Chapter Five

255 5 1
                                    

Ayan chapter five na tayo ng nakaka-adik na novel in town (just in my dreams hahaha). Hope na subaybayan niyo itong hanggang sa binubuo kong "special chapters". Kamsahamnida <3

PS: Sorry if may mga english conversation na may saltik ng "wrong grammar" ndi pa kasi ganoon kagaling ang english ko :D

Please listen to Juniel and CNBLUE's Jung Yonghwa's Fool (Babo) while reading this chapter :D

_________________________________________________________

We have now arrived at our destination, thank you for flying with us…

Sabay-sabay na nagtayuan ang mga pasahero nang marinig ang sinabing iyon ng flight attendant except sa grupo nila Crystal na kanya-kanya pa ng ayos ng kani-kanilang mga gamit. Siniguro ni Crystal na wala siyang gamit na naiwan at ipinasok niyang lahat ng kanyang gamit sa kanyang pouch bag upang sa gayon ay hindi na siya malaglagan pa ng anumang bagay sa airport. Bago nila nilisan ang eroplanong iyon ay nagpakuha muna sila sa isang dumaang flight attendant bilang remembrance.

            “saan tayo tutuloy?” agad na tanong ni Andrea kay Aya na matamang kinokontak ang kanyang ama na kasalukuyang may commitment sa isang beach resort sa Seoul.

            “Chill lang kayo dyan, heto at tinatawagan ko na ang resorts kung saan naroroon si papa” tugon sa kanilang lahat nito.

            “aish! summer ba dito? bakit pagka-init-init?” reklamo ni Michelle.

            “sa gabi daw malamig kaya tiis tiis lang” sagot naman ni Jochelle. Tahimik lamang sa isang tabi si Crystal at pakiwari ay nakikiramdam sa kanilang lahat. Mula ng makababa sila ng eroplano ay iba na ang pakiramdam pero binalewala niya lang sa pag-aakala na simpleng “jetlag” lamang iyon. Kinuha niya sa kanyang bag ang kanyang compact mirror upang tingnan ang kanyang sarili at doon niya napansin ang pagputla ng kanyang balat. Na-isip niya na baka nanibago lamang ang kanyang katawan sa panahon sa Jeju at sa Seoul.

            “okay ka lang ba, teh?” tanong sa kanya ni Paula nang mapansin ang kanyang pagtahimik.

            “oo naman actually excited na nga akong mamasyal at makita ang beach na tutuluyan natin” tugon siya saka nagpakawala ng isang ngiti para itago ang kanyang nararamdaman.

Samantala, sa kabilang exit ng Incheon airport lumabas ang buong EXO kasama ang kanilang manager kung saan sinalubong sila ng isang dagsang fans na may iba’t-ibang nationality. Agad silang hinarangan ng mga escort nila para wala ni-isa sa kanila ang masaktan. Panay ang pagkuha ng mga litrato at video sa kanila ng kanilang mga fans habang ang iba naman ay walang humpay sa pagtili. Nang makasakay sila sa kanilang van, agad binaba ni Suho ang bintana upang kumaway sa mga fans nila pero agad din naman niyang sinara ng umalis na doon ang kanilang van.

            “whew! that was huge.” bulaslas ni Baekhyun. Hindi niya and even his other co-EXO members didn’t expected  na ganoong kadami ang sasalubong sa kanila sa airport. Mula ng mag-debut sila sunod-sunod at parang “viral” ang pagdami kanilang mga fans bukod pa ang mga “anti’s” na nakaakibat na noon.

            “yah! Sehun-sshi, do know about this?” tanong ni Luhan kay Sehun saka inabot ang hawak nitong laptop. Doon nakita niya ang article about sa binabalak na paghe-held ni Lee Chae Ri ng isang thanksgiving party na exclusive sa kanyang mga exclusive fans at kaibigan sa industriya kasama na ang mga seniors niya. “this party will be held this coming Sunday, aren’t we going?” segunda nitong tanong.

            “Let’s wait for the confirmation and I’m sure that Chae Ri noona will invite us.” sabat ni Lay saka kanya-kanya na sila ng baling sa kanilang mga ginagawa. Nanatili lamang na nakatingin si Sehun na wari’y may iniisip na siyang gumugulo sa kanyang isipan mula ng umalis siya sa Jeju Island.

You Got Me: An EXO Fan-Fictional NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon