Nilapitan ko ang nagbabagong ZID, ang kutis niyang kulay abo sa una ay nagbabago at nagiging kayumanggi.
Ang mga sugat niya'y nagsihilom at kaniyang mga mata ay tuluyan nang bumalik sa dati. Siya'y tao na...
Perpekto ang gamot na aking ginawa! Kaya't akin kong kinuha ang galong-galong Chemical na siyang ipinanghalo ko sa gamot na aking ginawa. Kumuha nadin ako ng maraming sample ng dahon. Ngunit ako'y natigilan nang naisip ko... Ang aking dugo.
Ako ba ang lunas???
"H-hoy i-ikaw" Akin kong tinignan ang nakagapos na tao sa kama. "Bat andito ako? Nasan ako?" Tanong pa niya. "Ako si Reiane at nandito ka sa laboratoryo, ikaw ay naging ZID o Zombie. At ako ang nagbalik sayo sa dati" saad ko.
"Maaari mo na ba akong pakawalan? Ang hapdi na kase" paglahad niya. Sandali, ang sugat ko...
Akin kong tinignan ang aking binti at mata ko'y nanlaki, ito'y di ordinaryong sugat dahil kagat ito ng isang ZID, ngunit ito'y unti-unting naghihilom.
What the fuck is happening?!
"Oy!" Iritang pagbubulyaw sakin ng lalaking nakagapos sa kama. "Oo na oo na sandali, di ka ba magpapasalamat sa akin? Dahil ako ang nagbalik sayo sa dati?" tanong ko sa kaniya habang tinatanggal ang tali sa kaniyang mga paa at kamay.
"Salamat" simpleng sagot nito. "Ngunit sana pinabayaan mo na sana ako" tuloy niya. "Bakit?" Siya'y aking tinignan. "Ang pamilya ko'y patay na, sana hinayaan mo na ako. Hindi ako mabubuhay na wala ang aking mga magulang." Ako'y ngumiti sa kaniya at hinaplos ang kaniyang balikat. "Ako nga walang magulang eh, ang mga nag-aalaga naman sa akin ay patay nadin. Ngunit di ako nawalan ng pag-asa at ipinagpatuloy ang aking buhay kahit na ganito na ang mundong ating kinalalagakan."
Ako'y kaniyang tinitigan, "Dahil ikaw kaya mo na, isa lang akong high school student na walang ginawa at umasa nalang sa aking mga magulang. Ako'y kanilang iniligtas sa kapahamakan samantalang ang kanilang buhay naman ang sukli ng pagligtas sa akin."
Kita ko ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. Akin kong hinaplos ang kaniyang likuran, "Alam mo ba, ang swerte mo dahil nakilala mo pa ang iyong mga magulang at alam ang kanilang anyo. Ako, haha di ko pa nakita ang mukha ng gumawa sa akin" paglalahad ko.
"Ipagpatuloy mo ang iyong buhay, hindi ka ba masaya? May pangalawang pagkakataon ka pa para maipakitang kaya mo nang mabuhay sa mga magulang mo kung nasan man sila ngayon" akin ko siyang nginitian, napatulala naman siya. Kita ko ang pagpula ng kaniyang mga pisngi.
"Ako pala si Patrick, Koh nalang ang iyong itawag sakin dahil yun ang Palayaw ko." Tumingin siya sa isang direksyon para di niya maipakita ang pagpula ng kaniyang buong mukha.
"Bukas na bukas ay aalis tayo sa lugar na ito, dahil alam kong mapupuno na ito ng mg ZID kung di tayo magmadali. Sa ngayon kumain ka na muna dahil alam kong gutom na gutom ka na" ako'y tumawa.
Jimin's POV
Reiane...Kita ko ang kaniyang likuran, at siya'y aking hinabol.
Reiane...
Subukan ko mang magsalita ngunit di ko maigalaw ang aking mga labi, Imbis na lumapit ako kay Reiane ay mas lumayo pa ako sa kaniya.
"Reiane!" Sigaw ko, pawis ang umaagos sa aking noo at di ko mapigilan ang paghinga ng mabilis.
"Oh gising na pala yung kasama niyo." Tinignan ko si Reahlyn na ngayo'y naka-upo sa tabi ko. "Jimin-ah!" niyakap ako ni Taehyung. "Haha nagagalak din akong buhay ako Tae-Tae" tawa ko.
BINABASA MO ANG
Zombie Apocalypse: The Zombie Slayer (BTS)
ActionPwede ba akong mag-tanong? Ikaw ba'y tagapatay ng mga di na nabubuhay pang mga tao na continuesly pang naglalakad sa lupa? -YoonMinAssassin