CHAPTER 1

260 43 0
                                    

CHAPTER 1: Montarian

Shania's Pov
____________________

Agad kaming pumunta sa Hospital. Na-aksedente raw ang kapatid ko doon sa may tulay. ‘Di talaga ako maka paniwala dahil malakas at may kapangyarihan ang Ate Bianca ko. Oo nga pala, kami ay mayroong mga kapangyarihan, si Lola Luzviminda at si Mama Jenny maging si Papa Henry at si Ate. Halos lahat kami may mga kapangyarihan. Bukod samin, ang pamilya Alvarez rin ay may kapangyarihan rin. Ang tinutukoy ko ay ang aking matalik na kaibiga'ng si Vincent. Ang totoo nya'ng pangalan ay Paul Vincent Alvarez pero tinatawag ko lang syang Vincent. Sya'y katulad din namin, may kapangyarihan at sa pagkaka-alam ko, kami lang ang may kapangyarihan dito sa aming lugar. Kapangyarihang ‘di dapat matuklasan ng iba. Kapangyarihang nasa teleserye at libro lang. Sa una’y akala ko’y nababaliw lang ako pero nong nalaman kong lahat kami ng pamilya ko’y may kapangyarihan doon na ako kumalma at naging comfortable sa power ko. Hanggang sa nasanay narin ako’ng may dala-dalang kapangyarihan saan man patungo. Ang sabi ng aking Lola’y marami naman daw ang mga katulad na’min dito sa aming lugar ngunit ang iba’y wala na dito. And by the way, ang Pangalan nga pala ng lugar namin ay Emelsia. Sa oras na‘to, nandito ako sa labas ng Operating Room. Nag hihintay kami dito ng parents ko at maging si Lola na inaalalayan ng kaibigan kung si Vincent. Nandito ako sa tabi ni Mama, hinahawakan ko ang mga malalamig nya’ng kamay. Niyayakap ko sya habang sya’y umiiyak. Si Papa nama’y pa lakad lakad lang dito sa harap namin, balisa at ‘di mapakali. Halatang nanginginig ang mga paa nya at takot ito, nakatingin din lamang sya sa sahig, maging si Lola din ay hindi mapakali. Paulit-ulit nya akong tinatanong kung, “ Okay na kaya sila doon? Wala bang problema sa operasyon? At kung magiging okay ba ang lahat. ” yan ang mga paulit- ulit nyang tinatanong samin ni Vincent. Si Vincent nama'y nasa tabi ko. Walang imik pero halatang giniginaw ito. Biglang lumabas ang doctor. Si Mr. Stephen Alvarez. Daddy ni Vincent, mabuti nalang doctor sya. Paano nalang kaya kung walang doctor na katulad namin. Siguradong magkakagulo dito sa Emelsia lalo na pag nalaman nila ang tunay na pagkatao namin, at mabuti nalang may kapangyarihan si Mr. Stephen na kontrolin ang isipan ng isang tao at burahin ang mga ala-ala nila na may kinalaman sa sekreto namin.

“ Kumusta si Bianca, Steph? " tanong ni Mama kay Doc. Tumingin naman ito kay Mama at kalmadong nagsalita, "Okay na sya, nabali ang kaliwang paa nya pero wag kang mag alala Jenny babalik din ito sa dati pero matatagalan pa. "


"Kung ganon, hindi sya pwedeng ipadala sa Montar? " singit ni Vincent. Agad na tumigil ang lahat, natulala ng ilang sigundo. Tumingin si Mama kay Papa at silang dalawa'y tumingin sa‘kin. " Nia, patawarin mo kami anak " naiiyak na sabi ni Mama at kaagad akong niyakap. Kinabahan ulit ako pagkat alam kong ako ang ipapadala nila sa Montar High. " Baby we have no choice. You must go at mag aral sa lugar na ‘yon upang may representative sa pamilya natin, I'm very sorry about that, baby. Wala akong magawa, that's a task. " sabi naman ni Papa sa'kin, okay lang naman sa'kin na ako ang ipapadala. Alam ko naman na kailangan talaga. Tsaka okay lang naman dahil alam kong di ako nag iisa. Kasama ko si Vincent. "Okay lang Pa, I know my responsibilities ako bilang anak nyo, wag kayong mag alala, pag sisikapin kong maging maganda ang reputation ng pamilya natin doon " sagot ko. " Nia, ‘di na tayo mag hihiwalay. Let's do this task, together! " sabi ni Vincent sa'kin


***

Nandito ako sa kwarto. Nililigpit at hinahanda ang mga kagamitang kakailanganin ko doon sa paaralang tinatawag na MONTAR HIGH. ‘Di parin ako handa, di ko alam kung tama ba ito o mali. Si Ate Bianca kase ang dapat na mag aral doon, hindi ako. Di ko‘to napag handaan. Di katulad ni Ate na halos ilang taon sya'ng nag handa para sa pagpasok sa paaralang yon. Natatakot ako. Hindi ako kasing lakas katulad ni Ate. Si Ate alam na nya kung ano ang mga kapangyarihan nya at alam nya rin kung paano gamitin ito. Ehh ako? Wala akong nalalaman kahit isa man lang na attack at wala akong alam sa tinatawag nilang M.O.F o kilala bilang " Moralities On Fighting. " Ang sabi sakin ni Vincent, ang M.O.F ay parang subject lang din pero hindi ito tinuturo, binabasa lang ito. Ito'y isang libro lang at kapag binasa mo ito, automatic nadaw na mag pa-function yung powers mo. Yung una’y, nalilito ako pero ngayun, okay na! Natutunan ko naring maintindihan ang mga bagay na ito. Gusto kong matulog kanina, pero di ako maka tulog kaya iniligpit at hinanda ko nalang ang mga gamit na gagamitin ko sa MONTAR HIGH. Okay na ang lahat, nasa malita na. Sa susunod na araw ay bya-byahe na kami ni Vincent. Kasama ang Daddy nya at ang Papa ko. Dapat kasi akong iparehestro doon at palitan ang representative sa pamilya namin. Si Ate kasi ang naka rehestro doon at hindi ako, kaya dapat pumunta si Papa doon para asikasohin ‘yon. Wala akong ibang magawa kundi humiga. Naka higa lang ako dito at pa tingin-tingin sa paligid. Ma mi-miss ko talaga ang kwarto’ng ito. Hayst. Bakit naman kase naaksedente pa si Ate.


" Ma'am? Ma'am Nia? " tanong ni Aling Demi habang tumakatok sa pintuan. " Bakit po? " sagot ko naman. Tumayo ako mula sa pagkaka higa at binuksan ang pintuan. " Mag handa po kayo Ma'am, basahin nyo po daw itong libro " sabi sa'kin ni Aling Demi sabay abot sa libro na kulay itim na may drawing na araw at bituin. White ang kulay ng bituin at yellow-orange naman ang kulay ng araw. Pinagsama sila at kung titingnan mo ito. Ito'y isang combination. Ang bituin ay nasa gitna ng araw. Kinuha ko ang libro. Makapal ang libro at mabigat. Tumingin ako ni Aling Demi at ngumiti. "Segeh po, babasahin ko po ito. Si Mama ba ang nag utos sayong ibigay sa akin ito Tita? " tanong ko kay Aling Demi. Tita ang tinatawag ko sa kanya, di naman kami ka ano-ano sadyang nag tra-trabaho lang sya sa amin for 20 years na pero wala syang alam tungkol sa kapangyarihan namin. Di naman kasi kami natatakot kung malaman nya at ng ibang nag tratrabaho dito ang sekreto namin kasi nga, nandyan naman si Papa. Mag kapareha kasi sila nang kapangyarihan ni Doc. Stephen kaya pwedeng nya'ng burahin ang alala ng kung sino gamit ang kapangyarihan ni Papa pero mabait naman si Papa kaya yung ala-ala lang na may kinalaman sa'ming kapangyarihan ang binubura nya.


" Oo, Nia. Segeh, maiwan na kita. Magbasa kalang dyan ha. " tugon nya. " Segeh, salamat po Tita. " sagot ko. Tumango at ngumiti lang sa akin si Aling Demi tsaka umalis. Isinara ko ang pintuan at umupo sa kama. Tiningnan ko ang libro at binuksan. Morning Star School Of Magic. Ang naka lagay doon taas, at sa gitna nama'y may naka lagay na M.O.F at doon naman sa baba ay may nakalagay na MONTAR HIGH. Sinimulan ko nang basahin ito at naka ramdam ako ng sobrang init sa aking katawan at sakit sa ulo na para bang pinupokpok ito ng martilyo, hayst. Gusto ko tuloy patigilin ang oras. Binasa ko parin ang mga nakasulat doon. Sa tingin ko'y mahigit kalahating oras ko itong binasa. Gusto kong hindi ito basahin ngunit ang making mga mata ang kusang tumitingin sa mga mensahe, na para bang. Ewan. Napatigil ako nang may nabasa akong mensahe, at biglang gumaan ang pakiramdam ko.


" Congrats! You finished the first task. You can read and understand this book and finished it within an hour. You really a Montarian Student. See you in school. "

- Xander Veaniel

MONTAR HIGH Where stories live. Discover now