CHAPTER 3

186 46 0
                                    

CHAPTER 3: The Morning Star Island

Nasa byahe na kami. Kasama ko ngayun si Papa at si Uncle Stephen. Mas comfortable kong tawagin syang Doc, pero mas magalang pag Uncle ang tawag ko sa kanya. Nag paalam ako kagabi kay Mama at sa aking Lola, pati narin sa mga nag ta-trabaho sa bahay. Nag handa sila ng maraming masasarap na pagkain kagabi kaya around 9 pm na kaming nakakain. Isang araw na kaming nandito sa barko at nakaka-ilang na pero about sa nangyari kagabi. Ang saya-saya ko pero yung kasiyahang ‘yon ay unti-unting nawawala at napapalitan ng lungkot. Lalo na ngayung papunta na kami sa isla na tinatawag na " Morning Star. " Natatakot ako promise, sino ba naman ang hindi matatakot sa lugar na yun. Eh cursed island yun. Halos lahat ng mga ka-klase ko dati, topic ang islang yan. Ang sabi nila may maitim na kapangyarihang naka palibot sa isla, kaya ang mga mangingisda ay hinding-hindi talaga nangigisda malapit sa isla. Lumalayo sila pagkat may malaking Octopus daw na nag babantay sa paligid. Ewan ko ba kung totoo ang story na yan basta isa lang ang nararamdaman ko ngayun. Natatakot ako pero na i-excite din. Ngunit, hindi ko talaga alam kung bakit may paaralan dyan at may naka-tirang mga Business Man, mga Politiko at maging ang Presidente ng bansa namin ay may bahay dyan. Baka dahil katulad namin sila. Mga di- ordinaryong tao. Maging ang aking kaibigang si Syein Trinidad ay nakatira rin sa islang yan. Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi. Akala ko talaga, katapusan kona. Mabuti nalang biglang sumulpot si Syein, tinulungan nya ako, ang sabi nya sakin napadaan lang daw sya sa Emelsia at nakita nya ako. Naka lilipad din sya, katulad ng kay Vincent pero ang tanging kaibahan lang ay, kaya nyang mag lakad sa lupa maging sa atmosphere at maging sa tubig. Para syang may mga pakpak, kung saan saan nakakarating at nakaka tapak. Noon wala pa ‘yang kapangyarihan nyang yan at ngayon, masaya akong malaman ang napaka astig nyang kapangyarihan. Matalik ko syang kaibigan noon. Apat kaming mag kakaibigan na may kapangyarihan dati. Ako, si Paul Vincent Alvarez, si Syein Trinidad at si Tishiel Sam Intas, pero nang nag high school na kami ay sabay silang umalis sa Emelsia. Wala akong kaalam-alam na nasa Morning Star nakatira si Syein, nalaman ko lang nong nagkita kami. Yung si Sam naman, ewan ko ba kung nasaan sya ngayun pero malakas ang kutob kung nandun din sya sa Montar High nag aaral para may representative sa family nila. Ano ba kasi itong representative na‘to? Na iinis na ako pag iniisip ang salitang yan. Nandito kami ngayun sa loob ng maliit na barko. Naka higa ako sa isang mahabang upuan, samantalang si Vincent nama’y natutulog sa upuang nasa harapan ko. Mahimbing ang pagkakatulog nya. Sana maka tulog rin ako at hindi na,


Magising.

***

Nakahiga parin ako dito at hindi kailanman nakatulog. Lumipas nalang ang ilang oras. Nag uusap kasi si Papa at Uncle. Nakaka disturbo.

" Kailangan talaga, Stephen. "

" Segeh. Mas maganda kung maging magka-klase sila ni Vincent pero Henry, hindi pa sya nakaka patay ng Denali, paano sya mapupunta sa Special Class? "

" Tadhana na ang bahala pero sana lang mapunta sya sa Blacktair. Ang Special Section. Ang section natin noon. "

" Hahahahaha, ang seksyong puno ng kalokahan at puno ng magagaling."

" Sana maging guro nya ang Mommy ni Vincent. Ang pinaka mamahal mong si Kyla. Ang pinaka mamahal kung kapatid. "

" ‘Pag mapunta sya sa Blacktaire, sana lang. "

" Steph, kilala mo ba yung apo ni President Xander?"

" Si Carl ba ang tinutukoy mo? "

" Oo, sya nga. Kahanga-hanga talaga ang kapangyarihan nya diba? "

" Ang Black Magic. Gifted sya, sigurado'ng malakas at di sya basta-basta. Ano kaya ang supportive magic nya noh?"

" Siguro may kinalaman din yan sa Black Magic for sure. Na alala ko tuloy si Fariel."

" Oo nga, nakaka gawa yun ng illusyong may kinalaman sa Black magic. Sayang lang, patay na sya. Diba may anak sya pero sayang nawawala sila. For sure malakas din ang kapangyarihan ng anak nya. "

" Kasing lakas nya at kasing lakas katulad ni Ivan."

“ Sa pagkaka-alala ko, yung panganay na anak nila may black magic din yun. Sya yong ikakasal sa anak nila Zenith at Ralph diba? ”

Oo, nakatakda na yun ih. Demons ang magkapatid na si Ralph at Ivan tsaka pariho nilang pinakasalan ang magkapatid na half demons na sina Zenith at Fariel. Alam naman ng lahat na hindi talaga totoong magkapatid si Fariel at Zenith kaya okay lang. Pero kung sino sa dalawang babae ang magsilang ng unang sangol, magiging asawa ng anak nya yung bunsong anak ng isang babae. ”

“ Si Fariel yung unang nagsilang diba? So that's mean, yung bunsong anak ni Zenith yung nakatakda sa kanya. Pero ang tanong, nasaan na kaya yung mga anak nila? ”

Ano ba tong pinag uusapan nila? Sino batong si Fariel at Ivan? Zenith at Ralph?

" Sir. Malapit na po tayo " sabi ng lalaki. " Sa wakas. " sabi naman ni Uncle. " Vincent! Nia! Nandito na tayo. " sigaw ni Papa. Napa upo agad si Vincent, halatang nagulat at nabulabog ito samantalang ako naman, pa ass if na nagulat kunwari. Dahan dahan akong umupo at nakita ko si Papa at si Uncle na naka ngiti at nakita ko si Vincent na halatang inaantok parin. Lumabas kami at kinuha ang maleta. Dahan- dahan kaming naka punta sa labas at nakita namin ang magandang tanawin. Ang mapuputing buhangin at ang mga magagandang bahay at ang, " Na miss ko tong lugar na to by the way nakikita nyo yang mala-palasyo na yan? " tanong ni Uncle sabay turo doon sa may malaking palasyo. Yan ang paaralang tinatawag na.

" MONTAR HIGH " dagdag ni Papa. " Ito? ito ang Montar High? Ba't parang hindi sya mukang paaralan?? " tanong ni Vincent habang naka tingin sa paaralan. " Paaralan yan at masasabi mong isa naring palasyo. " sabi ni Uncle. " Ang palasyo na yan ay higit pa sa inaakala nyo, nandyan na lahat. Lahat lahat... " dagdag ni Papa habang naka ngisi pa ito. Naku! mukang maganda nga pero natatakot parin ako pero grabe talaga, diko inasahang ganto ka ganda ang isla nato. Sos! kung dala ko pa ang cellphone ko, kanina ko pa sinimulang mag pi-picture sa lugar nato. Promise, ang ganda talaga, may pang post na sana ako sa Instagram. Whahahhaha, baliw na yata ako. Eh pano ba naman, bawal ang gadgets. Tapos ang sabi pa ni papa, walang Internet tong lugar nato. Grabe naman yun diba? Sa panahon ngayun may mga kabataan pabang maka su-survive ng walang Internet? Kahit signal man lang wala daw! Ano tong lugar nato? Only for allergic sa wifi? Sa signal? sa internet ganun? Naku! Mukhang di ako makaka survive sa lugar nato. Nag lalakad kami ngayun papunta sa school. Grabe talaga to, wala bang service dito? Wala bang sasakyan? Ano ba tong lugar nato? Ba't ang tahimik tsaka, walang? Walang ka tao-tao sa paligid? " Dad? Bat walang tao dito? " tanong ni Vincent, inunahan pa ako, yan dapat ang itatanong ko ehh. " Di sila lumalabas pag umaga. " mahinahong sagot ni Uncle. Napa tingin kaagad ako ni Uncle at syempre nagulat, tumingin si Papa sakin at sinabing,  "Iba ang oras dito Nia, ang umaga saatin, gabi sa kanila at ang gabi sa atin umaga para sa kanila. "

" Talaga po? Paano po sila makakakita at maka pag aral sa gabi? " tanong ko. " Hmmm malalaman mo rin, maya-maya. " sagot nya. Nag lakad kaming apat hanggang sa may nakita kaming~~ hagdan? Ba't may hagdan pa dito? Ano ba to! Naiirita na talaga ako, nag lakad kami galing sa barko papunta dito mahigit 15 mins tapos? May mataas at mahabang hagdan pa? Nag lakad parin kami. Walang imik. Humakbang ako sa unang hagdan at~~ at ~~~napatigil ako nang bigla bumigat ang pakiramdam ko, ang sakit sa katawan. Maging si Vincent napatigil rin pero si uncle tsaka si papa, parang wala lang. Tumingin sila samin at~~~ ngumiti? Naka ngiti pa talaga ha? Mukha ba kaming si joker para mapangiti kayo uncle, Papa? nu ba naman to! Ba't ganto!?" Bilisan nyo, may 99 na hakbang pa tayong hahakbangin. " sabi naman ni Papa.


MONTAR HIGH Where stories live. Discover now