Part 1: "Obserbasyon"

1K 11 3
                                    

Isa akong guro at matagal-tagal na din akong nagtuturo...

Kaming mga 'titser' ay may sarili ding mga opinyon at paniniwala tulad ng ibang tao (oo, 'tao' din kami, kahit minsan nagiging 'halimaw' o 'dragon' sa klase).

PS. Hindi ako guro ng Filipino, kaya madalas kayong makakakita ng mga maling gramatika sa sulating ito. Kung hindi kayo naiiiritang magbasa ng sulatin na 'mali-mali' 'minadali' at 'paniniwala ng isang guro'... Go! Basa!

Marami na akong nasaksihang pag-iibigan ng mga estudyante. Sabi nga nila, mas maganda kung ikaw mismo ang nakakasaksi ng lahat, maganda ang 'view'. Natutuwa ako sa mga pag-iibigan ng mga estudyante, kasi dumaan din naman ako diyan sa crush-crush na yan. Minsan para bang nanunuod ka ng teleseryeng alam mo na ang mga mangyayari pero pilit mo pa rin pinapanood (andiyan yung gusto mong sumigaw ng "HUWAG!" pero alam mong huli na ang lahat at hindi ka naman naririnig ng mga karakter...hahaha).

Hindi naman naiiba ang ligawan ng mga estudyante. Kung sa probinsya pag-iigib ka ng tubig ng lalaki, sa eskwelahan automatic na alam mong mag syota ang estudyante kung lalaki ang taga bitbit ng bag ng babae.- OO, ayun ang senyales...kapag nakahandbag ang lalaki at yung katabing babae ay walang dala (malas kapag pink ang bag, kaya ang mga lalaki pinapasok yung bag ng babae sa bag nila).

Sabi ko kanina maganda ang view kapag ikaw ang nanonood, parang 'bird's eye view', para kang isang taong nakasakay sa eroplanong panggiyera...(ansarap nilang bagsakan ng 'bomba' hahaha *joke*). Lagi ko silang pinaaalalahanan na nasa 'school' sila para mag-aral, pero siguro dahil sa bugso ng damdamin (*ahem*) natutuloy ang kanilang pagiging mag-ON.

Sa dami ng nasaksihan kong crush 'kuno' at magsyota 'kuno' halos 80% ang naghihiwalay - isang palatandaang mga 'bata' pa sila. Kung itatanong niyo kung bakit nagkahiwalay? Simple lang: napikon sa joke, manhid, hindi naihatid, walang pang text o pang call (wala na daw 'communication' yung ganun) at kung ano ano pa.... ang pinaka seryoso dito ay yung '3rd' party, like nahuling katabi yung ex, nahuling katext yung ex, nahuling kinakausap yung ex, basta damay lagi yung ex, para bang pelikulang nabubuhay yung mga zombies, hindi na mamatay-matay na issue si "ex" (Note: Yung 'Ex' sa last sentence, pwede mong palitan ng 'Friend', dahil mahilig din yan umeksena).

Minsan nga nagiging awkward sila sa kanilang klase, nakakailang kaya yung dalawa sa klasmeyt mo or schoolmate mo ay 'ex' mo *BOOM!*, para mo na rin pinarusahan ang sarili mo, dahil ang emosyon sa pagbrebreak ay hindi yan nawawala agad. Habang andiyan pa si 'ex' at lalo na schoolmate mo at lagi mo siyang nakikita - para kang umiinom ng Coke habang may subong kanin (try mo), di mo maintindihan kung umiinom ka or kumakain.

80% ang nasabi kong nagkakahiwalay, anong meron sa 20%? Ika nga sa isa sa kanta ng Parokya ni Edgar: "Sa istroyang nagwawakas sa pagibig na wagas...", aba naman, siyempre meron din margin of error, ...I mean... love, hahaha. Yes, may pag asa naman, para kang dadaan sa baga at apoy habang sumasayaw ng Cha-cha (atras-abante kasi kadalasan ang story nila, away-bati ). Dahil napagtibay sila ng mga problema at di sumuko, asan sila ngayon? Ayon may pamilya at masaya.

Iyong iba naman kasi para naglaro-laro lang, kinikilig kilig daw, tinext lang ng crush 'kikiligin' 'nag-pm' sa facebook 'kikiligin', naamoy yung pabango ni crush 'kikiligin' aba , minsan mapapaisip ka, ano na lang kaya ang itsura nito kapag kumain ng manggang hilaw na piko, baka animo'y nakuryente ito.

(Itutuloy...)

STUDENTS' LOVE STORIES: Titser's view (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon