CHAPTER 7

129 32 0
                                    

Annyeong ^_^ May nag pm pala sakin, sabi nya " Ate Norj? Wala bang Point of view ang ibang tauhan sa storyang Montar High? " Actually, wala talaga, but mukang mas gusto nyo na may Pov yung iba, okay lang naman sakin no prob. Kaya simula sa chapter nato may Pov na sila ."

Salamat sa pag suporta at sa pag babasa.
Enjoy Reading~~~~~
▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪♡▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪

CHAPTER 7:  Tech Lab

Adrian's Pov
___________________

Pag katapos ng subject ni Ma'am, agad kaming pumunta sa Tech Lab (Technical Laboratory) located sa Techinal Building. Kasama ko ngayun si Carl, palagi naman kasi kaming mag kasama san man mapunta, nasa unahan naman namin si Sam, Syein at yung dalawang newbie o kilala bilang " transferee o new member ng school at groupo namin. "

Nag tataka talaga ako dito kay Nia, weird kasi sya ass in wala talaga syang alam sa lugar nato? Baka nag papa inosente lang to? Hay Bahala na!? Wala naman akong paki sa kanya ehh. Pero kase nga, wala syang kaalam-alam sa history ng lugar namin, di ba sya sinabihan ng mga parents nya? Lalong lalo na Downworld? Wala syang alam? Ehh yung iba naming kaklase alam na nila ang Downworld simula elementary tapos sya? What? Di ko talaga tanggap promise, maging itong si Carl na bestfriend ko halatang nalilito din sya sa babaeng to, by the way taga Downworld kasi ako, hindi lang ako pati narin si Carl, Sian, at Emman kaya big deal sakin to, pero forget ko nalang to.

Nandito na kami sa harap ng building. Papasok na sana kami ng may biglang sumabog. Agad namang tumakbo ang iba sa loob samantalang kaming galing sa Downworld ay nag teleport, may kakayahan kasi kaming mag teleport pero only sa mundo namin at dito sa Morning Star lang.

Nakarating agad kami dito sa taas kung saan galing ang pag sabog. Nasa harap kaming apat sa Lab, nauna kasi kami kaysa sa kanila, at pagkalipas ng ilang segundo nandito narin sila.

" Anong nangyari? " tanong ni Syein

" Ewan. " sagot ni Sian.

Agad namang lumapit si Carl sa pintuan na halatang sunog at mainit, kinuha nya ang gloves na nasa kaliwang kamay at hinawakan nya ang pintuan at ito'y naging abo. Yan ang isa sa kapangyarihan ni Carl, pag hinawakan nya ang isang bagay naku siguradong maging abo nalang ang mga yon. Pag katapos ay tumingin sya samin, kulay gray na ang mga mata nya , hindi naman kami magugulat sa mga mata nya, ganyan naman kasi ang kulay ng mga mata nya pag nag rerelease sya ng kapangyarihan.

" Tara pasok na, " sabi nya at agad syang pumasok sa loob.

" Nag iba ang kulay ng mga mata nya, " pabulong na tanong ni Nia kay Sam pero naririnig ko sila, may kakayahan kasi akong marinig lahat ng tunog na nasa paligid, but only for 100km lang.

" Dito sa Morning Star, mapapalitan ang mga mata natin ng ibang kulay pag nagpapa release tayo ng kapangyarihan. " sagot ni Sam

" Ahh okay " sagot naman ni Nia

Pumasok narin kami sa loob, wala kaming ibang makita kundi ang makapal na usok at amoy sunog.

" Angela, higupin mo ang usok, dali! " utos ni Sian kay Angela

" Anong higupin ang usok? Pwede ba yun? " biglang tanong ni Nia, hay naku naisip pa nyang mag tanong sa sitwasyong ito.

MONTAR HIGH Where stories live. Discover now