CHAPTER 25

36 10 0
                                    

Chapter 25: Truth about them

Shania’s Pov

“ Kumalma kayo! ” pagtataas boses ni Emman

Tumahimik ang lahat at pilit na kumalma. Ito na, dumating na ang araw. Nandito na sila, wala na kaming magagawa pa. Ito naman ang rason kung bakit kami nandito kaya dapat namin tong tapusin at harapin.

“ Sama sama tayo! Lalaban tayo! ” anunsyo ni Josh.

Sumeryoso ang lahat. Tumango at pilit na ngumiti. Ang mga kaibigan kong makukulit at palangiti, nagbago. Nagbago sila. Naging seryoso at halos ang mga mata nila’y nag iba narin. Dala dala na nila ang sandata at kapangyarihang nakakatakot.

Pati ang mga kasamahan ni Leader. Nag iba’t handang handa na. Ako lang ata ang hindi pa handa.

“ Tara na! ” anunsyo ni Emman.

Napatingin ako kay Emman. Tumango at napasabing “ Kaya natin to ”

Unang naglakad si Josh patungo sa labas, sumunod si Sian, Reichelle, Daphne, Sabrina, Angela, Reyel at Emman. Tumingin si Vincent sa‘kin at pilit na ngumiti. “ Tara na, tulungan natin ang isa’t isa Nia ” aniya.

“ Teka, ngayon ko lang napansin! ” biglang sambit ni Syein. Napatingin ako sa kanya. “ Kulang tayo, wala si Sam! ” seryosong saad nya.

Oo nga! Wala sya!

Kasabay ng pag alis nila Shan, Monique, Jonah, Jul at Jennifer ay biglang tumulo luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako napaiyak, kusang lumuha lang talaga ang mga mata ko.

“ N-nasaan si Sam? ” nanginginig kong tanong

Nakatulala si Vincent at nakayuko si Syein. “ Nasaan sya? ” pagtataas boses ko. Napatingin si Vincent sa’kin at napaluha rin. “ Walang nakaka alam kung nasaan sya Nia ” mahinang sagot nya

“ I hope nasa maayos na kalagayan sya ngayon ” mahinang sambit rin ni Syein

“ Ba’t ngayon lang natin napansin? Ba’t ngayon ko lang napansin!? ” naiiyak kong saad

Lumapit si Syein sa’kin at niyakap ako. “ Naging bulag tayo Nia, nawala ang pagiging observant natin. Naka focus lang tayo sa mangyayari at sa pag hahanap kaya nawala sya sa isipan natin. ” bulong nya.

“ Wag kang mag alala Nia. Makikita rin natin sya. Hahanapin natin sya, hindi tayo aalis dito na hindi sya kasama ” seryosong saad ni Vincent

Kumawala si Syein sa pag yakap sakin at tumingin kay Vincent, pag katapos ay tumingin sa pintuan palabas “ Tara na, kailangan nila tayo. ” seryosong sambit nya

Sabay kaming nagtungo palabas. Nang nasa labas na kami’y tumambad samin ang sugatang si Zach na naka upo sa gilid ng pinto, hinihingal sya at ginagamot ni Sabrina. Si Emman nama’y nakikipag laban sa lalalaking naka bigote. Si Carl ay nakikipag laban din sa lalaking naka maskara. Si Josh nama’y nakikipag laban sa babaeng may maikling short at naka sports bra lang, naka pony tail rin ang buhok nito at may dala-dalang payong na kulay pula. Si Leader nama’y kalaban si Jake. Ang totoong Jake na may nakakatakot na pagmumukha. 

Ang ibang membro nama’y nakaupo sa gilid kasama ang ibang kasamahan nila. Pinapanood nila ang labanan. Tumatawa’t pumapalakpak pa. Seryosong nanonood ang babaeng nakaupo at ang lalaking katabi nya. Naka maskara sila pariho ngunit sa pananamit nila’y halatang mapanganib sila. Ang lalaki may dala dalang hammer at ang babae nama’y may espada.

Napansin kong napatingin dito sa’min ang lalaking tumatawa kanina. May binulong sya sa babae at sa isang iglap ay nandito na sya sa harap ko. Nakangisi at nakatingin sakin. Mabuti nalang at agad na nasuntok ni Syein.

MONTAR HIGH Where stories live. Discover now