CHAPTER 15

66 28 2
                                    

CHAPTER 15: Missing Sibling's

Continuation~~

What? Ano bang pinagsasabi nya?

" Ano? " gulat na tanong ni Nia,

" May mga kaklase tayo na di rin nila alam ang pagkatao nila, just like you. Siguro apat o tatlo rin ang half
demon sa Blacktair kaso di nila alam yun. " paliwanag ni Carl, " But, wag mo nalang sabihin sa mga kaklase natin ang nalalaman mo pati narin ikaw Choi. " dagdag nya,

Alam nya palang gising ako?

Umupo ako bigla at tumingin sa kanila. Tumingin ako kay Nia at halatang gulat sya.

" Josh, wag mo yang ipagsabi kahit kanino ha. " kalmadong sabi ni Carl. Tumingin ako sa kanya at tumango.
" Makaka asa ka, " naka ngiting sabi ko na pinipilit lang

*

**

Reichelle's Pov
_____________________

Nagising ako dahil sa pagsisigaw ni Adrian. Agad naman akong bumangon kasi nga baka ano na ang nangyayari.

Pagka gising ko'y nakita ko silang lahat na nakatayo't may dala dalang di kalakihang box.

Napansin naman ako ni Nia, ngumiti sya at tinulungan akong mag ligpit sa hinihigaan namin. Pagkatapos ay agad namang gumamit ng kapangyarihan si Emman upang mawala iyon.

Naging maluwag at malinis na ang buong lugar, wala na ang kama't unan maging ang kumot na ginamit namin.

Naging tahimik kaming lahat. Ewan ko ba kung ano problema nila, may galit sa kanilang mga mukha at may pag aalala.

" Anong nangyari? Ba't mukhang wala kayo sa mood. " Tanong ko, kasi nga na cu-curios ako.

" Mag hihiwalay-hiwalay tayo. " Pabulong na sabi ni Nia pero syempre rinig ko sya katabi lang kasi kami ngayun.

Tumingin ako sa kanya, naka yuko lang sya't halatang tumutulo na ang kanyang mga luha.

Diko mapigilang mag tanong ulit kaya,

" Ba't tayo maghihiwalay? Paano? " Tanong ko, 

Humakbang si Carl sakin na may dala dalang box katulad ng sa kanila. Binigay nya ito kaya kinuha ko. Binuksan ko at may nakita akong mga~~damit?

Umupo ako at inilagay ang box. Kinuha ko ang mga damit at may nakita akong~~~Golden na bracelet, kinuha ko't tiningnan ito. Binasa ko ang naka sulat doon na,

" Stark Contestant No. 465 "

" No. 189 " sabi naman ni Emman,

" No. 307 " dagdag ni Reyel,

" No. 699 " dagdag ni Carl,

" No. 623 " dagdag ni Nia,

" No. 676 " at dagdag ni Adrian.

Napa nganga lang ako't sinusubukang isipin ang lahat. But wait! Bakit Wala si Sabrina? Nasan sya?

" Sab, Ba’t wala si slSab! " sigaw ko

" Um~alis~~~na~~sya " rinig kung sabi ni Reyel, tumingin ako kay reyel at nakita ko syang umiiyak. Di ko alam kung ano talaga ang nangyayari. Bat di nila ako ginising. Bakit?

" No. 088 kasi sya,  zero ang unang pinabalas dito. Bali from 0 to 6 tapos doon sya makakakita at makakasama sa ibang team. " paliwanag ni Carl.

" Hala! Bat~~ " di kona natapos dahil may biglang nagsalita.

MONTAR HIGH Where stories live. Discover now