CHAPTER 26

41 10 2
                                    

Chapter 26: The Kiss

Continuation~

Isang di kalakihang dragon. Napalingon kaagad ako sa mga kasaman ko ngayon dito sa kinaroroonan ko. Hindi nila ito napansin, walang nakapansin ni isa sa kanila.

Tumingin ulit ako doon sa lalaking naging dragon at nakita ko mismo ang paglipad nya ng di kahabaan. Pinatamaan nya ito gamit ang buntot nya, bumuga pa sya ng apoy doon sa mga bahagi ng bahay na natabi patungo sa kinaroroonan namin. Sumabog ito at narinig naming lahat.

Bumuga pa sya ng mga apoy sa mismong bahay pati narin sa nakikita nyang bahay na gawa sa kahoy na nasa malapit nya lang. Naging mausok at tumitindi na ang apoy, kumakalat narin ito.

Hindi ko na sya nakita dahil sa usok na bumabalot sa paligid.

Maya maya pa’y nakita ko sya bilang anyong tao. May dala dala syang mahaba at malapad na kahoy.

Ilang segundo pa’y nakikita namin ang kahoy na papalapit samin.

“ Bilis, umalis kayo dyan! Matatamaan kayo ng king*nang kahoy na’yan! ” sigaw ni Carl

Tatalon na sana ako ngunit hindi ko maramdaman ang sarili ko. Hindi sumusunod yung katawan ko. Hindi ko maigalaw kahit mga daliri ko.

Napatingin kaagad ako sa harap at sa kasamaang palad, natamaan ako ng malapad at mahabang kahoy.

Mukha akong sinampal ng matigas na bagay. Ni hindi ko nga ma feel ang sakit nang natamaan ako dahil sa sobrang bilis. Hanggang sa naramdaman kong nabali ang ribs ko. Hindi lang sa parteng tyan kundi sa buong katawan ko.

'Sing bilis ng kidlat ang pangyayari, napadpad ako sa gitna ng bahay na tinutuluyan namin. Kabilang sa mga sirang kahoy at gamit, nakahandusay ako. Sure akong duguan ako, di ko narin maigalaw ang katawan ko. Tanging ang mata at isipan ko nalang ang buhay.

Nakita ko si Emman na nakalutang na itaas ko. Gulat na gulat sya, tinatakpan yung bibig.

Hehehe siguro, bali bali yung katawan at duguan akong nakikita nya ngayon.

“ JONAH! ” umalingaw ngaw na sigaw nya at sing bilis rin ng kidlat na lumitaw dito sa harap ko.

“ HOLY SHIT! ” rinig ko sigaw ni Sian.

“ Oh my gosh! ” komento ni Angela.

May narinig din akong paghiyaw.

Isa-isa silang lumapit sakin. May nagugulat, may nanginginig at may umiiyak.

Siguro katapusan ko na. Siguro maya maya mawawala na ako sa mundo. Pero hindi pwedeng mawala ako ng wala akong mapapatay na kalaban. Hindi! Hindi to pwede! Hindi pa ako pwedeng mamatay! Tutulungan ko pa ang mga kasamahan ko! Hindi ako maaaring mamatay nang walang nagawa!

“ Please Jonah, lumaban ka! Wag kang bibitiw. Hindi pa ito ang tamang oras para mawala sa mundo. ” sambit ko para sa sarili gamit ang isipan.

“ CURSE YOU! ” umalingaw ngaw na sigaw ni Nia kasabay ng pagsabog ng kung anong bagay.

***

Reichelle’s Pov

Tulala at di makapaniwala kaming lahat sa nakikita. Inataki kasi kami ng bagong dating na membro ng Dark Spiders. Naka iwas ako at ang ibang kasamahan ko pero, si Jonah hindi ih. Hindi ko alam kung bakit hindi sya nakaiwas, may kapangyarihan naman sya ih. Siguro na mental block sya sa time na nakita na nya yung mahaba at malapad na kahoy na patungo sa direksyon namin.

Hindi ko rin alam kung paano naputol yung mga bahagi ng katawan nya pero sa tingin ko, dahil yun sa malakidlat na paghampas ng kahoy sa katawan nya.

MONTAR HIGH Where stories live. Discover now