so ayun po, may bago nanaman akong one shot tungkol sa crush kong ewan ko ba kung bet na rin ako o hindi (parang gusto na daw kasi ako eh, parang lang.) actually while writing this, ang title niya talaga ay "hindi to para kay ano" pero eventually, binago ko dahil syempre malalaman niyong para kay ano 'to HAHAHAHAH wag niyo na lang pansinin 'tong author's note.
basahin niyo na lang 'yang nasa baba :)
*~
"Gusto kita." Seryosong sabi ko sa kanya.
Malamig 'yung simoy ng hangin na parang sumasabay cold na atmosphere sa pagitan naming dalawa. Bakit nga ba ko umaamin sa isang 'to?
Titig na titig lang siya sa akin. Ni paghinga niya rinig ko dahil sa katahimikan sa paligid, napayuko ako at napapikit ng mariin.
"Gusto kita, crush kita," Paguulit ko. "Mahal.." Binalik ko 'yung tingin sa kanya, malaki 'yung mata niya at parang inaantay 'yung susunod ko pang sasabihin. "Mahal 'yung ano.. bigas." Sabi ko at alanganing ngumiti sa kanya.
"Dianna, alam ko na 'yan." Sabi niya at lumakad papunta sa likuran ko. "Bakit ba inuulit mo nanaman?" Nilingon ko siya.
"Wala, gusto ko lang sabihin ulit." Sabi ko at naglakad palayo sa kanya at iniwan siya na nakatayo 'dun.
Bakit nga ba ulit kasama ko 'yung taong nagpapahirap ng paghinga ko? Itong taong 'to na gustong-gusto ko? Enlighten me.
Tipikal na tao lang ako, 'yung taong nagkaka-gusto rin sa taong alam niyang wala siyang pag-asa, cliche na yung mga ganitong klase ng storya. 'Yung tipong hirap na hirap ako na kunin 'yun atensyon niya, na minsan na kukuntento na lang akong titigan siya sa malayo, kasi hindi ko siya malapitan eh.
Si Kalix. Bakit ba ginawa siya ng magulang niya para patibukin ng mabilis yung puso ko? Bakit ba kahit kaunting galaw niya lang nawawala ako sa sarli ko?
Pero alam niyo 'yung pakiramdam na mas lalong nahirapan simula nung mas naging close ka sa taong gusto mo?
"Dianna, anong club mo?" Halos manigas ako ng marinig 'yung boses niya. Bakit niya ko kilala?
"Huh?" Sabi ko at nilingon siya, napahawak pa ako sa batok ko dahil sa hiya. "Music Club." Simpleng sagot ko sa kanya.
Hindi naman ito ang unang beses na kinausap niya ko, bakit ba ang uneasy ko pa rin?
"Oh," Tumango siya. "Galingan mo 'dun!" Sabi niya at ngumiti sa akin tsaka umalis.
Simula noon, lagi na kaming naguusap. Naging normal na lang sa akin yung kiligin ng patago kapag minsan hindi sinasadyang mahawakan yung balikat ko kapag natatawa siya o kaya kapag kinukuha niya 'yung atensyon ko.
Malakas 'yung tugtog ko mula sa earphones ko, ganito kasi 'yung way ko ng pag-aaral. Naramdaman ko na lang na may kumakalabit sa balikat ko kaya napalingon ako.
"Malakas nanaman 'yang music mo." Sabi niya at umupo sa katabi kong upuan. "Bawal mag-ingay dito sa library pero 'yang tugtog mo rinig ko hanggang 'dun sa Sci-fi section." Ngumiti siya at inabot sa akin 'yung isang bottled water.
"Bakit ka nandito? Diba boring sa library?" Tanong ko sa kanya, nagkibit-balikat siya.
"Boring rin kapag wala ka, kaya papanoodin na lang kita mag-aral." Ngumiti ako dahil ito nanaman 'yung puso ko, para nanamang may nagtatakbuhang kabayo.
Naging close kami ni Kalix, hindi kami pareho ng section kaya madalas kami nagkikita sa cafeteria kapag break, may kanya-kanyang group of friends rin kami kaya di kami nagsasabay kumain, basta lang close kami.
BINABASA MO ANG
One Shots
Ficção AdolescenteKoleksyon ng mga maiikling kwento na gawa-gawa ng imahinasyon ng author. One Shots Written by DJuanaBe