Kabanata 20

145 3 0
                                    

Jimin's POV

patay ako. . .

Dalawang baril ang ngayo'y nakatutok sa akin. Kaya binitiwan ko nalang si Reahlyn, tumakbo siya papalapit sa kaniyang mga magulang habang ako nama'y dahan-dahan na itinaas ang aking mga kamay.

"T-tita, tito. Please huwag niyong gawin ito."
sila'y ngumisi at lumapit sa akin ng dahan-dahan.

"Ganito ang gawin mo iho, ayaw mo naman atang mamatay diba? Dalhin mo dito si Reiane at palalayain namin ang iyong mga kaibigan. Pero kung tatakasan ninyo kami? mahahanap at mahahanap parin namin kayo" ang kaniyang sambit sa akin.

Anong gagawin ko? tatakas o ipupunta dito si Reiane? kung tatakas kami madadamay ang aming grupo, at kung ipupunta ko naman si Reiane dito, makakaligtas kami. pero, pinahamak ko si Reiane kung ganoon.

"Gagawin ko ang inyong iuutos para ngunit sa isang kondisyon..." Sambit ko habang aking tinitignan ang buong paligid.

"Ano naman iyon?" Tanong ng lalaking scientist. "Huwag niyong sasaktan si Reiane." Simpleng sagot ko.

Sila'y napangisi. "Iho, di namin siya sasaktan, pangako."










Nang magising si Reiane akin ki siyang kinausap. "Reiane pwedeng pasama sa paghahanap kay Reahlyn?" Akin kong hinawi ang aking buhok dahil sa magkahalong pag-aalala at kaba. "Huwag na natin siyang hanapin." Hindi siya nakatitig sakin bagkus sinlamig ng yelo ang kaniyang pagkakatitig sa kaniyang sandata.

Ngayon napag-isip-isip ko na di na talaga kailangan ni Reiane si Reahlyn kahit na sila'y magkaibigang matalik.

"Baka magbago ang kaniyang isip at sumama na sa atin." Akin ko siyang nilapitan. Ilang sandali lang ay siya'y nagsalita. "Payag akong hanapin siya pero siya'y ating magiging bihag."













"Jimin! Anong ginagawa mo sa akin!" Tinalian ko ang kaniyang mga paa,  kamay, para di na siya makagalaw. "Pasensya na Reiane pero kailangan ko itong gawin para sa di ikakapahamak ng ating grupo" Magkasamang lungkot at pagka-awa ang aking nararamdaman dahil sa aking gagawin.

Kumatok ako sa pintuan kung saan namamalagi ang dalawang scientist at kanilang anak. "Pasok, bukas ang pinto" ramdam ko ang kanilang kasiyahan dahil dala ko na ang pinaka-iintay nilang huli ko.
"Well, Hi Reiane~ musta ka na pamangkin kong maganda" sambit ng
Lalaking scientist at kaniya niyang hinawakan ang kaliwang pisngi ni Reiane. Nanlisik ang mga mata ni Reiane habang ito'y nakatitig sa kaniyang tiyo. "Huwag mo akong hawakan." Dikit ngipin niyang sambit. Tumawa ang lalaking scientist tsaka niya itinigil ang paghaplos sa pisngi ni Reiane.

Aaminin kong nagagalit ako sa mga pinag-gagagawa ng mag-asawang scientist ngunit dapat ko itong kontrolin sa abot ng aking makakaya para masalba ko ang buhay ng aking mga kasama.

"Paano na ang ating kasunduan?" Tanong ko sa kanila. Kasaluluyang nakatalikod ang babaeng scientist sa akin, at siya'y sumagot. "Kasunduan?" Ramdam ko ang pag-ngisi niya.

Lagot...













Suga's POV
Ang tagal naman nila, bakit pa ba kase nila hahanapin ang cousin ni Reiane? Masama ang ugali niya at dapat nang pabayaan sa piling ng kaniyang mga magulang.

"Oh Suga-hyung, bat ganyan ang mukha mo?" Tanong ni Namjoon sa akin habang siya'y nakatitig sa aking direksyon. "H-ha? Tsk huwag mo nga akong tignan Namjoon!" Galit kong sambit sa kaniya. Tumawa lang siya at bumaba sa Van.

"Si hyung naman di mabiro" ako'y kaniyang inakbayan. "Nagseselos ka kay Jimin dahil siya yung kasama ni Reiane ngayon no?" Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi, alam ko rin na kitang-kita niya ang pagpula ng mga ito dahil sa kay puti kong balat. "H-hindi naman sa ganun, nagtataka lang kase ako kung bakit pa nila hahanapin si Reahlyn."

Nagbago ang reaksyon niya at naging seryoso, "wala tayong magagawa hyung dahil kahit na anong mangyari, pinsan parin ang turing ni Reiane kay Reahlyn. At si Reahlyn nalang ang natitirang pamilya ni Reiane."













Reiane's POV
Akala ko maaasahan si Jimin! Nagsinungaling siya sa akin! Ipinain niya lang ako sa aming mga kalaban!

"Pasensya Reiane ngunit ito lang ang natitirang solusyon na pwedeng makaligtas sa ating grupo." Bulong niya sa akin ngunit di ako kumibo at tumingin nalang sa semyentong kinatitirikan namin ngayon.

"Sa kasunduan ba?" Humarap si Tiya sa amin at kita ang napakalaking ngisi na naiguhit ngayon sa kaniyang mga labi. How I wish to punch that face of yours Aunt.

"Sorry iho kailangan kase ng makakain ang mga alaga namin eh" Sambit niya sabay tawa. Kita ang gulat sa mukha ni Jimin at takot, ngunit wala akong pake-alam. Naghanap ako ng bagay na pwedeng kumalas sa mga tali na nakapulupot sa akin ngayon.

Shit what's that? Ano yung matulis na bagay na kanina pa tumuturok sa aking paa--- that's it! The knife!

Ang aking mga kamay ay nasa aking likod kaya tamang-tama lang para kuhanin ang kutsilyong nakasilid sa aking sapatos. Dahan-dahan kong tinanggal ang kutsilyo sa aking sapatos, pagkatapos ko itong nakuha ay agad kong tinanggal ang tali sa aking paa.

"Jimin bitiwan mo ako" bulong ko. "Huh?" Nagtatakang sagot ni Jimin sa akin. Tsk  agad ko siyang tinulak papagilid, tumalon, niluksuan ang aking mga kamay na parang jumping rope para maipaharap ko ang aking mga kamay. Itinutok ko ang kutsilyo sa aking tiyo.

"Let us go or else I'll kill your husband" sa mga oras na ito gutom ako sa dugo ng tiyo ko na gusto kong tumalsik sa aking mukha at kasuotan.

Kita ko ang pagkagulat sa mukha ng aking tiya, "hi couz~" No way, that voice. "Reahlyn?..." Tumingin ako sa aking likod. "Yes couz, it's me, your loving cousin" may naramdaman akong sakit sa aking balikat saka ako nawalan ng malay.

























Suga's POV
Shit, sa tingin ko kailangan ng tulong ni Reiane...

Agad kong kinuha ang palaso at pana sa likod ng Van. "Hyung san ka pupunta?" Tanong ni J-hope
Hindi ko siya kinibo, at ipinagpatuloy nalang ang dapat kong gawin. Reaine anjan na ako....

Pagdating ko sa loob, nanlaki agad ang aking mga mata. Si Reiane na nakatali ngayon sa Electric Chair habang si Jimin na nakataling nakapatiwarik sa nagraramihang ZID.

"Shit" bulong ko. "Hi kuya Suga~" Reahlyn... "Reahlyn, bat ka ganyan? Inano ka ba ng iyong pinsan?" Aambit ko habang naghahanap ng paraan para tanggalin sina Jimin at Reiane sa kanilang kinalalagyan.

"Well" tumawa siya ng marahan. "Siya ang dahilan kaya namatay ang aking pinakamamahal na kapatid! At gusto niyang patayin ang aking mga magulang!" Dugtong niya, kita ang galit sa kaniyang mga mata at sa kaniyang mga kilos. "Reahlyn, calm down okay? Hindi si Reiane ang pumatay sa kapatid mo, kundi ang mga magulang mo." Sinubukan kong lumapit sa kaniya ngunit itinutok niya ang baril na kaniyang hinahawakan.

Di ko yun napansin, fuck..

"Hindi! Hindi yan totoo!" Ikinasa niya ang baril. "Reahlyn, ang mga magulang mo ang siyang gumawa ng gamot at ito'y pina-inom sa mga tao kaya sila nagkaganyan! Sila ang may kasalanan Reahlyn, can't you see?!" Kita ko ang luha na umagos sa kaniyang mata at siya'y napayuko.

Akin ko siyang nilapitan, "Reahlyn?" Hinawakan ko ang kaniyang balikat at iyon ang aking pinagsisihan.

"Mamatay ka nang sinungaling ka..." Ang baril ay itinutok niya sa aking ulo.

Fuck...

Zombie Apocalypse: The Zombie Slayer (BTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon