CHAPTER 11

97 30 0
                                    

CHAPTER 11: Nia's Mentor

Shania's Pov
___________________

May nangyaring hindi maganda, kami ay ipapadala doon sa bansang Cape town upang lumaban at hanapin ang mg membro ng Black spiders. Pinatay daw kasi nila ang namumuno doon sa Eastern Cape town kaya dapat kaming pumunta doon at hanapin at kung pwede'y patayin daw namin ang mga yun.  Syempre papatayin talaga kasi pag hindi naku, kami ang mamatay. Pag napatay mo raw ang isa sa membro ng Dark Spiders ay dapat mong kunin ang  mga mata nito upang ika'y hindi na manganganib. Yun ang sabi nila. Pag naka patay kana di kana papatayin ng iba.

Mapanganib daw doon. Walang sinumang makakapasok na nilalang na walang  mahika.  Kaya mag expect nalang tayo na mga makapangyarihan  na ang mga taong nandoon.

Mamayang  2 ng madaling araw na kami pupunta sa lugar na yon. Halos 1 week din kaming nag insayo  at nagpalakas.

Hinati ang Section namin  sa Two Teams.  Ang Black Team at ang Tair Team. Na bibilang ako sa Black team at kami ang ma uunang pupunta doon. Di nga ako comfortable kasi ni isa sa mga bestfriends ko ay diko kasama. Nasa Team Tair silang tatlo. Si  Vincent,  Syein at Sam. Hayst. Pero okay lang sa 1 week din na pag sasanay at pag iinsayo ko na wala sila natuyo narin ako.

Sa susunod na week pa sila pupunta doon sa Cape town pagkat yan ang protocol for the competition.  Natatakot  ako kunti pero hindi ass in kasi kasama ko si Carl. Malakas sya at di rin basta- basta.

Noong ika dalawang araw ng pag iinsayo namin ay naging  close kami. Yung una'y napipikon ako sa kanya but days passed, hmmpp dunday kasi kami nag start at na end sa saturday kaya hmmpp. Nung Huwbes nang yari  yong ano. Yung  ahhh. ewan.. Basta yun na yun. Gusto nyo I flashback ko? whahahha segh segh.

<< flashback  >>

Tuesday,
Training Hall,

" Hey! Nia! Ba't ang bagal bagal mong kumilos pag pinapatigil mo ang oras? " tanong  ni Adrian saakin,

" Di pa kasi ako masyadong comfortable sa power ko. " sagot ko sa kanya,

" What? May ganun ba? Eh power mo yan. Dapat mas maging comfortable ka at dapat alam mo kung paano gamitin nyang  powers mo. " sabi nya na halatang  naiirita,  hayst ano ba magagawa ko eh halos mag iisang buwan pa nga simula nang nadiskorbe ko ito.

" Di kasi  ako palaging  nag iinsayo. pasensya na. " palusot ko,

" Josh, halatang  naiirita kana ata kay Nia ahh. " biglang sabi ni Carl

" Haysst. Ayusin mo yang  pag gamit mo sa kapangyarihan mo. " sabi sakin ni Adrian sabay pumunta doon kay sabrina, hayst suplado.

" Sir, pwede ba akong mag request.  " biglang sigaw ni Carl kay Sir

" Segeh ano yun? " tanong  ni Sir na papalapit samin.

" Sir, di pa kasi marunong si Nia kumontrol sa kapangyarihan nya, tapos kami lang  ni Josh at Zack ang makaka galaw at di naapektohan sa kapangyarihan nya kaya maari ko ba syang turuan  at pwede bang ako ang mag tra-train sa kanya? " paliwanag ni Carl, naku ! Bat nya pa sinabi kay sir, eyyy nakakahiya!

" Okay sure, segeh.  If you can handle in her well, you can be her teacher muna. Hmmph i-train mo sya para di yan mapahamak  sa Cape town. " sagot naman ni Sir. Naku! nag mumukha akong katawa-tawa nito ehh. Bwesit tong si Carl!

" Okay, thank  you Sir. Don't worry I'll take care of her. " sabi naman ni Carl, nag lakad si Sir palayo at tumingin sakin  si Carl at napangiti. Ngiting nakakakilabot. huhuhuhu tinamaan talaga ako ng lintik.

" Nia? Narinig  mo yun? Ako  magiging guro mo. *smirk* You can call me Mentor. * Napa ngisi * "

Wait anong problem nya? Ba't ganto sya? Di ako sanay sa mga ginagawa nya.

" Mentor? Bat mentor? Di pwedeng Sir nalang o boss o just Carl! " pagrereklamo ko "

" You can call me Kuya. " kalmadong sabi nya, Kuya? Mas okay pa nga yun whahaha segeh mukang maganda naman syang maging guro,

" Okay. Let's  start. " Sabi nya, at nag iba ang paligid. Teka? What the--- ang Black Illusion!

" Hoy! Carl! Wag ang Black  Illusion  di pa ako sanay. Baka ika-matay ko to. " sigaw ko, at bigla nalang dumilim ang paligid. Tumingin ako sa harap kung saan nandun si Carl kanina, pero di ko sya makita, ehh pano nga madalim diba? Ass in madilim talaga, madilim na madilim at tahimik yung tipong  wala kang ibang  marinig  kundi ang tunog ng katahimikan. Bushit talaga tong si Carl! Ba't sya pa! Pwede namang si Syein  ang maging guro ko.

" Carl? " Tanong ko,  ngunit  wala ni isang  sagot ang natanggap ko. Ano bato? Na trap cguro ako! Baka Hindi na ako makakabalik? Pano nato! Ano gagawin ko? Nakakatakot  pala tong black  Illusion ni Carl. Wait.. Teka.  May nakita akong  ilaw doon sa di kalayuan. Tumakbo  ako ng mabilis pero may Mali! Habang papalapit ako lalong nawawala  ang liwanag  ng ilaw. Ngayun  takot  na ako. Alam ko namang  nasa paligid lang si Carl. Huminto  ako sa paglalakad at lumingon-lingon saan-saan. Shit! Natatakot na ako! Pero bat ako matatakot? May kapangyarihan ako diba?

*Enhale, Exhale * Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang mag focus.  Pinatigil ko ang oras, sinubukan  kong  makaramdam ng hangin  pero walang hangin dito ah. Oo wala nga. Nag focus pa ako at nag simulang maglakad. Yes, nag lakad ako habang naka pikit. Walang hangin dito kaya kung may maramdaman man akong hangin na nasa  harapan ko well, alam ko na kung Sino yun! Hehehe. Matalino kaya ako. hahahaha. Nag simula na akong maglakad at hakbang lang  ng hakbang. Napa tigil ako dahil may na pansin akong  something hangin! At teka wait! May hangin na! May hangin kung saan. May mali dito ah! Naka pikit parin ako at nag lalakad. May Mali talaga at teka mukang ramdam kona ang liwanag ahh. Pero dapat di ako magpa apekto dito. Illusion parin to. Napatigil  ako sa paglalakad ng may biglang,

"Nia" Carl Whispered,  nagulat ako kaya napadilat ako, na pa balik ko ang pag andar sa oras at na control ko ang hangin ng wala sa plano kaya't napakalas na hangin  ang sumalubong sa pagdilat ko shit! Ang sakit sa mata. ! Binuksan ko muli  ang mga mata ko at nakita ko silang  lahat na naka tingin  sakin. what? teka? ibig  sabihin wala na ako sa illusion na ginawa ni Carl, pambihira naman oh!? 

" Nia, anong. Anong  nangyari  sa buhok mo? " seryosong tanong ni Sabrina, bakit anong nangyari? Huh teka! Oo nga mukang  di ko rin ramdam ang buhok ko ahh.. Sinubukan kong hawakan  ang buhok nang  biglang. Lintik! Ang maganda kong buhok naging. Naging magulo at nagmumukang walang suklay ng mahigit isang taon.

Hinanap ko si Carl at. Nakita ko syang.. Tumatawa? Bwesit tong lalaking to!

-------------------------------------------

MONTAR HIGH Where stories live. Discover now