Chapter Eight

258 6 1
                                    

Annyeong! Chapter eight is now posted :) excited na ba kayo sa papalapit na FINALE? ako din eh so, coming soon muna iyon... For now enjoy reading today's latest chapter XD

PS: Please listen to Taylor Swift's RED while reading <3

Kamsahamnida <3 <3 <3

___________________________________________________________

            “A-are you okay, oppa?” nauutal niyang tanong kay Sehun ng makalapit siya dito. Napalingon ito sa kanya dahilan upang makita niya ang halos namumula na nitong mata na basang-basa ng luha. Nakadama siya ng habag na usually namang nararamdaman ng mga fan girl kapag nakikita ang bias nilang naiyak sa kung anumang dahilan mapa-acting man o real life.

            “do you think I’m okay? Just leave me alone and never bother me again!” singhal sa kanya nito saka lumakad palayo sa kanya.

            “wait, oppa!”

            “what?”

Nagulat man si Crystal sa sigaw nito ay lumapit pa rin siya sa binata at matamang niyakap ito ng mahigpit. Kinagulat naman ni Sehun ang ginawang iyon ni Crystal sa kanya and in some way ay nakadama siya ng ibayong comfort mula sa dalaga.

            “So-sorry, oppa. I-I just want to comfort you. I-I’m leaving oppa.” anang niya dito nang kumalas siya sa pagkakayakap sa binata. Akma siyang aalis sa harapan nito pero agad siyang hinila nito payakap na kanyang hindi inasahan. Mahigpit siyang niyakap nito at doon narinig niya ang mga hikbi nito na bibihira niyang makita sa isang lalaking tunay na nagmamahal. “oppa.” segunda pa niya dito.

            “just stay still, please.” mahinang pakiusap sa kanya nito kung kaya nagawa na rin niyang yakapin ito ng mahigpit. Sa loob ng halos labing limang minuto ay nasa ganoon silang ayos at tanging hampas lamang ng alon sa dalampasigan ang kanilang naririnig wala nang iba. Parang nasa langit naman ang pakiramdam ni Crystal habang mabilis na natakbo ang oras dahil kayakap niya ang kanyang ultimate bias. For Crystal, it was dream come true pero para kay Sehun, Crystal’s hug onto him is just like his mother’s hug that comfort him quickly.

Kinabukasan, naunang magising kay Crystal ang kanyang mga kaibigan na matamang naghahanda sa kanilang pamamasyal na ilang araw nang na-postpone dahil sa nagkasakit si Crystal pero dahil magaling na ito ay balak na nilang ituloy iyon ngayon at sa mga susunod na araw.

            “Crystal, bumangon ka na dyan. Baka madami nang tao sa Myeondong mahihirapan na tayong mamili ng mga souvenirs.” pag-gising sa kanya ni Paula. Gising na siya ng mga oras na iyon pero lang siya natayo at matamang inaalala ang nangyari nang nagdaang gabi kasama si Sehun sa tabing dagat. Kinikilig siyang napangiti habang paulit-ulit na pina-flashback sa kanyang utak ang pagyakap sa kanya ni Sehun. “Crystal!” segunda pa ni Paula dahilan upang mapatayo na siya sa kanyang kama.

            “Paula!” kinikilig niya anang dito.

            “Anyare sayo? Alam mo magbihis ka na lang at naiinip na sina ate Michelle sa labas.” singhal sa kanya nito saka binato siya ng unan. Sinunod na lang niya ang sinabi ni Paula sa kanya at hindi na sinatinig pa ang nangyari sa kanila ni Sehun kagabi. Matapos niyang makapag-ayos ay lumabas na siya ng cabin kung saan naabutan niya ang mga kaibigan niyang kausap si Lay.

            “Lay oppa!” anang niya.

            “Crystal, how are you?” bungad sa kanya nito saka nginitian siya.

            “I’m fine now by the way thank you for tea that you gave last time.” tugon niya dito. “but why are you here?” tanong niya dito.

You Got Me: An EXO Fan-Fictional NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon