Reiane's POV
"Kung ayaw mo ng wine, bakit mo naman pinopokpok yang ulo mo?" sabi sa akin ni Jimin
"Para magising? hehe" pag-bibiro ko.. Tinignan niya lang ako ng 'Baliw-na-ata-to' look at umupo sa tabi ko.
"Reiane, anong nangyari kanina? Bakit mo nasigawan si Chester?"
Humigop siya sa kaniyang wine..
"Kasi,... Ummm.. Paano ko ba sisimulan...
Si Chester ay crush ko noon"Naibuga niya ang kaniyang wine at patuloy sa pag-ubo. Ako naman ay hinagod-hagod ang kaniyang likod para siya'y marelax
"A*cough* Ano? Pero hindi mo na siya crush ngayon di-diba?" Halata sa kaniyang boses ang sakit at desperadong lalaki na gustong malaman ang sagot ng nanlinlang niyang Girlfriend..."Ummm, Oo... Sa sakit ba ng dinanas ko sa kaniya... Crush pa ba ang tawag dun?"
Hindi ko rin nga alam sa sarili ko kung may nararamdaman ba ako sa kaniya o wala eh...
Nakita ko sa kaniyang mata na siya'y guminhawa... Guminhawa?
Bakit naman? Ay oo guminhawa na siya dahil hindi na siya umuubo.
"Jimin, di ba K-pop idol ka noon?"
Tanong ko sa kaniya tinatanaw ang kalangitan, kung may bituin ba o wala..
"Oo, bakit mo naman naitanong?"
"Maganda kasi ang boses mo di lang boses pero pysical na kaanyuan pa, Take it as a complement." Yun may mga bituin!Whaaa~ ang gaganda parin nila...Bago pa nag-simula ang mga kasindak-sindak na mga pangyayaring ito.. Parang normal lang dun sa kalangitan katulad ng dati...
"Sa-salamat" From the stars I shifted my eye's on Jimin...Nakatingin ngayon rin siya sa kalangitan.. Ang perpekto niyang mukha ay ngayo'y naiilawan ng buwan, Kumikislap na mata dahil naman sa ilaw ng mga bituin. Bumababa at tumataas na adams apple dahil sa kaniyang pag-lunok, perpektong hugis ng kaniyang panga..
Nang bumaba ang kaniyang mata at tinignan ako, nanlaki ang aking mata at agad na tumingin sa langit, namumulang pisngi...
Hindi naman niya mapapansin ito diba?
I hear a low chuckle... Napansin niya mga dude ㅜㅡㅠ
"Eherm, Kung naging K-pop ka. Edi marami ring nag-kakagusto sayo, paano mo naman sila napapahulog sa karisma mo?"Tinignan ko ngayon siya, nakangiti siyang nag-salita...
"Maraming paraan Reiane... Sa aking Pag-kanta, Pag-sayaw, Kagwapohan, At Aegyo!"
Nag-pacute siya sa huli niyang sinabi... Dalawang kamay ay parang bola at nasa naipunta sa magka-bila niyang pisngi..
"*Blushed* A-aegyo? A-ano nam-man iyon?"Putik nagka-buhol-buhol ata ang dila ko..
"Aegyo... Ay yung pinakita ko... Or pag-papacute rather..." Sinabi at patuloy sa pag-papacute...Aissh tumigil ka nga! Itong puso ko kawawa!
"S-so magaling kang kumanta, sample naman... Yung hindi korean ha.. Hindi ko maintindihan"
Tinignan ko ulit ang mga bituin
"Okay... Your wish is my comand ehehem!""For you I could pretend
I was happy I could hide away the sorrow
For you Could feign strength numb the pain and be the man
You can depend on
I'm wishing loving was perfect
I'm praying you don't realize deep inside That I am broken
I trusted in a dream a hopeless cause
Now I watch the flower as they witherI'm so sick of this
Fake Love 3X
I'm so sorry but it's
Fake love 3X"
(Fake love eng. Version... Thank you for the composition..)Parang boses ng anghel ang kaniyang boses... May katanungan lang ako sa aking isip..
"Kaninong kanta yan... Hindi ko pa yan naririnig" Tinanong ko sa kaniya na nakatingin pa rin sa langit
"Ahh, English version ng kanta namin... Kinumpost ng isa sa aming fan... Hindi ko rin nga inexpect na magaling din silang kumanta eh"
Pag-papaliwanag niya...
Tumayo ako
"Jimin, halika na baka natutulog na yung iba..." pag-yaya ko sa kaniya...
Ini-abot ko ang aking kamay, ngumiti siya sakin at malugod itong tinanggap...
"Let's Go!" Pina-una niya ako habang siya, sinarado niya ang pinto...
"Uhh? ReIaNe!! LeaDEr *hiccup*" sabi sa akin ni Jin
"UyY si LeAder!!" Jungkook
"H*Hiccup* Hi LeAder" Sinasabi ni Namjoon sa akin habang lumalapit...
Agad siyang hinila ni Suga at pinaupo..
"Sorry talagang ganiyan lang sila pag-nakakinom.." Uhmm Hindi pa siya lasing?
"Owww!!! I hateu Snakeu!! Taehyung ilayo mo sakin yang ahas whaaa!!" Sabi ni J-hope na tinuturo-turo ang lubid sa kamay ni Taehyung
"Huh? Hyung Lasing kana *pumipitik-pitik ang kaniyang mata* Ito? *tinuro yung lubid sa kaniyang kamay* Hindi ito Ahas, Bulati ito? Okay" At saka na knock out..
BINABASA MO ANG
Zombie Apocalypse: The Zombie Slayer (BTS)
AksiPwede ba akong mag-tanong? Ikaw ba'y tagapatay ng mga di na nabubuhay pang mga tao na continuesly pang naglalakad sa lupa? -YoonMinAssassin