CHAPTER 19

49 15 1
                                    

CHAPTER 19: Halik

Emman's Pov
_______________

Nakaalis kami ng ligtas sa Dungeon maging sa Tunnel rin. May apat akong bagong nakilala ngunit ang dalawa'y umalis na sa team.

Ako at si Daphne, si Jennifer Mahinlo at itong si Jul Garcia nalang na natira sa team namin.

Silang dalawa ay magka Team rin. Sila'y mga Nighterian. Ang dalawa nama'ng umalis kanina ay hindi mga friendly kaya diko sila kilala pero magka Team din sila.

Sa ngayo'y naglalakbay kami patungo sa Eastern Cape Town. Dumidilim narin ang kalangitan kaya maya-maya'y magpapahinga muna kami.

Dala-dala ni Jennifer ang lampara na nagsisilbing ilaw. Akasidenteng natapakan nya ang palaka kaya nagulat sya't napatalon.

" Ano ba Jennifer! Ayusin mo yang ilaw! " sigaw ni Daphne kay Jennifer.

" Dahan-dahan lang Jennifer. " sambit ko naman.

" Emmmannn! " biglang sigaw ni Nia.

Nagulat kaming lahat sa pag sigaw ni Nia. Nag tinginan pa kami ni Daphne at napangiti.

" Niaaaaa! OOOMMMGGG!! NASAN KA? " malakas na sigaw ko.

" Nandito kami! " biglang sigaw Josh. Uwwuuu na miss ko tong gonggong nato.

" Jenniiifeerrrrr!! " rinig nami'ng sigaw  ng babae'ng di ko kilala

" Shaannnnnnnn!!! Uwwwwuuuuuu. Shannnnnnnieeee. " sigaw naman ni Jennifer.

" Nasaan kayo? " sigaw ko ulit.

Di ko alam kung anong nangyari pero biglang may gumagalaw dito sa paanan ko. Nanigas ako at napa lunok.

Napansin ko ring di na sumasagot sila Nia kaya nakaramdam ako bigla ng takot.

" Jennifer, akin na muna ang lampara. May napapansin kasi akong kakaiba dito sa paanan ko. " mahinahong sabi ko.

Ramdam kung napatingin sila sa akin. Imbis na ibigay ni Jennifer ang lampara sa akin ay nilapag nya ito sa lupa. Sa mismong paanan ko.

Nanlaki ang mga mata ko at napa-nganga. Akala ko ano na.

" Crystal? Bakit may Crystal sa lugar na to?" nagtatakang komento ni Jul.

Pupulotin ko na sana ito ng biglang.

" Ta*na! " rinig nami'ng pasigaw na pag mura ni Carl.

Huh? Boses ni Carl yon ah?

" Bakit? " seryosong tanong ni Nia.

" We're being trap! " pasigaw na sagot ni Carl.

" Ano? " tanong ng babaeng kasamahan nila.

" Yung kuneho kanina! Sya ang may gawa nito. " panimula nya. " Nahulog tayo sa patibong nya. Ngayun, nandito tayo sa loob ng bolang crystal. Di tayo makakalabas dito hangga't di ito nababasag. " rinig naming paliwang ni Carl.

Nanlamig ako at di na naman makakilos.
Kinakabahan na ako at natatakot. This can't be!

" Carl! Nakita namin ang Crystal. " biglang sigaw ni Daphne.

" Seryoso? " sigaw na tanong ni Adrian

" Yes. Paano ba ito mababasag? " sigaw ulit ni Daphne.

" Sa pagkaka-alam ko'y Crystal lang ang makakabasag na kapwa Crystal. " seryosong sambit ni Jul.

" Wala mo na tayo'ng gagawin ngayon. Dadalhin natin tong Crystal papunta sa Eastern Cape Town. " mahinahong sabi ko.

" Segeh. Naririnig namin kayo. Kayo nalang ang bahala sa Crystal. Pag nakarating na kayo sa Eastern Cape Town may syudad doon na kilala bilang CeTei Hei. Pumunta kayo doon at humingi ng tulong. " biglang sigaw ni Carl.

MONTAR HIGH Where stories live. Discover now