Lia

20 1 0
                                    

😭🙃

~
Lord, bakit naman po sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit 'yung bobong 'yun pa?

Natawa ako sa nabasa kong tweet ni Lia, kinalabit ko siya dahil nakaupo siya sa kaharap kong monoblock chair at naglalaro ng wordscapes sa cellphone niya.

"Sino tinutukoy mo sa tweet mo?" Tanong ko sa kanya saka ko pinakita 'yung phone ko na may screenshot ng tweet niya.

"Ha?" Takang tanong niya tapos ay napatingin sa akin. "Wala lang 'yan, si ano 'yan." Sabi niya tapos ay tumingin ulit sa phone niya.

6 years ko ng kaibigan si Lia, 'nung una crush ko siya kasi akala ko dati maganda siya. Though, maganda siya talaga pero habang tumatagal na magkaibigan kami, parang hindi na.

Nagger 'yan, palaging nagagalit sa akin kapag di ako pumapasok sa school o kaya pag late ako. Naiinis rin siya pag wala akong project na ginawa, minsan inuuto ko siya na bilihan ako ng fish balls sa harap ng school pero sobrang kuripot niyan.

Pero kahit ganon si Lia, gusto ko siya.

Hindi ko na siya crush ngayon kasi gusto ko na siya. Kahit nagger siya, alam ko naman na concern lanh siya kapag napapagalitan ako ng prof namin. Kahit naiinis siya na wala akong project na ginawa, tutulungan naman niya ko kahit sobrang rush na. At kapag inuuto ko siya na bilihan ako ng fish balls sa harap ng school, ililibre niya pa rin ako kahit sinasabi niyang Ano ka ba, Sevi? Patay gutom? o kaya Palagi nanghihingi saken ng pambili, nanay mo ba ko?

Ilang beses ko na siyang sinubukang ligawan pero parati niyang iniiba 'yung usapan. O kaya gumagawa siya ng dahilan para wag na namin pag-usapan 'yung nararamdaman ko para sa kanya. Sanay na rin naman ako, sa anim na taon ko siyang kaibigan kuntento na kong nakakasama ko lang siya kahit kaibigan lang 'yung tingin niya sa akin.

Alam kong hindi manhid si Lia, ayaw niya lang talaga sa akin. Kasi sabi nga niya, mas okay na mag-kaibigan lang kami. Kasi in that way, mas matagal kaming magsasama, walang break-up.

Naniniwala naman ako, mas gusto ko nga 'yung ganon. Pero masisisi niyo ba ko na hindi na lang basta kaibigan 'yung tingin ko sa kanya? Na kahit sandamakmak pa 'yung babaeng dumaan sa buhay ko, siya talaga 'yung nagbubukod tanging gusto ko?

Nakita kong binaba niya 'yung phone niya at tumingin sa akin.

"Ano nanaman, Sevi? Di ka ba naduduling kakatingin sa akin?" Tanong niya, ngumiti ako at umiling.

Ang ganda-ganda niya, kahit ang lakas niyang sumuntok at manipa ang ganda niya.

"Ano?" Sabi niya tapos hinampas ako sa braso.

Tumingin na lang ako sa ibang direskyon at natawa ng mahina. Sa lawak ng field kung nasaan kami ngayon, pwedeng-pwede ko isigaw dito kung gaano kalaki 'yung pagka-gusto ko sa kanya, kaya lang kung gaano naman kalaki 'tong field, ganon rin kaliit 'yung chance na magustuhan ako ni Lia.

Nak ng pucha nga naman oh! Lecheng pag-ibig 'to, bad timing!

"Lia alam mo ba," Panimula ko. "Na ang ganda mo?" Kumunot ang noo niya.

"Hindi," Sabi niya at umirap sa akin tsaka inayos 'yung buhok kasi hinangin. "Kasi alam na alam kong maganda ako kahit di sabihin." Natawa ako dahil sa sinabi niya.

"Tangina ka, tawang-tawa ka ha?" Sabi niya sa akin.

"Nakakatawa ka kasi, pero totoo naman." Sabi ko at tumawa ulit.

Napatigil ako sa pagtawa ng mapansin ko na nakatitig lang siya sa akin. Nawala 'yung ngiti sa labi ko dahil kinabahan ako, kinabahan ako dahil seryoso siya habang naka-tingin sa akin.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon