Chapter Two

346 7 2
                                    

Annyeong! chapter two na ang novel ko... hope na magustuhan niyo habang natagal ang istorya....

ENJOY!!!

____________________________________________________________

Haist! nasaan na yung diary ko. Dito ko lang nilagay yun eh…..

Panay-panay ang paghahaluhog ni Crystal sa kanyang mga gamit nang hindi niya mahanap doon, kinuha rin niya ang bag na dala-dala niya nang mamasyal siya kasama ang mga ka-grupo niya. Halo-halong frustration at kaba ang laman ng kanyang utak the moment na hindi niya mahanap sa kanyang mga gamit ang diary niya na naglalaman ng kanyang mga sikreto at addiction plus admiration. Nang halos mailabas na niya lahat ng kanyang gamit mula sa kanyang maleta isang ala-ala ang bumalik sa kanyang isipan.

            di kaya?.... omo!

Napakagat siya sa kanyang mga kuko dahil sa halo-halong damdamin na kanyang nararamdaman. Kapag nakakadama na siya ng distress nakasanayan na niyang kagatin ang kanyang kuko. Sa magulong ayos ng kanilang kwarto siya naabutan ni Paula na lumabas lang para bumili ng kanilang kakainin habang ginagawa nila ang kanilang project.

            “Anyare dito? Nanakawan ba tayo, ha? sabihin mo baka hindi pa nakakalayo yung magnanakaw” histerikal na anang ni Paula sa kanya. Mangiyak-ngiyak siyang tumingin dito dahilan upang lalong kabahan si Paula. “ano bang nangyari ha?” pag-uulit nito.

            “yung diary ko… nalaglag ko sa airport.” tugon nito. Napa-arko ang kilay ni Paula dahil sa kanyang sinabi kaya kumuha ito ng isang unan at siyang binato sa kanya. “bakit? alam mo bang importante ang diary na iyon? ano na nang gagawin ko? paano kung mabasa nang nakapulot ang laman niyon? Mabubunyag ang mga kaadikan ko.” siya naman ang naghihisterikal.

            “Kalma ka lang teh, okay? Una, wala tayo sa Pilipinas at pangalawa, walang mag-iinteres sa sikreto mo dahil ordinaryong turista ka lang, understand?” nakapamaywang nitong ani sa kanya. “iligpit mo na yan at bukas na bukas tatawag ako sa information desk ng jeju Airlines para ipagtanong ang diary na yan” segunda pa nito sa kanya saka lumabas na ito sa kanilang kwarto at matamang tinungo ang sala upang ihanda ang kanilang mga gagamitin para sa paglalamayan nilang article.

HABANG natakbo ang oras ay unit-unti na silang nangangalahati sa kanilang pinaglalamayang group project. Kahit na busy ang si Crystal sa kanyang ginagawa ay hindi pa rin niya maiwasang alalahanin ang kanyang diary. Isa-isa muling naglabasan ang mga negative thoughts sa kanyang isipan na nagpawala ng kanyang concentration.

            “guys, since madami na tayong nakuhang scoop dito sa Jeju sa loob lang isang araw and maybe bukas may makuha pa tayo sa second day natin dito.” anang sa kanilang lahat ni Jochelle.

            “oo nga at ang ibig sabihin lang noon makakapag-enjoy pa tayo right after na matapos natin ito.” si Andrea, na siyang maituturing na nerdy type sa kanila sa kanilang lahat.

            “gamitin na natin yung nakuha kong promo ticket para makapunta tayo ng Seoul.” sabat naman ni Aya, ang pinaka-classy at tinuturing niyang kaaway si Crystal kapag nasa school sila. Nilabas nito ang ticket na nakuha niyang ticket dahil sa malawak nitong connection sa loob ng Cebu Pacific. Nagulantang naman ang lahat lalong-lalo na si Crystal na ang puso talaga ay nasa Seoul hindi sa Jeju. “Nakakuha ako ng anim kaya solve na tayo with accommodation na rin yan kaya wala na tayong dapat ipag-alala” segunda pa nito sa kanilang lahat.

            “wow! Want kong magpunta sa Myeondong at sa Gangnam district” anang ni Andrea.

            “so tapusin na natin ito para may tatlong linggo pa tayong bakasyon” powerful and energetic na ani ni Michelle na sinang-ayunan naman ng lahat. At least nawala sa isipan ni Crystal ang pamomoblema sa kanyang nawawalang diary dahil sa surpresa ni Aya sa kanilang lahat. Magmamadaling araw na nila natapos ang first five pages ng kanilang article at mayroon pa silang apat na oras para matulog kaya sinamantala na nila Paula, Andrea at Aya iyon pero hindi sina Crystal at Michelle na patuloy pa rin sa pag-re-research ng mga lugar na dapat nilang puntahan sa Jeju Island. Napatigil siya sa kanyang ginagawa ng mapansin niya ang cover ng laptop ni Michelle kung kaya agad niyang nilapitan iyon at tiningnan ng maigi.

You Got Me: An EXO Fan-Fictional NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon