Maling Akala

44 1 0
                                    

Gusto ko lang i-divert ang atensyon ko sa pagsusulat, nasasaktan kasi ako ngayon. Akala ko kapag malungkot ako, malungkot rin 'yung tapos ng story ko, pero it turns out na hindi rin pala. I-enjoy niyo na lang, si Pao lang naman nasa isip ko up until this moment.  #HopelessRomantic

Enjoy~



*~

Naranasan niyo na bang mag-invest ng feelings sa isang taong ni-pangalan mo ata hindi alam? O sa taong hindi alam na nage-exist ka sa mundo pero sa kanya ka pa rin humuhugot ng inspirasyon every waking day?

Ako kasi, oo.

Katulad nga ng sabi ko, hindi niya alam ang pangalan ko. Hindi niya rin alam na halos sakupin na ng existence niya ang pagkatao ko, na sa kanya ako kumukuha ng lakas, hindi nga lang talaga niya alam.

Ilang beses ko na ring inuntog ang ulo ko para magising ako sa katotohanan, pero ilang beses lang din akong babalik at babalik kung saan ko nakikita ang kasiyahan ko.

And I found it with Nico.

Marami ang may kilala kay Nico sa school namin, bukod sa mabait siyang tao, madami ang natutuwa sa kagwapuhan niya, ika nga nila, nasa kanya na ang lahat. Student Council President siya, consistent na Dean's lister at sobrang dedicated sa duty as president ng SC.

Sa daan-daang estudyante sa paaralan namin, isa ako sa mga taong hirap na makuha ang atensyon niya. Hindi ako madrama, hindi rin ako katulad ng mga ibang babae na kung todo habol sa kanya, masaya na akong pinapanood lang siya sa malayo.

Pero dadating talaga sa punto na hindi ka na kuntento, na gusto mo ng makigulo sa mga tao sa paligid niya at maki-agaw sa inaasam nilang atensyon.

Gusto ko ng makita niya ako, pero alam kong imposible ang gustong mangyari. Alam ko at tanggap ko na kahit lumabas ako dito sa pinagtataguan ko, hindi niya ako makikita.

Hindi niya makikita na ako 'to, si Dianne na gustong-gusto siya kahit hindi niya alam.

Nakilala ko siya dahil sa isang team building, 1st year palang ako 'nun at napilit ako ng mga kaibigan ko na sumama sa isang team building ng isang club.

Mukhang masaya kaya sumama ako dahil sa Zambales raw iyon. Nung araw na 'yon naririnig-rinig ko na 'yung pangalan niya sa mga kasama sa trip namin.

Umupo ako sa bandang dulo ng bus dahil wala naman akong ka-close sa mga nandito, si Kelly kasi kung saan-saan na napunta at iniwan na ako.

Siya ang nag-aya sa akin dito tapos iniwan akong magisa dito, buti kung sana kakilala ko ang mga nandito, eh hindi naman.

"Hi, may katabi ka ba?" Habang naka-yuko ay umiling ako. "Dito na lang ako ha?" Tumingala ako at tinignan ang nagsasalita.

Malawak ang mga ngiti niya, singkit ang mga mata niya at may braces siya sa lower part ng ngipin niya. Natulala ako for a moment, hindi kasi ma-gets ng sistema ko kung bakit pati ang nunal niya sa mukha ay nabilang ko.

"O-okay lang." Sagot ko na sa kanya kaya napangiti nanaman siya at saka tumabi sa akin.

Binati siya ng mga ibang bagong dating dito sa bus na parang akala mo Mayor siya dahil kaway siya ng kaway at ngiti ng ngiti sa lahat ng taong bumabati sa kanya.

Nung dumating kami sa Zambales napag-alaman ko kay Kelly na siya pala ang club president ng club na sinamahan ko ngayon, sinabi pa nga niyang ang swerte ko dahil naka-tabi ko 'yung ultimate crush ng bayan.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon