Boom

32 2 2
                                    

Sobrang lawak ng imagination ko hahahahah. Sa wakas! Nakapag-sulat din ulit, ilang araw akong isip ng isip ng draft ng pwedeng isulat wala naman ako maisip! Thanks kay Dave na nag-IG story kaya naisip ko siya bigla tapos yung Watah-watah festival sa San Juan na hindi ko na puntahan this year dahil sa pandemic hahahaha! Kaya Dave, this part is for you, mwa!

Anyway, happy reading pipols!!!!

*

Pangalawang taon ko na sa college ngayon, ilang buwan na din simula ng mag-bukas ang klase. Masasabi kong mahirap talagang mag-kolehiyo, kahit ano pa mang kurso ang kunin mo. Lalo na't sa isang university pa ako nag-aaral, dream school ko kasi talaga 'to eh.

High school palang ako, gustong-gusto ko ng makapasok dito. Kaya nag-sikap talaga akong maka-pasa sa entrance exam na hindi naman pala ganon kahirap.

Ngayon ang simula ng Second Semester namin, buti na lang at kaklase ko padin ang mga barkada ko dahil kung hindi malamang malulungkot ako sa mga magiging klase ko.

Naglalakad kami ngayon ni Jade at Carl sa corridor papunta sa susunod naming klase, NSTP lang naman iyon kaya hindi rin kami nagmamadali.

"Bilisan niyo naman mag-lakad!" Nagmamadaling sabi ni Jade sa amin ni Carl.

"Atat na atat naman 'to!" Inis na sabi ko sa kanya, hindi pa kasi kami nirerequired na mag-suot ng NSTP uniform dahil first day palang naman ngayon, kaya hirap na hirap din akong maglakad dahil sa uniform na suot ko.

Black high-heeled shoes, pencil cut skirt, white polo at mainit na coat lang naman kasi ang uniform ng babae sa course namin. Well, Tourism Management kasi ang kinukuha naming tatlo. Mabuti pa nga sa kanila eh, simpleng black leather shoes, slacks, white polo at mainit na coat lang ang suot, samantalang ako may high-heeled shoes pa, ito talaga ang pahirap sa akin eh.

"Easy ka lang naman kasi, Boy! NSTP lang naman 'yon!" Sabi din ni Carl sa kanya.

"Hoy 'wag niyong nila-lang yung NSTP! Hindi tayo gagraduate kapag di natin pinag-daanan 'yon!" Sagot ni Jade, parehas kaming napa-irap ni Carl sa kanya.

Ng marating namin ang classroom namin, agad kaming naupo sa pinaka-dulong parte ng classroom. Wala pa masyadong tao dito, wala padin yung prof namin kaya nagdaldalan muna kaming tatlo about sa naging laro ng basketball team namin sa UAAP kahapon.

"Wala kasing silbi yung crush nitong si Blair, pinasa sa kalaban yung bola." Inis kong tinignan si Jade ng kantihin nanaman niya si Davi.

"Hoy wag ka nga! Galing na ng Ateneo si Davi 'no! Ang sabihin mo lang, hindi mo kayang labanan ng one on one 'yon!" Pag-depensa ko sa crush ko.

Sa totoo lang, buong Men's Basketball Team talaga ng school namin ay crush ko. Bukod kasi sa mga gwapo sila, magagaling din talaga silang lumaro. Nakuha ko lang ang interest sa basketball noong Senior High ako, hindi kasi ako pwedeng sumali noon sa P.E namin dahil mahina ang lungs ko sa takbuhan kaya minsan ay naging committee ako ng basketball match noong Intrams namin, minsan rin nakiki-referee na rin ako pag minsan walang sub. Nadala ko iyon hanggang sa mag-summer, kaya naki-tulong na din ako sa pa-liga sa baranggay namin.

"Sus! Kahit saan ka pa galing! Kung talagang magaling kang lumaro, magaling ka!" Sabi padin ni Jade, akmang babatukan ko na siya ng bumukas 'yung pinto sa gilid namin, dalawa kasi ang pinto ng mga classroom dito, isa sa harap at isa rin dito sa likod.


Parang nag-liwanag ang paligid ko ng pumasok itong nilalang na ito sa pinto ng classroom namin.

"Dito ba yung class ng NSTP?" Tanong niya sa amin. Siniko ako ni Carl ng hindi ako sumagot, bakit ako?

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon