Lovebabe

34 2 0
                                    

5:03 AM NA! HAHAHAHAHA, ilang araw kong pinagisipan kung paano ko ilalaban 'tong story na 'to, panaginip ko kasi talaga 'to kasama 'yung crush kong si Karl at 'dun sa isa ko pang crush na si Jebrin. Daming crush amp! Thanks talaga sa naka-repeat 100x na Would You Love Me? By Stella Jang na OST ng I am not A Robot na Kdrama, simula 1AM hanggang 5AM tumutugtog eh!

Lah, bahala kayo i-enjoy niyo!

UPDATE: Gumawa ako ng AU version nito sa Tiktok! Visit my writing account @shllyd15 on Tiktok



*~

Lumiwanag ang mga mata ko ng makita si Cascade na papalapit sa pwesto kung nasaan kami ni Lake, malawak ang mga ngiti niya sa akin at parang excited na makita ako.

Ang assumera mo naman, ate girl! Kahit na hindi para sa akin ang mga ngiti ni Cascade, ayos lang dahil swak na swak na ako na nakikita 'to!

"Lake," Tawag niya sa katabi ko na pinsan niya. "Hi Lana." Bati nito sa akin.

"Hi Cade!" Masayang bati ko sa kanya, ngumiti lang siya sa akin at binaling ang tingin sa pinsan niyang katabi ko.

Umupo siya sa katabi kong monoblock chair. "Anong sabi ni Auntie? Pinayagan ba tayo?" Tanong niya kay Lake.

Halos hindi ako makahinga dahil sobrang lapit ni Cascade sa akin, kung bakit naman kasi sa lahat ng pwedeng upuan na monoblock chair dito sa table namin ni Lake, bakit sa tabi ko pa?

"Parang negative tayo eh," Malungkot na sabi ni Lake sa pinsan niya.

"Aw sayang." Lumungkot rin si Cade dahil sa sinabi ng pinsan niya sa kanya.

"Samahan ko na lang 'tong si Lana sa fan meeting ng crush niyang vlogger." Sabi ni Lake sa pinsan niya.

Yes! May alipin ako sa fan meeting ni Harold.

Balak kasi nilang sumama sa team building ng isang club na gaganapin sa Baguio, actually niyaya lang talaga ni Lake 'tong si Cade Baby Ko na samahan siyang lumandi 'dun dahil kasama sa team building na 'yon ang crush niyang si Love.

"Gusto ko pa naman sanang makita 'yung Burnham Park, hindi pa ko nakakapunta 'don eh." Sabi ni Lake, kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Pinagsasabi mo?" Inis na sabi ko. "Parang kakagaling mo lang 'dun last year kasi 'dun kayo nag-pasko." Sumama ang tingin ni Lake sa akin.

"Alam mo, Lana.." Sabi niya at akmang kokotongan ako.

"Oh bakit?" Nilakihan ko siya ng mata. "Hahabol-habulin mo lang si Love 'dun eh!" Sabi ko pa.

"Konti na lang iisipin ko ng crush mo ko!" Umirap ako sa kanya. "Palagi kang hadlang eh, kutusan kita eh!" Sabi niya pa sa akin, umiling na lang ako.

Sa tagal ko ng kaibigan 'tong si Lake kilala ko na ang mga kalandian niya sa buhay. Lahat ng mga babae niyan dumadaan lang ng parang tren sa buhay niya, titigil lang sandali tapos aalis na rin agad.

Matindi 'yan si Lake eh. Pero wala rin naman akong masabi dahil good looking talaga 'tong kaibigan ko, syempre dapat suportahan ko na lang siya.

Napatingin ako kay Cascade na seryosong nakatingin sa pinsan niya. Compare kay Lake, si Cascade ang pinka-matino, puro aral lang siya kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit madami ang may gusto sa kanya sa school namin, bukod kasi sa gwapo at matalino 'tong si Cascade, mabait rin talaga siya.

"Alis na ko." Sabi ni Cascade tsaka tumayo mula sa tabi ko at umalis na.

Nalungkot naman ako dahil hindi pa nga nagtatagal ang paglalandi ko sa tabi niya, umalis na siya. Siniko ako ni Lake kaya napatingin ako sa kanya.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon