EXO fan? Sinong ultimate bias niyo? well, etong friend ko nag-request ng fan-fic na ito ay isang Lay-Sehun fanatic.... Halina't atin silang kinalalanina <3 Hope you all enjoy <3
__________________________________________________________
Calling the attention of all the passengers of flight KR 239 bound for Jeju Island, South Korea, please proceed to gate number 3 for boarding. Thank you.
May ngiti sa labi na tumayo si Crystal mula sa kina-uupuan niyang waiting bench at matamang tinungo ang departure area. It’s her first overseas project kasama ang mga ka-grupo niya para sa kanilang project task na may malaking grade na katumbas. She can’t believe until now na sa Jeju Island at South Korea ang location na binigay sa kanila. Saya at excitement ang una niyang naramdaman dahil at last makakatuntong na rin siya sa bansa ng kanyang mga k-pop biases. A day before her flight, gumawa siya ng “midnight research and spazzing” para malaman niya kung sinong artistang koreano ang madalas magpunta doon ng ganoong season at marami siyang impormasyong nakuha at dala-dala niya iyon sa loob ng kanyang maleta.
“isang oras din ang magiging biyahe natin, enough na para makagawa ako ng konting tulog.” anang sa kanila ni Michelle, kanilang group leader for their overseas project. “hinati-hati ko na ang mga task na kakailanganin natin para mabuo natin ang article na binigay sa atin ni sir. Moldez. Since anim tayo, by partner ang balak ko para marami tayong ma-i-input sa article natin.” segunda pa nito sa kanila ng isa-isa silang naka-upo sa kanilang designated na upuan sa loob ng eroplano saka binigay sa kanila ang ilang bond papers na naglalaman topic for each partner.
“let’s take a rest muna bago isipin ang mga ito” sabi naman sa kanila ni Jochelle. Wala naman sa usapan nila ang isipan ni Crystal dahil patuloy pa rin iyong naglalakbay sa mga k-pop biases niya at sa mga k-pop merchandise na kanyang bibilin.
“Crystal Mae, wake up. Grades natin ang nakasasalalay dito.” singhal sa kanya ng kanyang bestfriend na si Paula na siyang katabi niya rin niya. Narinig ng mga ka-grupo niya ang sinabi sa kanya ni Paula dahilan upang mapatawa ang mga ito.
Napa-ingos siya sa mga ito. “alam ko po” tugon niya saka in-erase na ang pangangarap sa kanyang isipan.
After one hour.... narating nila ang Jeju Island na naging dahilan pa ng excitement na pumuno sa puso ni Crystal. In-assume niya na nasa hangin na kanyang na-i-inhale ang hininga ng kanyang mga k-pop biases.
Jeju Island… finally nandito na ako…. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang nakamansid pa rin sa paligid ng Jeju Airlines and she can’t believe na mga Korean national na ang kanyang mga nakakasalamuha. Nasa unahan niya ang kanyang mga kaibigan kaya kampante siya na hindi siya mawawala but then suddenly isang scene ang nagsanhi ng isang “crowd” dahilan upang mawala sa kanyang paningin ang kanyang mga ka-grupo. Nagpumilit siyang maka-alis sa crowd na kanyang kina-iipitan pero hindi niya magawa kaya naman naisipan na niyang gumamit ng force. Nang maka-alpas siya ay hindi na niya sinasadya na bumangga sa kanyang nakasalubong na papunta din sa crowd.
“Joesonghaeyo!” ani niya.
“Crystal!” sigaw ni Paula mula sa hindi kalayuan at kumaway sa kanya.
“huh? Hintayin niyo ako!” sigaw niya pabalik saka muling bumaling sa kanyang nakabangga. “joesonghamnida” pag-uulit niya saka muling tumungo bilang indication ng paghingin niya ng sincere apology. Hindi na niya hinintay ang response ng lalaking nabangga niya bagkus ay nagdire-diretso na siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang kinaroroonan ng kanyang mga kaibigan. Napalingon naman si Lay sa papalayong si Crystal saka nagkibit balikat na nilisan ang kanyang kinaroroonan niya upang hindi na siya pagkaguluhan pa kagaya ng kanyang mga kasama.
BINABASA MO ANG
You Got Me: An EXO Fan-Fictional Novel
Подростковая литератураSM Town Entertainment new boy group are invading the Earth , they named as EXO from EXO Planet. This is my third Fan Fictional novel for this year :D I hope you'll like this <3 <3 <3