CHAPTER 22

46 11 0
                                    

CHAPTER 22: CeTei Hei

Syein's Pov

Lahat kami ay nakatulog dahil sa kinain na prutas. Di namin alam na may kakaibang epekto iyon. Sa sobrang gutom ay di na namin napigilan, kain kami kain hanggang sa nakatulog kami.

Nagising rin kami dahil sa pag-sigaw ni Reyel at kaming lahat ay nagulat rin, ang ibang kasamahan namin ay napasigaw rin.

Napasigaw kami dahil sa nakita. Kami ay nagbago. Ang katawan namin ay nagbago. I mean ang kulay ng katawan ay nag-iba. Lahat kami ay naging kulay pula.  One hundred percent na epekto ito sa prutas na kinain namin.

Hanggang sa nag-iba ang paligid. May narinig kaming isang napakalakas na sigaw. Kasabay ang pag kidlat at pagyanig. Naging mausok ang paligid at rinig na rinig namin ang napaka-lakas na tunog ng hangin. Maya-maya'y naging kulay itim ang lahat.

At pagka-lipas ng sampung sigundo'y may napansin kaming liwanag sa di kalayuan na papalapit sa'min. Tahimik kaming lahat at pinagmasdan lang ito.

" Tumingin kayo sa paligid, ngayon na! " rinig naming sigaw. Boses ito ng lalaki. At napatingin naman kami.

Isang transparent ang nagpapalibot samin. Nandun ang simbolong Apoy, Hangin, Ice, apat na bundok, may Star and Sun. May Eclipse rin! May kulay red, yellow, green, purple and blue. May mga shadows rin. Shadows ng mga tao at mga nilalang na mahirap ipaliwanag, ang weird eh. May isang bundok rin na baliktad. May hagdan ring mahaba at may isang bayan na napapalibutan ng mga nilalang na kangidlis-ngidlis tingnan at may isang malaking tao na hinati ang isang bundok sa apat. At kasabay nito'y may lumitaw na sulat na "Cefu Domor". At biglang nawala rin ang lahat.

Hanggang sa may pulang anino'ng lumitaw sa harap namin at dumami sila nang dumami. Naghawak kamay sila at nag sasayaw na pinalibutan kami. May salitang lumitaw na naman sa harap naming lahat.

" The chronology of the past will be forgotten together with the history of our land "

Sabay-sabay na basa namin at sabay-sabay na paghulog namin. Naririnig ko ang sigaw nila. May sumisigaw na tonong nasasaktan. May sumigaw rin na tonong nagulat lang. May umiiyak at may tumatawa, may napaka-lakas ng bulong-bulongan. May nagsasalita ng di kilalang salita. Feel ko Latin yun at naramdaman ko ang pagbagsak ko sa matigas lupa kaya napapikit ako sa sobrang sakit.

Feeling ko nabali ng mga buto ko. Lalong-lalo na ang spinal cord ko. Kaya napa-ungol rin ako.

Mga ilang sigundo'y napansin kung may liwanag sa harap ko kaya dahan-dahan ko ring tiningnan yung liwanag na'yun. Sa sobrang gulat ay napatayo ako kahit masakit pa ang katawan ko. Pinagmasdan ko ang paligid. Ako'y nasa harap ng hagdan. Ang paligid ko'y may mga apoy na nakalutang na nagsisilbing liwanag.

" Ahh! Ouch! Ahhh a-aray naman! Ahh " rinig kung ungol ni Angela kaya napatingin ako sa kinaroroonan nya. " Ayos kalang? " wala sa sariling tanong ko sa kanya. " M-masakit ang pwetan ko eh. " sagot nya.

" Nasaan tayo? " biglang tanong ni Monique. Napalingon naman ako sa gawi nya. Nakatayo narin sya habang nakatingin sa paligid. " Di ko rin alam eh " sagot ko

" Vincent! Reyel! Okay lang kayo? " rinig kong tanong ni Angela sa dalawa.

" Jake! " pasigaw na tawag ni Monique doon sa lalaki'ng kasamahan nya

" Anong lugar toh? " tanong ng lalaki'ng Jake ang pangalan

" Aba'y ewan " sarkastikong sagot ni Monique

" Tara! " biglang sambit ni Vincent kaya kaming lahat ay napatingin sa kanya

" Sure ka? Baka may masamang mangyari sa'tin pag tumapak tayo sa lugar na'yan. " komento ni Monique

MONTAR HIGH Where stories live. Discover now