INTRODUCTION

305 44 5
                                    

" Naririnig mo ba ang tibok ng puso mo Nia? " tanong ng aking Lola habang inahawakan ang dibdib nya. Agad kong hinawakan ang aking dibdib at tumingin sa aking Lola " Syempre naman La, rinig na rinig. " naka ngiting sagot ko sa kanya. "Malakas ba ang tibok nito? " tanong nya. "Hindi naman po masyadong malakas. Normal lang. Bakit nyo po natanong La? " magalang na tanong ko. " Malakas kasi ang tibok nitong saakin. Mukang may mangyayaring hindi maganda. " nag aalalang sagot ni Lola. " Wag na po kayong mag alala La " sagot ko, naka upo dito sa maliit na upuan na kulay brown.

Napatingin ako sa aking cellphone upang malaman ang oras at laking gulat ko dahil 8:36 pm na. Gabi na, wala parin sila Mama at Papa at wala pa si Ate Bianca. Hindi pa kami kumakain ni Lola dahil nakasanayan na naming kasama sila. Naka handa narin ang mga pagkain sa mesa pero wala parin sila kaya nakakapanibago. 'Di ko alam ang nararamdaman ko ngayon, naiinitan ako at halos di maka hinga. Kinakabahan pa. Gusto kong lumabas. Gusto kong magpahangin, ang init-init dito sa sala. " La, mag papahangin muna ako sa labas. " wala sa sariling sambit ko. Tumingin sakin si Lola at napa ngiti " Segeh  " pag sasang-ayon nya. Ngumiti lang ako at tumango, agad akong nagtungo sa pintuan nang bigla itong bumukas at nakita ko si Vincent, ang matalik kong kaibigan. Basang basa sya pero hindi naman umuulan, kaya ito'y halatang pawis lang. Hingal na hingal sya, halatang tumatakbo ito pero-- Pero teka, may dugo! May dugo sa damit nya. Di ako maka galaw sa kinatatayuan ko. Kinakabahan ako bigla, naging mabilis ang pagtibok ng puso ko.


" Nia, a-ang Ate Bianca mo n-na a-aksendente. " pautal na saad nya.

MONTAR HIGH Where stories live. Discover now