naging dahilan si Kevin para mag-break sila ng girlfriend niyang si Mica, bilin niya sa akin na kahit anong gwapo ni Kevin, wag akong bibigay. Pwede nating i-identify si Kevin as playboy, pero kilala ko rin siyang seryoso sa buhay. Si Mica naman talaga ang unang gumawa ng dahilan para ma-pormahan niya si Kevin.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon