Ang tagal kong sinulat 'to HAHAHAHAHA ewan ko ba bat di ko matapos-tapos 'to, di ko kasi alam pano tatapusin eh! (LUH)
*
Malakas ang hangin, halos zero visibility na rin ang mga daan. Kumukulog-kulog na rin, halos liparin na nga ang bubong ng bahay namin dahil sa malakas na ulan. Abang na abang ako ngayon sa harap ng T.V kung mag-announce ba ng suspension ng klase ang Mayor namin.
Lumabas na ang mga pangalan ng mga kalapit naming city pero hindi pa rin lumalabas ang sa amin.
"Sana mag-suspend si Mayor! Kawawa naman 'yung mga estudyante ko kung papasok pa sila!" Nag-aalalang sabi ko kay Mama.
"Antayin mo lang, mag-announce din 'yan!" Sabi ni Mama saka nag-handa ng breakfast sa lamesa.
Nagtatrabaho ako bilang isang pre-school teacher, part time lang habang nag-rereview pa ako para sa board exams. Ang Tita ko ang may ari ng daycare center na pinapasukan ko, nag-iipon lang talaga ako para sa future. Mahirap talaga ang maging teacher kapag sa mga ganitong sitwasyon, na sa mga kamay mo rin kasi ang kaligtasan ng mga estudyante mo.
"Antayin.. kanina pa ko naghihintay, Ma! Anong petsa na!" Inis kong sabi.
Isang malas na araw para sa akin ang tag-ulan. Halatang-halata naman sa pangalan kong Sunny. Well, my name is Paula Dawn Clementine Lonzano, Sunny na lang para mas maikli. Catchy rin naman ang pangalan ko lalo na sa mga batang estudyante ko, sabi pa nga ng mga parents mukhang jolly akong tao dahil sa pangalan ko.
Sa sobrang inis ko dahil sa tagal ng suspension ng klase dito sa amin, hindi ko na naiwasan ang mag-rant sa twitter dahil sa inis.
@riseandshineSUNNY: wala pa po bang suspension ng klase Mayor @isaacmathay? ang lakas na po ng hangin at ulan, gising-gising rin sa pansitan!
Inis kong tinap ang 'tweet' button at saka tumingin sa T.V. Napatingin rin ako sa bintana namin at sinilip ang labas, halos padapain na ng hangin ang mga tanim naming halaman sa harap ng bahay namin dahil sa lakas ng hangin.
"Ma, yung mga halaman mo!" Sigaw ko kay Mama na nasa kusina, agad naman siyang napa-takbo sa labas para tignan ang mga alaga niyang halaman.
Wala naman siyang nagawa kundi ang tignan ang mga halaman niyang sira-sira na. Napailing na lang ako at binaling na lang ulit ang tingin sa T.V na wala ring balita tungkol sa suspension.
Nag-tetext na ang ibang magulang sa akin kung may pasok raw ba ang mga anak nila, paulit-ulit kong sinasabi sa kanila na antayin namin ang sasabihin ni Mayor, pero parang sa akin pa sila galit.
"Kasalan 'to ng Mayor Isaac Mathay na 'to eh! Antagal kasi mag-bigay ng abiso eh!" Bulong ko sa sarili ko habang nirereplyan ang iba pang magulang.
Pinatay ko na lang ang cellphone ko matapos kong replyan sila. Mamaya ko na itong bubuksan kapag may balita na tungkol sa pasok ng mga bata.
8:45 na pero wala ring balita. Ang oras ng simula ng klase namin ay eksaktong 9:00 AM, iniisip ko na baka wala ring klase dahil napaka-hirap rin talaga na makarating pa sa school kung ganito ang panahon.
Ang balita ko, nasa 24 na rin itong si Mayor Isaac, halos ka-edad ko. Anak siya ng isang dating senador, siguro nga nasa dugo talaga nila ang pagiging politiko kaya kahit bata pa siya ay sumabak na siya sa ganito.
Kilala siya dahil sa gwapo niyang mukha, sabihin na rin nating magaling na Mayor siya, dahil wala siyang palya sa pagbibigay ng tulong kapag may nasunugan, binagyo o kung ano-ano pang sakuna.
Sa suspensions nga lang talaga siya matumal. Tuwing ganitong tag-ulan na, nagiging viral siya sa social media dahil hindi siya mahagilap. Madami pa ngang nagsasabi na magaling lang siya noong eleksyon pero ngayong kailangan namin siya, wala siya.

BINABASA MO ANG
One Shots
Teen FictionKoleksyon ng mga maiikling kwento na gawa-gawa ng imahinasyon ng author. One Shots Written by DJuanaBe