CHAPTER 27

44 9 0
                                    

Chapter 27: The Explanation

Adrian’s Pov

Babae ang nakalaban ko. Napabagsak ko sya’t napatay. Kahanga hanga ang kapangyarihan nya at malakas sya.  Kung hindi ko ginamit ang black illusion, hindi ko sya mapapabagsak at higit sa lahat, hindi ko sana malalaman ang katotohan sa pagkatao ko.

Kung alam ko lang ang kalalabasan ng paggamit ng black illusion sa mga membro ng dark spiders, siguro magdadalawang isip akong gamitin yun.

Kanina kasi, sa pag gamit ko sa black illusion. Nakita ko ang past nya. Nakita ko ang Montar. May nakita akong dalawang babae, nasa 20s na. Yung isang babae kakaanak nya palang kaya mahina sya. Mahinang mahina. Yung isa naman nagdadalang tao ito.

Nakalaban nila ang babae'ng nakalaban ko ngayun. At dahil mahina ang dalawa sa oras na yun, natalo sila. Unang nilapitan ng kalaban yung babae'ng upang patayin mabuti nalang at napigilan ito ng babae'ng kakaanak palang. Pinatakas nya ang kasama at gamit ang natitirang lakas, kinalaban nya ang kalaban.

Nagpunta ang isang babae sa isang maliit at punong puno ng malalabong halaman. Nakita ko ang isang bahay na yari sa kahoy at doon pumasok ang babae. May tatlong mukhang wishing well sa harap nya at walang pag alinlangan nya'ng hinubad ang pang-itaas na damit at dahan dahang tumalon sa gitna'ng balon.

Nakakita ko sya'ng nakahiga sa baybayin. Puti ang buhangin at maganda ang lugar. Sa oras na yun, manganganak na sya. Timing rin at may babaeng matanda ang nakakita sa kanya. Dinala sya ito sa kubo at doon isinilang ang batang babae. Ngunit sa kasamaang palad, binawean sya ng buhay at tanging ang sangol lamang ang nabuhay.

Hinawakan ng matanda ng noo ng bata. Nag iba ang mata nya at sya’y nagsalita, “ Name, Shania Sharley. Parents, Fariel and Ralph Orial. Soulmate, Adrian Josh Magallon. Parents, Zenith and Ivan Orial. ”

Natulala ako saglit at inintindi ang sinabi nya. Sa una’y hindi ako makapaniwala, nalilito ako at may maraming katanungan pero habang tumatagal mas naiintindihan ko na. Mag kapatid yung Papa ko at Papa ni Nia, ang Mama namin ay lumaking magkapatid pero hindi sila kadugo. May something rules dito sa mundong to na dapat maging mag asawa ang mga panganay ng isa at ang bunso ng isa, at kami yun. Ako at si Nia.

But may isang katanungan ang hindi ko maintindihan. Bakit magkaiba kami ng Last Name. Magkapatid yung mga Papa namin diba?

But nevermind, by the way. Hinalikan ko si Nia dahil feeling ko, dapat naman. I’m sealed just for her, and she's already sealed just for me.

She's mine.

Nakakatawa mang isipin pero itong ang tadhana namin. Alam kong crush nya si Jericho ngayon pero wala akong paki alam. Wala namang mangyayari dahil, we're already sealed for each other.

Ang gagawin ko nalang ngayon ay ang protektahan sya.

Nalaman ko rin na yung dalawang babae na nakita ko is yung Mother namin ni Nia. Pinatay ng babaeng to ang mama ko. Kung hindi nangyari yun, sana nakasama ko pa sya. Sana naranasan kong tumira sa isang bobong kasama sya. Hindi sana ako napulot at naging pabigat sa kumupkop sakin ngayon. Hindi sana namatay mama ni Nia. Hindi sana napadpad si Nia sa Emelsia. Kasama dapat namin ngayon yung totoong magulang namin.

Hindi ko napigilan sarili ko kaya napatay ko sya, at ang kabayaran sa pag gamit ng black illusion sa kalaban ay malaking epekto sakin. May posibilidad na mawala ang pagiging Montarian blood ko. May posibilidad na makulong ako dito sa lugar na’to. At mabura yung mga alaala ko.

Hindi ko alam kung bakit ganun, siguro ewan.

Hindi naman ako nagsisisi sa pag gamit ko ng black illusion kanina. Pero sa tingin ko, dapat na akong mag ingat.

MONTAR HIGH Where stories live. Discover now